🍂Chapter 25🍂

1.5K 38 4
                                    

NANG DAHIL SA NAPKIN: Part 25

                                  🍂

Kung krimen mang matatawag ang pagnanakaw, handa akong nakawin ang puso mo basta't puso mo ang magiging kulungan ko.

                                 🍂

                               MIA

"Huy! Tulala ka na naman diyan! Problema mo?" masungit na tanong ni ate, pahara-hara kasi ako sa daan.

Napakurap-kurap naman ako, halatang wala sa sarili. Hindi ko alam kung ilang minuto akong nakatulala.
Ipinilig ko na lang ang ulo ko at saka humakbang pababa sa hagdanan.

"Ano ba kasing problema mo? May nang-away ba sa'yo?" Tiningnan ko naman si ate at saka ngitian, pilit nga lang.

"Wala naman po ate, kulang lang ako sa tulog," pagsisinungaling ko.

Napabuntong hininga na lang siya at saka pinaikot ang mata niya.

"Akala ko naman kung ano na! Anyway, kumain ka muna bago ka umalis." Mabilis naman akong umiling kaya agad na napataas ang kilay niya.

"Anong hindi? Paniguradong sa school niyo hindi ka rin kumakain kaya huwag kang pasaway." Napabuntong hininga naman ako at saka nagtungo sa kusina para kumuha ng slice bread.

Kakakagat ko palang sa tinapay nang marinig naming nag-ingay ang gate.

Nagkatitigan pa kami ni ate, nangunot ang noo ko kaya napailing na lang siya at lumabas ng bahay para tingnan kung sino ang mga tao sa labas.

Nagkibit balikat na lang ako at saka pinagpatuloy ang pagkain nang marinig ko ang pangalan ko.

Bakit naman kaya ako tinatawag ni ate? May bisita ba ako?

Nangunot tuloy ang noo ko. Nilunok ko na lang ang kinakain ko at saka lumabas, ni hindi man lang ako nakainom ng tubig.

Tinatamad na naglakad ako palapit kay ate at saka inis na nag-angat ng tingin. Agad na napaawang ang labi ko nang bumungad sa'kin ang dalawang pamilyar na lalaki.

Nang makita ako ni Zach ay nginitian niya kaagad ako habang si Zero ay nakangising nakatitig sa'kin.

Pinagmasdan ko lang naman sila habang nakakunot ang noo ko. Nanatili namang nakakatitig sa'kin si Zero na tila aliw na aliw sa nakikita niya.

"Oh, ikaw pala Zero! Anong ginagawa mo rito? Ngayon na lang ulit kita nakitang nagpunta rito," curious na tanong ni ate. Ngumiti naman si Zero at saka ako tinapunan ng tingin. Muntik pa akong mapatalon dahil sa gulat.

Bigla-bigla na lang kasing tititig, nakakagulat kaya 'yon.

"Sinusundo si Mia," casual na sabi niya. Agad naman akong nilingon at saka tinaasan naman ng kilay ni ate. Napangisi pa siya, halatang inaasar ako.

"At bakit mo naman siya sinusundo?" Ngumisi naman si Zero habang ang hinlalaki ay dumadampi sa ibabang labi.

Napaiwas tuloy ako ng tingin dahil ang hot niyang tingnan habang ginagawa niya 'yon.

"I just want to see her, and also, to make her mine again." Agad namang nanlaki ang mata ko nang dahil sa sinabi niya.

Muntik pa akong masamid, mabuti na lang wala na akong kinakain. Napalingon naman ako kaybZach nang maramdam kong humigpit ang pagkakahawak niya sa'kin, mukhang nagsisimula na naman siyang mabadtrip.

Narinig ko namang napatawa si ate at agad akong napadaing nang pasimple niyang hinila paibaba ang buhok ko.

"Ang taray, naghahabol mo 'yong ex mo. Ang haba ng hair, inggit ako!" natatawang sabi niya pero napairap na lang ako. Binitawan niya na rin ang buhok ko at saka pumasok sa loob.

WHEN PLAY GONE WRONGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon