WHEN PLAY GONE WRONG (NANG DAHIL SA NAPKIN)
Chapter 4: It should be Zero.
"Then, If you call me Zero again, I will kiss you." Napalunok naman ng dahil sa sinabi niya at tila ba hindi ko magawang ibuka ang labi ko.
Dahan-dahan niyang inilayo ang mukha niya sa gilid ng tenga ko at saka sinalubong ang tingin ko.
Agad na kumabog ang puso ko at pilitin ko mang mag-iwas ng tingin ay hinahabol niya naman ako. Napangisi na lang siya at mas lalo akong pinagdiinan sa pader.
Ramdam ko ang pagdaloy ng malamig na pawis sa noo ko. Huminga na lang ako ng malalim at unti-unting ibinuka ang labi ko.
"Z-Ze--I mean h-ho--" Napapikit na lang ako ng hindi ko maituloy-tuloy ang sasabihin ko. Naramdaman ko naman ang mainit niyang hininga nang mas inilapit niya pa ang mukha niya.
"Bakit hindi ka makapagsalita?" nakangising sabi niya kaya agad na naglikot ang mata ko.
"Paano ako makakapagsalita niyan kung ang lapit ng mukha mo," kinakabahang sabi ko kaya napatango naman siya.
"Ano ngang pangalan ko?" Agad ko naman siyang kinunotan ng noo. Huwag niyang sabihing nakalimutan niya?
"Zero ang pangalan mo. Hindi mo ba matan-hmp!" Hindi ko na naituloy pa ang sasabihin ko ng agad niya akong siniil ng halik sa labi. Agad na nanlaki ang mata ko at tila naging bato. Hindi ko man lang siya nagawang itulak dahil nanghihina ako.
Dahan-dahan akong nagmulat ng mata matapos niya pakawalan ang labi ko at muntik ko ng mahigit ang hininga ko ng mapagtanto kong sobrang lapit pa rin ng mukha namin.
Agad akong nag-iwas ng tingin dahilan para masanggi ko ang ilong niya gamit ng ilong ko.
"P-Pwede b-bang l-lumayo k-ka m-muna," nauutal na sabi ko at marahan ko siyang tinulak. Umiling naman siya kaya napanguso na lang ako sa inis dahilan para mapangiti siya.
"Don't pout or I'll kiss y--!"
"Zero!" Agad naman akong natigilan ng marealize ko ang isinigaw ko. Agad naman siyang napangisi kaya napapikit na lang ako.
Ano na naman bang katangahan ang ginawa mo Mia.
"Anong sabi mo?" kalmadong tanong niya ngunit nakakapanghina ng tuhod. Dahan-dahan naman akong nagmulat at saka ngumiti ng alanganin.
"Uhm, ang sabi ko Ze--I mean, h-ho-ney! Tama, honey." Pagkumbinsi ko sa kanya pero tinaasan niya lang ako ng kilay at napansin ko ring umangat ang sulok ng labi niya.
"Talaga? Bakit parang hindi naman honey ang narinig kong sinabi mo?" Agad naman akong umiling.
"Hindi 'no! Honey kaya 'yon. Baka namali ka lang ng dinig. Honey talaga 'yon. Di'ba honey?" malambing na sabi at saka nagpilit ng ngiti.
Mula sa seryosong mukha ay bigla na lang siyang bumulalas ng tawa habang napapailing-iling.
"Hindi ko inaakalang magiging cute ka ng sobra kapag binanggit mo ang salitang honey. Pfft! Pwedeng isa pa?" natatawang sabi niya pero napasimangot lang ako. Muli namang sumeryoso ang mukha niya at saka ako muling isinandal sa pader.
Napalunok na lang ako ng tinitigan niya ako sa mata.
"Simula ngayon, hindi mo na ako tatawagin sa pangalan ko. Once na marinig ko ang salitang Zero mula sa'yo. Agad kong aangkinin ang labi mo. Naiintindihan mo?" Mabilis naman akong tumango kaya napangiti naman siya at ginulo pa ang buhok ko.
Tumalikod na rin siya at saka nagsimulang maglakad habang nakapamulsa samantalang ako ay naiwang tulala.
Hindi pa rin ako kasi ako makaget over. Nang kumalma na ako ay agad na nanlaki ang mata ko ng marealize kong ang layo na niya.
BINABASA MO ANG
WHEN PLAY GONE WRONG
Teen FictionWala ng choice si Mia kundi ang dumepende sa kanyang kapalaran at basta na lang nanghila ng unang taong nahagip ng mata niya upang magpabili ng napkin. Sa kasamang palad, ang ultimate campus crush pa ang nahila niya. At dahil sa pakiusap niya ay bi...