🍂CHAPTER 5🍂

1.8K 77 9
                                    


NANG DAHIL SA NAPKIN

Chapter 5: Save

"Hoy Mia! Bumangon ka na nga diyan at tanghali na!" Narinig kong sigaw ng ate ko sa baba. Napahikab naman ako at saka nanghihinang bumangon. Ang sakit ng katawan ko at nahihilo rin ako.

Hinilot ko na lang muna ang sentido ko at saka iniligpit ang pinaghigaan ko. Basta ko na lang itinali ang buhok ko at saka nagtanggal ng muta bago bumaba.

Nang makababa ako ay agad kong naabutan si ate Mara na naglalagay ng kolorete sa mukha. Ayos na ayos rin ang pustura niya. Mukhang may pupuntahan na naman siyang lakad ngayon.

"Ano pang tinatayo-tayo mo diyan? Magluto ka na at nagugutom na ako!" inis na singhal niya kaya napairap na lang ako ng palihim.

Ganyan naman siya kapag wala si mama sa bahay. Grabe kung makapag-utos. Daig ko pa ang alipin.

"Ano na?! Ang tagal naman!" Napailing na lang ako at saka pinihit ang gasul at saka nagsimulang magbati ng itlog.

Kung naging masamang lang akong kapatid sa kanya. Matagal ko na sana siyang sinumbong kay mama dahil sa ginagawa niyang pang-aalipin sa'kin.

Feeling reyna mukha namang paa.

Nang matapos ako sa ginagawa ko ay agad akong nagsandok ng kanin sa kaldero at saka naglagay ng itlog sa kanin niya. Inilapag ko na lang 'yon sa lamesa.

Aalis na sana ako ng tawagin niya ulit ako.

"Wait! Nasaan ang gatas ko?!" mataray na sabi niya kaya napailing na lang ako at saka naglakad palapit sa mesa at saka nagsimulang magtimpla.

Agad akong napapikit ng makaramdam ako ng hilo ngunit ipinilig ko na lamang ang ulo ko.

Matapos kong magtimpla ay agad ko namang inabot ang gatas ngunit muli na naman akong inatake ng pagkahilo kaya bahagyang gumalaw ang kamay ko dahilan para matapunan siya.

"Gosh! Ano ba?! Tingnan mo ang ginawa mo! You ruined my dress!" inis na singhal niya kaya agad akong napayuko.

"Hindi ko naman sinasadya. Nahilo lang a-aray!" Agad akong napakapit sa buhok ko ng bigla niya akong sabunutan at duru-duruin ang noo ko.

"Wala ka na talagang ginawang matino! Napaka walang silbi mo!" Napapikit na lang ako sa sakit dulot ng pagsabunot niya.

"Ano ng gagawin ko ngayon ha? Dinumihan mo na ang damit ko! Nakakainis ka! Napakawalang kwenta mo! Bakit kasi ikaw pa ang naging kapatid ko!" Mas lalo niyang hinigpitan ang pagkakasabunot sa'kin at agad akong nakaramdam ng hilo ng iuntog niya ako sa pader. "Psh! Huwag na huwag kang magsusumbong kay mama dahil higit pa diyan ang aabutin mo," seryosong sabi niya at saka binitiwan ang buhok ko.

Dahan-dahan naman akong napadausdos sa pader at saka tahimik na umiyak nang marinig ko ang pagsara ng pinto.

Agad kong kinapa ang gilid ng ulo ko at tahimik na napaluha nang may makapa akong malagkit na likido mula roon. Nang ibaba ko ang kamay ko ay napayakap na lang ako sa tuhod ko ng may makita kong may dugo ang kamay ko.

Nang kumalma na ako ay agad kong pinahid ang luha ko. Dahan-dahan ako tumayo dahil mas lalong lumala ang hilo ko.

Dumiretso agad ako sa banyo para maglinis ng katawan. Pagkatapos ay ginamot ko na rin ang maliit kong sugat. Nilugay ko na lang buhok ko para hindi masyadong mahalata iyon.

Inilock ko na lang ang pinto at saka naglakad papunta sa sakayan ng jeep. Linggo ngayon at balak kong puntahan si mama sa pinagtatrabahuhan niya. Isa kasing mananahi si mama.

Agad akong pumara ng jeep at saka sinabi ang destinasyon ko. Nang makarating kami ay agad akong pumara at saka bumaba.

Inayos ko muna ang sarili ko at saka nakangiting pumasok ng shop nila.

WHEN PLAY GONE WRONGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon