NANG DAHIL SA NAPKIN🍂
Happiness can be deceiving. It can hide the pain you will receive.
🍂
"Oh, ang aga aga nakabusangot ka," sita ni ate nang makita akong nakasimangot.
Hindi ko na lang siya inimik at tinapos na ang pag-aayos ng mga gamit ko sa bag.
Parang nakakatamad pumasok ngayong wala si Zero. May importante raw siyang kailangan puntahan kaya absent siya ngayon.
Napabuntong hininga na lang ako at saka tumayo na at inayos ang nagusot kong uniform.
"Aalis ka na? Hindi ka pa kumakain ah." Nginitian ko na lang si ate.
"Sa school na lang po ako kakain," pagsisinungaling ko. Medyo nagiging okay na rin 'yong treatment sa'kin ni ate. Hindi ko lang alam kung hanggang kailan.
Sumakay na lang ako ng tricycle papuntang school. Agad akong nagbayad bago pumasok sa loob.
Nagpilit na lang ako ng ngiti at saka nagmamadaling naglakad papuntang classroom. Mabuti na lang at wala pang teacher.
Balak ko talaga sanang hindi pumasok kaya nagpatagal ako kaso naisip ko na sayang din. Ipinilig ko na lamang ang ulo ko at nagfocus sa white board kahit wala namang espesyal doon.
Sabay-sabay kaming nagsitayuan ng pumasok ang teacher namin sa first subject. Umupo na rin kami pagkatapos.
Pinilit kong magfocus sa itinuturo niya pero itong pesteng utak ko, hindi makalimutan si Zero. Napukpok ko na lang ang sarili ko dahil sa sobrang inis. Napansin kong tumayo 'yong babaeng katabi ko at lumipat ng upuan. Akala niya siguro, nababaliw na ako.
Nang tumunog ang bell ay nagligpit kaagad ako ng gamit. Balak kong pumunta ng library at doon magpalipas ng oras.
Niyakap ko naman kaagad 'yong dala kong libro habang binabagtas ko ang hallway. Agad akong napaatras ng may humila sa dulo ng buhok ko.
Impit akong napadaing. Napasama pa ata pati anit ko.
"You slut! Dapat lang sa'yo 'to!" inis na sabi niya at saka muling hinila ang buhok ko. Mas malakas kumpara kanina kaya agad na tumulo ang luha ko sa sobrang sakit.
"Aray! Tama na!" umiiyak na pakiusap ko pero tinawanan lang nila ako.
Pinakawalan niya na rin niya ang buhok ko at malakas akong tinulak dahilan para mapaluhod ako.
Agad akong napangiwi sa lakas ng pagbagsak ko. Pakiramdam ko ay nadurog pati ang tuhod ko.
Napapikit na lang ako ng maramdaman ko ang malamig at malagkit na bumuhos sa ulo ko pababa sa uniform ko. Maging ang libro ko ay nabuhusan din.
"Opss! Sorry! Hindi ko sinasadya," maarteng sabi ng babaeng mukhang nagbuhos sa'kin. Hindi na lang ako umimik at dahan-dahang tumayo.
Gusto kong sumigaw dahil sa inis pero pinanatili kong tikom ang aking bibig.
Aalis na sana ako ng muli akong madapa dahil biglang may pumatik sa'kin. Napapikit na lang ako ng marinig ko ang tawanan nila.
"HAHAHA! Haharang-harang kasi,"
"Ano ka tae? Hahaha!"
"Aww, kawawa naman siya. Wala si Zero na nagtatanggol sa kanya,"
"Hindi sila bagay ni Zero kahit nagpaganda pa siya. She's still a trash!"
BINABASA MO ANG
WHEN PLAY GONE WRONG
Teen FictionWala ng choice si Mia kundi ang dumepende sa kanyang kapalaran at basta na lang nanghila ng unang taong nahagip ng mata niya upang magpabili ng napkin. Sa kasamang palad, ang ultimate campus crush pa ang nahila niya. At dahil sa pakiusap niya ay bi...