🍂Chapter 8🍂

2.7K 69 6
                                    

NANG DAHIL SA NAPKIN

Chapter 8: Binibini

                               🍂

𝘋𝘰 𝘺𝘰𝘶 𝘬𝘯𝘰𝘸 𝘸𝘩𝘢𝘵 𝘐'𝘮 𝘢𝘧𝘳𝘢𝘪𝘥 𝘰𝘧? 𝘐𝘵 𝘪𝘴 𝘭𝘦𝘵𝘵𝘪𝘯𝘨 𝘮𝘺𝘴𝘦𝘭𝘧 𝘵𝘰 𝘵𝘳𝘶𝘴𝘵 𝘴𝘰𝘮𝘦𝘰𝘯𝘦 𝘸𝘩𝘰 𝘸𝘪𝘭𝘭 𝘫𝘶𝘴𝘵 𝘩𝘶𝘳𝘵 𝘮𝘦 𝘪𝘯 𝘵𝘩𝘦 𝘦𝘯𝘥.

                               🍂

Napahinto naman ako sa tapat ng pinto ng classroom ko nang tumigil siya. Humigpit ang pagkakahawak niya sa kamay ko.

"Ayos ka lang ba talaga? Hindi ka man lang ba magpupunta ng clinic?" nag-aalalang tanong ko. Mabilis naman siyang umiling at saka ngumiti.

"Don't worry about me. I'm fine." He smiled at me. Natahimik naman ako ng katukin niya ang nakasaradong pinto. Agad na bumungad sa'min si Mrs. Thalia. Nangunot naman ang noo niya nang mapansing magkahawak kamay ni Zero.

Akmang bibitaw na ako sa kanya ng mas hinigpitan pa niya ang pagkakahawak at saka ngumiti kay ma'am.

"I'm sorry if she's late. It's my fault," hinging paumanhin niya. Magpoprotesta pa sana ako ng senyasan niya akong manahimik na lang. Itinikom ko na lang tuloy ulit ang labi ko.

"At bakit kayo nalate? And what happen to your face Mr. Clinton? Napaaway ka ba?" Ngumiti naman si Zero.

"I can't tell you the whole story but I just want to tell you that it was my fault why Mia is late. Please, don't scold her," pakiusap ni Zero. Narinig ko namang napabuntong si Mrs. Thalia.

"Okay, I will not scold her. Just don't do that again okay?" Agad naman akong tumango. Binalingan naman niya si Zero. "And for you Mr. Clinton. I suggest that you should go to the Clinic." Ngumiti na lang ito.

Napailing na lang ako. Alam ko namang hindi siya pupunta ng clinic.

Agad naman akong nanigas sa kinatatayuan ko ng halikan ako ni Zero sa noo, sa mismong harap ng teacher ko.

Napayuko na lang ako sa sobrang kahihiyan. Hindi ko na tuloy alam kung anong tumatakbo sa isip ni Mrs. Thalia ngayon.

"Please, take care of my girlfriend. Good bye," he said before he kiss my cheek and leave.

Naiwan naman akong nakatulala habang nakatanaw sa papalayong bulto niya. Nang lingunin ko naman si Mrs. Thalia ay nakangiti lang siya.

I don't know why she is smiling. Pero mas okay na rin na nakangiti siya. At least alam kong hindi siya galit.

Maglalakad na sana ako papunta sa upuan ko ng maramdaman kong may humawak sa braso ko.

"Don't worry ma'am, I'll take care of her," nakangiting sabi ni Zarrie.

Agad namang nag-ingay ang buong klase.

"Totoo ba ang narinig ko? Girlfriend siya ni Zero?"

"I don't think so, maybe she is just his toy,"

"Eh bakit close sila ng ate ni Zero?"

"Hello, the best thing to get your crush is to be close to his/her relatives. And that's what she's doing,"

"User! She's just using Zero to protect her!"

"Pathetic! She doesn't deserve Zero. He's mine!"

Naramdaman ko namang tinakpan ni Zarrie ang tenga ko kaya hindi ko na rin masyadong naririnig ang pinag-uusapan ng mga kaklase ko.

WHEN PLAY GONE WRONGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon