NANG DAHIL SA NAPKINChapter 10: I'll stay
"I'll see you tomorrow." He kisses my forehead. A smile escaped from my lips.
Pinanood ko na lang siyang pumasok sa loob ng kotse niya. Nagtaka pa ako ng lumingon siya sa back seat at may kinuhang paper bag.
Lumabas ulit siya sa sasakyan at saka ngumiti sa'kin bago inabot ang paper bag na hawak niya.
"My sister told me to bring this one. I think, it's bag?" Napatango na lang ako. Kinuha ko naman ang inaabot niya kahit na ang dami ko na ring dala.
"I love you." He smiled at me and leaned down to plant a kiss on my lips before saying those three words.
"Good night. I'll visit you in your dream." Napatawa naman ako sa sinabi niya.
"Then visit me. I want to see you." Nginitian niya lang ako at saka muling hinalikan sa noo.
Pinanood ko na lang ulit siyang sumakay ng kotse niya bago ito pinaharurot. Napailing na lang ako at saka pumasok sa loob.
Hirap na hirap pa akong bitbitin ang sandamakmak na paper bags kaya ibinagsak ko na lang iyon. Puro damit, sapatos at kung ano-anong anik anik lang naman ang laman ng iba.
Huminga muna ako ng malalim para makalanghap ng sariwang hangin ng bigla na lang akong mapatalon sa gulat.
"Nakarating ka na pala." Sinamaan ko na lang ng tingin si ate. Agad na nagsalubong ang kilay niya nang mapatitig sa'kin.
"Who are you?" Napakurap-kurap naman ako at hindi nakasagot.
"Anak ng! Hindi ka sasagot? Sino ka!" naiinip na tanong niya kaya napangiwi na lang ako.
"Huwag ka ngang sumigaw ate. Ako 'to, si Mia." Natigilan naman siya at saka muli akong pinagmasdan. Agad na nangunot ang noo ko ng bigla siyang bumulalas ng tawa kahit walang nakakatawa.
"Huwag mo nga akong ginogood time. Hindi ka pwedeng maging si Mia kasi sobrang pangit nun," tumatawang sabi ni ate kaya palihim ko siyang sinamaan ng tingin.
Akala mo kung sinong maganda. Kolorete lang naman nagdala.
Napatigil naman siya ng mapansing nakatayo lang ako at hindi umiimik. Pinagmasdan niya naman ako ng matagal.
"Don't tell, hindi ka nagbibiro? Ikaw ba talaga si Mia?" Napaismid na lang ako.
"Papasok ba ako rito kung hindi ako si Mia?" kalmadong sagot ko. Sana kasi naglilinis siya ng tenga para hindi siya nabibingi.
"Paano nangyari 'yon eh pangit 'yon?" Inirapan ko naman siya.
"Tanggap kong pangit ako, huwag mo ng ipaalala," inis na sabi ko kaya agad na nanlaki ang mata niya.
"Oh My Ghod! Ikaw nga ang kapatid ko. Saan ka nanggaling?" Napaismid na lang ako.
"Parang hindi mo naman alam kung saan ako nanggaling." Sinamaan niya naman ako ng tingin pero nginisian ko na lang siya.
"By the way, dala mo na ba 'yong bag?" Napairap na lang ako at saka inabot sa kanya ang isang paper bag.
"Hinintay mo ko para lang tanungin 'yan? Psh." Hindi niya naman pinansin ang pagtataray ko.
Nginitian na lang niya ako.
"Ang galing mo palang namili ng boyfriend ano? Mayaman pa! May kaibigan ba siya? Ireto mo naman ako." Inirapan ko lang siya at binitbit na ulit ang mga paper bag. Nilagpasan ko na lang siya.
Ayoko makipag-usap sa kanya dahil naiinis ako.
Masyadong mukhang pera. Nagtataka tuloy ako kung bakit siya pa ang naging kapatid ko.
BINABASA MO ANG
WHEN PLAY GONE WRONG
Teen FictionWala ng choice si Mia kundi ang dumepende sa kanyang kapalaran at basta na lang nanghila ng unang taong nahagip ng mata niya upang magpabili ng napkin. Sa kasamang palad, ang ultimate campus crush pa ang nahila niya. At dahil sa pakiusap niya ay bi...