🍂Chapter 13🍂

1.8K 51 4
                                    

                                  🍂

                                MIA

Dalawang araw na ang nakalipas pero walang Zero na nagparamdam. Sobra na akong nag-aalala dahil hindi ko na alam kung anong nangyayari sa kanya.

Ang sabi niya kasi saglit lang, bakit inabot ng two days?



Nakihiram lang ako ng phone kay ate para matext siya. Tinadtad ko na siya lahat lahat pero wala man lang siyang reply kahit isa.


Pakiramdam ko tuloy ngayon, bigla na lang niya akong iniwan kasi narealize niya na hindi kami bagay.


Napabuntong hininga na lang ako at saka nagpatuloy sa paglalakad.


Agad na nangunot ang noo ko ng mapansin ko kung sino ang nakasandal sa locker habang nakatingin sa direksyon ko.





Umiwas na lang ako ng tingin at dire-diretsong naglakad nang hindi siya pinapansin. Muntik ng tumalon ang puso ko ng higitin niya ang braso ko at malakas akong itinulak.





Agad akong napangiwi sa lakas ng pagbangga ng katawan ko sa locker.



Napayuko naman ako nang makaramdam ng pagkailang. Hindi ko kayang tagalan ang titig niya.



"Your name is Mia. Am I right?" Tumango naman ako.



"Do you love my brother?" Kinunotan ko naman siya ng noo.




Bakit niya ba ako tinatanong? Weird.



"Yeah. I love him. Why are you asking?" Nag-iwas naman siya ng tingin at binitiwan na rin ang kamay ko.


Nagtaka naman ako nang hindi niya sinagot ang tanong ko at basta na lang akong iniwan katulad noong nakaraan.

Napabuntong hininga na lang ako at pinakalma ang sarili. Pilit kinakalimutan ang mga katanungan sa isip ko. Pumasok na rin ako sa klase ko.




Naging maayos naman 'yong buong araw ko sa school. Boring nga lang kasi pakiramdam ko may kulang.



Hindi rin ako nakapagfocus sa discussion dahil si Zero lang ang laman ng isip ko. 

Tinatamad na sinukbit ko ang bag at matamlay na umuwi sa bahay.



"Oh! Nandiyan ka na pala!" Kinunotan ko naman ng noo si ate.




"Bakit ka ba sumisigaw ate? Hindi naman ako bingi." Nagpeace sign naman siya at saka inabot sa'kin ang phone niya.




"Anong gagawin ko diyan?" Inirapan niya naman ako.


"Boba! Nagmessage 'yong Zero mo. Ayaw mong basahin?" Agad na nanlaki ang mata ko tsaka inagaw sa kamay ni ate ang cellphone. Nakita ko naman siyang napailing dahil sa naging kilos ko.

Binuksan ko agad ang message niya at saka nagbasa.

I'm sorry baby. May emergency lang kaya hindi na kita napupuntahan. By the way, they will be held a party on Friday night, here at the mansion. Do you want to come?

Agad naman akong nagtipa sa keyboard.

What kind of party? What should I wear?


Agad naman siyang nagreply.

Cosplay. Just wear your best costume you have, baby. See you :)

Napangiti naman ako. Pakiramdam ko ay napawi na 'yong lungkot na nararamdaman ko dahil nagparamdam na ulit siya.

WHEN PLAY GONE WRONGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon