🍂Chapter 27🍂

1.4K 38 0
                                    

NANG DAHIL SA NAPKIN: 27

                                 🍂

This will be the beginning of our love story and the ending of the game.

                                🍂
                              
                              MIA

"Mia, huy! Gising na! Aba, malelate ka na!"

Pinilit ko namang magmulat ng mata pero hindi ko magawa. Ang sakit pa ng ulo ko, parang pinukpukpok ng martilyo.

"Huy! Ano na?! Bangon na diyan! Alas onse na!" inis na sabi ni ate at inalog-alog pa ako. Napangiwi tuloy ako nang sumakit ang katawan ko.

"Aray ko ate. Dahan-dahan naman, masakit eh," halos maluha na sabi ko.

"Anong masakit, ang sabi ko bangon--teka, bakit ang init mo?!" gulat na sabi niya nang mapahawak siya sa noo ko.

Napabuntong hininga na lang ako at saka dahan-dahang bumangon mula sa pagkakahiga. Bubuksan ko na sana ang mata ko nang bigla na lang umikot ang paningin ko.

"Teka nga, hindi mo ba ginamit 'yong payong kagabi ha?" Nilingon ko naman si ate at saka napahawak sa noo ko, ang init ko nga.

"Sinat lang 'to ate, maliligo na ako," nakangiting sabi ko. Tatayo na sana ako nang higitin niya ako pabalik, napaupo tuloy ako sa kama.

"Hindi ka papasok, magpahinga ka na lang dito," utos niya pero umiling lang ako.

"Hindi na ate, kailangan kong pumasok. Sinat lang naman 'to eh," pagpupumilit ko pa kaya inirapan niya lang ako.

"Tsk, kahit kailan talaga pasaway ka. Kumain ka mamaya sa baba nang makainom ka ng gamot. Kapag hindi, huwag kang papasok ng school." Napatango-tango na lang ako para tumigil na si ate kakadada.

Ang sakit sa tenga ng boses niya, mas lalo tuloy sumasakit ang ulo ko.

"Bilisan mo na at malelate ka na! Nagpaulan pa kasi, tingnan mo ngayon may sakit ka na," galit na sabi niya kaya napairap na lang ako.

"Oo na ate, lumabas ka na nga ng kwarto ko. Sumasakit lang lalo 'yung ulo ko eh." Inirapan niya naman ako at saka lumabas ng kwarto.

Napailing na lang ako at saka pumasok sa banyo para maligo. Medyo bumaba naman 'yung temperatura ko kaya hindi na ako masyadong nahihilo.

Pagkatapos kong magbihis ay bumaba na agad ako para mag-almusal at nang makainom na ako ng gamot.

Sinermunan pa ulit ako ni ate pero nagpanggap na lang ako na walang naririnig. Pagkatapos kong makainom  ay umakyat na ulit ako sa taas para ayusin ang gamit ko.

Hinilot-hilot ko pa ang sentido ko para tuluyan ng maglaho ang pagkahilo ko. Nang matapos ako sa pag-aayos ng gamit ay bumaba na rin ako.

Muntik pa akong matalisod sa hagdan sa pagmamadali ko, malapit na kasing mag alas-dose eh babiyahe pa ako.

Kinawayan ko na lang si ate at saka lumabas ng bahay.

Pagkalabas ko ay agad kong napansin si Zach na naghihintay, nakasandal lang siya sa kotse niya at mukhang malalim ang iniisip. Nagkibit balikat na lang ako tsaka lumabas at isinara ang gate.

Babatiin ko pa sana siya ng good morning nang bigla na lang niya akong niyakap. Hindi tuloy ako nakagalaw, sobrang higpit kasi nang pagkakayakap niya.

"A-Ayos k-ka l-lang b-ba?" hirap na hirap na tanong ko dahil ipit na ipit ako.

"I will miss you, Mia," malungkot na sabi niya. Nangunot naman ang noo ko.

"Ano bang problema?" nagtatakang sabi ko. Dahan-dahan naman niya akong pinakawalan at saka nginitian, ginulo niya pa ang buhok ko.

WHEN PLAY GONE WRONGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon