🍂Chapter 14🍂

1.7K 51 10
                                    

                                  🍂

                                MIA

"Hoy! Gumising ka na nga diyan! 'Yung boyfriend mo nasa baba!"

Agad naman akong napabangon at napasuklay sa buhok ko.

"Si Zero? Nasaan?!" Agad namang napailing si ate at bintukan ako dahil bigla na lang akong nataranta nang marinig ko ang pangalan ni Zero.

"Sa wakas gumising ka rin. Maligo ka na nga dun."

Napasimangot naman ako at akmang babalik na sa pagtulog ng hilahin naman ni ate ang dulo ng buhok ko.

"Aray! Bakit ba?!" inis na sabi ko. Tinaasan niya naman ako ng kilay.

"Ang sabi ko, maligo ka na at naghihintay na 'yong boyfriend mo sa baba."

Nang marinig ko ang sinabi niya ay agad na lumiwanag ang mukha ko at saka napangiti ng pagkalaki-laki.

"Talaga? Nandiyan siya?" excited na sabi ko.

Tumango naman si ate kaya agad akong napatakbo sa banyo para maligo.

Binilisan ko talaga ang kilos ko dahil miss na miss ko na si Zero.

Noong mga nakaraang araw kasi ay napag-isip isip ko na masyado akong naging unfair kay Zero. Ni hindi ko man lang siya binigyan ng pagkakataong magpaliwanag.

Naisip ko na baka hindi naman niya ginusto iyon at naipit lang siya sa sitwasyon kaya hindi na niya sinabi sa'kin para hindi na ako mag-alala.

Narealize ko na baka hindi naman talaga niya ako niloko. Ramdam ko kasi 'yong sincerity niya kaya alam kong hindi niya ako magagawang lokohin ng ganun.

Kaya 'yong galit ko sa kanya, bigla na lang nawala kasi mas pinili ko na lang siyang intindihin kaysa husgahan pa siya at sabihan ng masasakit na salita.

Gusto ko na ulit siyang mayakap at magsorry sa kanya. Hindi niya deserve ang mga sinabi ko nung nakaraan. Pakiramdam ko tuloy ang sama kong tao.

Nang matapos akong maligo ay dali-dali akong bumaba ng kwarto ko. Ang laki pa ng ngiti ko habang palabas ng bahay.

Tinawag pa ako ni ate para kumain pero hindi ko na siya pinansin. Dumiretso na kaagad ako palabas. Ang kaninang ngiti ko ay bigla na lang napalitan ng pagkadismaya.

Agad na umarko ang kilay ko nang hindi si Zero ang makita ko kundi si Zach, ang kapatid niya.

"Anong ginagawa mo rito?"

Napangisi naman siya dahil sa biglang pagsusungit ko.

"Hindi ba obvious? Sinusundo ka."

Kinunotan ko naman siya ng noo.

"Eh bakit mo naman ako sinusundo? Nasaan si Zero?"

Binigyan niya naman ako ng nakakalokong ngiti bago umalis sa pagkakasandal sa kotse niya at humakbang palapit sa'kin.



"Bakit mo ba hinahanap 'yong kapatid ko eh ako 'yong nandito?" nakangising tanong niya



Agad naman akong nag-iwas ng tingin at saka nagcross arm.


"Kasi siya 'yong boyfriend ko."



Narinig ko naman siyang napatawa na animo'y nang-aasar. Ang sarap niyang batukan.

"Boyfriend? Bakit? Sa tingin mo ba ay girlfriend ka pa rin niya?"

Inis ko naman siyang nilingon tsaka sinamaan ng tingin. Hindi ko itatangging nasaktan ako sa sinabi niya. Bakit kasi kailangan ganun?


WHEN PLAY GONE WRONGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon