🍂Chapter 11🍂

2.4K 67 4
                                    

NANG DAHIL SA NAPKIN

Chapter 11: I wish you belong to me

Agad kong inilapag ang bag ko sa luma naming sofa ng makauwi na ako. Napatingin tuloy sa'kin si ate na busy kakadutdot sa cellphone.

"Oh? Anong nangyari sa mukha mo? Para kang pinagbagsakan ng langit at lupa. Nagbreak na kayo?"

Pinanlakihan ko naman siya ng mata.

"Ano ba naman 'yan ate! Hindi kami nagbreak okay?" inis na sabi ko. Inirapan niya naman ako.

"Sayang naman. Liligawan ko na sana para ako naman ang maging girlfriend niya."

Agad ko namang sinamaan ng tingin si ate pero inismiran niya lang ako.

Napabuntong hininga na lang ako at saka tumayo na para umakyat sa kwarto ko nang mapansing may mga nakatambak na paper bag sa gilid.

"Kanino galing ang mga 'yan?"

Nilingon niya naman ako ng nakangiti. Ang plastic talaga.

"Kay Zarrie. Kagagaling niya lang dito bago ka dumating. Sa'yo pala diyan 'yong isang dress. Kunin mo na lang, may pangalan naman."

Napailing na lang ako at hindi na pinansin si ate.

Naiinis ako sa kanya. Mas okay pa na nagagalit siya sa'kin at sinisigawan ako kaysa ganito. Nagbabait-baitan siya kasi nagbebenefit siya nang dahil sa'kin.

Napairap na lang ako at saka nagpalit ng pambahay at nahiga na sa kama.

Hanggang ngayon ay hindi pa rin mawala sa isip ko ang sinabi niya. Ang weird pa sa pakiramdam kasi parang may hindi magandang mangyayari.

Ipinilig ko na lang ang ulo ko at saka pumikit.

Kinabukasan ay maaga akong bumangon para magluto ng almusal pero nakita ko na lang na nakaready na ang pagkain. Nagtaka pa ako nang hindi ko makita si ate. Mabuti na lang at nakita ko ang dinikit niyang note sa lamesa.

Maaga raw siyang umalis dahil tinext na raw siya noong kumpanyang pinag-applyan niya. I wish, magkatrabaho na siya para hindi na nahihirapan si mama.

Naupo na lang ako at saka nagsimulang kumain. Hinugasan ko na lang din ang mga plato pagkatapos ko.

Nagpunta na agad ako sa banyo para maligo at dali-daling nagbihis ng uniform. Marahan kong sinuklay ang hindi kahabaang buhok ko. Malapit na itong sumayad sa balikat ko.

Nang matapos ako sa pag-aayos ay agad kong isinuot ang salamin ko. Minsan ay nakakalimutan ko ng suotin dahil sinusubukan ko ang contacts kaso hindi talaga ako sanay.

Agad akong napahinto nang makarinig ng sunod sunod na katok mula sa pinto. Naghintay pa ako ng ilang minuto bago lumapit at tuluyang binuksan iyon.

Napaatras naman ako ng bumungad sa'kin si Zero na seryoso ang mukhang nakatitig sa'kin. Tsaka lang ako nakahinga ng maluwag ng ngumiti siya at may inilabas na bulaklak.

Hindi ko naman napigilang mapangiti ng iabot niya sa'kin ang bulaklak. It makes my heart flutter.

"Gusto mo pa bang pumasok?" nahihiyang tanong ko.

Ngumisi naman siya sa'kin bago tuloy-tuloy na pumasok sa loob.

"Pangit 'no?"

Kinunotan niya naman ako ng noo.

"No, maganda pa rin naman kahit luma na." 

Napatango na lang ako. Parehas lang sila ng sinabi ng ate niya kaya maniniwala na ako.

WHEN PLAY GONE WRONGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon