🍂Chapter 18🍂

1.7K 47 4
                                    

Cupid sometimes runs out of arrows and only shot one person instead of two.

                                  🍂

                 MIA POINT OF VIEW

Maaga akong nagpunta sa school dahil foundation day namin ngayon.

Mukhang galit pa rin sa'kin si Zach kasi hindi man lang niya ako pinuntahan sa bahay. Ayos lang naman sa'kin na hindi niya ako sunduin kaso lang, nakakaguilty.

Kasalanan ko bang mahulog siya sa'kin? Siya nga itong nagplano ng fake relationship tapos magagalit siya ngayon.

Ipinilig ko na lamang ang ulo ko at saka nakisabay sa nagkukumpulang mga estudyante.

Every foundation day ay pinapayagan nila ang taga ibang school na magpunta sa school namin para makisaya sa mga gaganaping event.



Medyo nahirapan pa akong makaalis sa kumpulan ng mga tao. Mabuti na lang at may humila sa'kin kaya nagawa kong makalayo.


Nang mag-angat naman ako ng tingin ay agad na nanlaki ang mata ko nang mapagtantong si Zach ang humila sa'kin.



Bigla tuloy akong nailang at hindi alam ang sasabihin. Narinig ko naman siyang bumuntong hininga bago ako tinapunan ng tingin.



"Mia, about sa sinabi ko noong nakaraan. I'm sorry."



Agad naman akong napalingon kay Zach.



"Bakit ikaw 'yong nagsosorry? Hindi ba dapat ako 'yong magsorry?"



Napangiti naman siya at saka ginulo ang buhok ko.


"Ang cute mo talaga 'no? Bakit ka magsosorry? Kasalanan mo bang nagustuhan kita?"


Natahimik naman ako at mabilis na nag-iwas ng tingin.

"Para kasing ang hirap maniwala. Baka mamaya jinojoke time mo lang ako," mahinang tanong ko.


Narinig ko naman siyang napatawa at agad na umangat ang katawan ko ng pisilin niya ang tungkil ng ilong ko.



"Hindi ka naman mahirap magustuhan." Hindi naman ako nakasagot.

Agad na kumabog ang puso ko nang pagsiklupin niya ang kamay namin.


"Gusto talaga kita, Mia. Don't worry, hindi pa naman love, pwede pang mawala. Pero hanggat akin ka, hindi ka pwedeng mapunta sa iba."



Nag-angat naman ako ng tingin kasabay ng pagkunot ng noo ko.



"Kailan pa ako naging sa'yo?" Agad naman akong napaatras ng ilapit niya ang mukha niya.



"Hanggang ngayon wala ka pa ring alam. Hayss, ang mahalaga girlfriend kita. Tara na nga."



Hindi na ako nakaangal ng hilahin na niya ako.


Sana lang talaga mawala agad iyong pagkagusto niya sa'kin dahil hindi ko alam kung magagawa ko ba siyang gustuhin pabalik.


Mahal ko pa rin si Zero pero may parte sa puso ko na nasasaktan para kay Zach.


Hindi niya naman kasalanang mahulog, kaya lang nahulog siya sa maling tao.



Napabuntong hininga na lang ako at ipinalibot ang paningin sa paligid.


Bawat booth na makikita ko ay punong-puno ng mga tao, lalong lalo na ang cafe kung saan may mga gwapong nagseserve ng order nila.


WHEN PLAY GONE WRONGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon