🍂Chapter 19🍂

1.7K 47 5
                                    


          

                                🍂

"I know that I still love you, but I think I'm starting to fall to someone else,"

-Mia

                               🍂

               MIA POINT OF VIEW

"Oh? Bakit nakabusangot ka diyan?" bungad sa'kin ni Zach. Hinihingal pa siyang naupo sa tabi ko.

"Ikaw? Anong nangyari sa'yo?" Huminga muna siya ng malalim bago sumagot.

"Huwag mo ng tanungin dahil ayoko ng alalahanin," hinihingal na sabi niya pero nginisian ko lang siya.

"Ano nga kasing nangyari?" Tinaasan niya naman ako ng kilay at saka pinitik ang noo ko. Napanguso tuloy ako.

Masakit 'yon ha! Salbahe!

"Parang kanina lang nakasimangot ka diyan. Ako ang unang nagtanong kaya sagutin mo ako." Tinaasan ko naman siya ng kilay.

"Nagtanong din naman ako ah. Sagutin mo muna ako at sasabihin ko sa'yo ang problema ko." Umiling naman siya.

"Ladies first, babe." Inirapan ko naman siya.

"Anong ladies first? Eh sa attendance sheet nga boys ang una. Dali na, ikaw na muna," pangungulit ko pa kaya napabuntong hininga na lang siya.

"Okay, okay. Hinabol ako ng mga babae kaya tumakbo ako para makatakas sa kanila. Ang dami kasi nilang gusto akong pakasalanan, ang papangit naman," inis na sabi niya kaya agad kong nakagat ang ibabang labi ko.

"Grabe siya! So, kapag maganda hindi mo tatakbuhan?" Nilingon niya naman ako at saka tinitigan sa mata.

"Wala ng mas gaganda sa'yo Mia."

Natigilan naman ako at hindi agad nakapagsalita. Bigla na lang kasing kumabog ang puso ko. Napatitig tuloy ako sa kanya na para bang nakarinig ako ng isang malaking joke.

"Nagbibiro ka ba? Ako maganda? Saan banda?" Napangisi naman siya at saka pinisil ang tungkil ng ilong ko.

"Edi sa mukha, alangan namang sa paa. Isip isip din, babe." Agad ko siyang sinamaan ng tingin. Kikiligin na sana ako kaso masyado siyang mapang-asar.

"Napakasama ng ugali mo!" parang batang sabi ko kaya napailing na lang siya. Sinundan ko naman ng tingin ang kamay niyang may kinuhang kung ano sa loob ng bag niya. Naglabas siya ng panyo at saka ipinunas sa pawisan niyang mukha.

Nang mapansin niyang nakatitig ako sa kanya ay tinaasan niya ako ng kilay.

"Anong tinitingin-tingin mo? Punasan mo ako," utos niya. Napairap na lang ako at saka padabog na inagaw ang panyo niya.

"Sa pagkakaalam ko girlfriend mo ako at hindi alipin!" inis na sabi ko pero nginisian niya lang ako.

"Ang tawag diyan, sweet. Subukan mo namang maging sweet sa'kin. Para kasing wala akong girlfriend eh." Kinunotan ko naman siya ng noo.

"Excuse me? FYI fake lang tayo at hindi ko na problema kung hindi ako sweet na tao."

Tiningnan niya naman ako at saka napangiti.

"Kakaiba ka talaga. Paano mo nagagawang magsungit sa katulad kong gwapo? Samantalang 'yong iba, halos mahimatay na kapag pinansin ko sila."

Napairap naman ako at marahang pinunasan ang pawis niya.

"Hindi naman kasi ako katulad nila. May dignidad naman ako 'no. Never kong ipapakita sa taong gusto ko na naghahabol ako. Mens don't like aggressive girls. Nakakaturn off kaya 'yon," paliwanag ko.

WHEN PLAY GONE WRONGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon