🍂CHAPTER 3🍂

4.2K 124 17
                                    


NANG DAHIL SA NAPKIN

Chapter 3: I'll kiss you

Tahimik lang akong nakatungo sa desk ko dahil absent ang teacher namin sa unang subject.

Plano ko na sanang matulog ng maramdaman kong may kumalabit sa'kin. Agad naman akong nag-angat ng tingin at saka nangunot ang noo.

Nakita ko kasi si Farah na nakatayo sa harap ko.

"Tawag ka ni Zero," masungit na sabi niya at saka dumiretso sa upuan niya at saka nakipag-usap sa mga kaibigan niya.

Nagkibit balikat naman ako at pasimpleng sumilip sa bintana. Agad namang nanlaki ang mata ko ng makita ko nga si Zero na nakasandal sa hamba ng pintuan.

Nang mahuli niya akong nakatingin sa kanya ay kinindatan niya pa ako. Agad na bumilis ang tibok ng puso ko.

Huminga muna ako ng malalim bago tumayo at saka lumabas ng classroom. Hinarap ko naman siya kasabay ng pagngiti niya.

"Anong ginagawa mo rito, Zero?" tanong ko.

"Hindi ka ba masaya na nandito ako?" Hindi naman ako kaagad nakasagot kaya narinig ko ang malamyos niyang pagtawa.

Hindi ko namalayan na nahila na niya pala ako sa kung saang parte ng school.

"Hey, Mia! Nagagala ka na naman," natatawang sabi niya kaya agad na nangunot ang noo ko.

"Naggagala?" Nginitian niya naman ako at saka nagpacute.

"Kasi pati sa puso ko nakakarating ka," nagpapacute na sabi niya sabay kindat kaya napatanga na lang ako.

Hindi ko alam ang magiging reaksyon ko.

Hindi kasi bagay sa kanya ang magmukhang jolly. Mas bagay sa kanya ang maangas.

Pero hindi ko rin napigilan ang sarili ko at kusa akong napangiti. Ang cute niya kasi.

"Ang corny mo," pigil ang tawang sabi ko dahil nagmukha na siyang bakla.

Agad namang sumeryoso ang mukha niya kaya agad kong itinikom ang bibig ko.

"Aish, hindi ka man lang kinilig?" nagtatampong sabi niya. Napaisip naman ako kung sasabihin ko ba 'yong totoo o magpapanggap na kinilig ako.

Narinig ko naman ang pagbuntong hininga niya.

"It's okay. Hindi mo kailangan matakot magsabi ng totoo. At hindi mo rin kailangan magpanggap. Alam ko namang hindi talaga nakakakilig 'yong sinabi ko." Agad na lumungkot ang mukha at saka napayuko.

Agad naman akong nakaramdam ng guilt ng magsimula na siyang maglakad palayo.

"Sandali lang!" pigil ko sa kanya at mahigpit kong hinawakan ang sleeve ng polo niya.

Natigilan naman siya at nilingon ako. Malungkot pa rin siya.

Napaiwas naman ako ng tingin bago nagsalita.

"I'm sorry. Hindi ko naman alam na masasaktan ka sa sinabi ko," hinging paumanhin ko. Narinig ko naman ang pagbuntong hininga niya.

"You know what? I'm trying my best to be sweet because I want you to be happy." Napabuntong hininga naman ako at saka ko sinalubong ang tingin niya.

"Thank you and I'm sorry. I-I l-lo--" Hindi ko na natuloy pa ang sasabihan ko ng maramdaman ko ang pagdampi ng labi niya sa labi ko.

Agad na nanlaki ang mata ko kasabay ng panghihina ng tuhod ko. Kaagad naman niya akong hinigit sa beywang pagkatapos ay ngumiti.

"Ano nga ulit 'yong sasabihin mo kanina? Pwedeng pakiulit?" nakangising tanong niya kaya agad ko siyang naitulak palayo. Ramdam na ramdam ko na ang pagbilis ng tibok ng puso ko.

Nag-iwas naman ako ng tingin pero pilit niya itong hinuhuli. Nakangiti pa siya habang hinahabol ang tingin ko kaya nagduling-dulingan na lang ako.

Agad naman siyang napatawa dahil sa ginawa ko. At agad akong napangiwi ng pisilin niya ang pisngi ko. Kasabay ng pagtanggal niya ng salamin ko.

Agad namang lumabo ang paningin ko kaya agad akong napapikit. Nang magmulat ako ay sobrang labo na ng nakikita ko.

Pinasingkit ko naman ang mata ko para makita ng maayos si Zero na hawak hawak ang salamin ko.

"Akin na 'yang salamin ko please? Wala na akong makita," nagmamakaawang sabi ko. Napangiti naman siya.

"Wala ka ng makitang iba bukod sa'kin?" Tumango na lang ako para ibigay na niya sa'kin ang salamin ko.

Akmang kukunin ko na ang salamin ko ng itaas niya 'yon kaya medyo nahilo ako.

Hindi ba talaga niya ibibigay sa'kin ang salamin ko?

Napasimangot tuloy ako.

"Akin na kasi. Nahihilo na ako dahil hindi ako nakasuot--" Agad akong natigilan ng mabilis niya akong hinalikan sa labi at isinuot sa'kin ang salamin ko.

Napapikit-pikit naman ako bago nakapag-adjust ang mata ko. Agad na bumilis ang tibok ng puso ko ng makita ko siyang nakangiti sa'kin.

"Ang ganda mo pala kapag walang salamin," aniya at marahan niyang sinuklay ang buhok ko. "Wala bang suklay sa inyo?" nakangiwing tanong niya. Agad naman akong napahawak sa buhok ko.

"Ah, nakalimutan ko lang magsuklay kanina," mahinang sabi ko at saka ko kinagat ang ibabang labi ko.

Palihim naman akong napangiwi dahil sa sobrang kahihiyan.

Napailing naman siya at napangiti na lang ako ng halikan niya ako sa pisngi.

"Cute ka pa rin naman kahit wala kang suklay. At love pa rin kita kahit hindi ka pa maligo ng ilang araw," nang-aasar na sabi niya kaya agad akong napanguso.

"Naliligo naman ako eh. Hindi lang talaga ako sanay mag-ayos," nakangusong sabi ko. Tumango-tango na lang siya at saka ginulo ang buhok ko.

"Okay, sabi mo eh," natatawang sabi niya kaya napasimangot na lang ako. Hinawakan niya naman ang kamay ko at tinahak na namin ang hallway pabalik sa room ko.

Agad naman akong huminto ng tumigil siya sa paglalakad at saka ako nilingon. Kinunotan ko naman siya ng noo. Napansin kong nag-iisip siya at parang may inaalala.

Maya-maya pa ay napangiti na rin siya bago ako tinapunan ng tingin.

"If I was not mistaken. You called me Zero. Am I right?" nakangising tanong niya. Kinabahan naman ako kaya agad akong umiling pero mas lalo lang siyang napangisi at agad akong napaatras ng magsimula siyang humakbang palapit sa'kin.

Agad naman akong napaatras at hindi ko namalayang pader na pala ang naatrasan ko. At halos tumigil ang paghinga ko ng mas lalo pa siyang lumapit. Napalunok na lang ako ng tuluyan na niya akong nakulong gamit ang bisig niya.

Dahan-dahan akong nag-angat ng tingin at sinalubong ang tingin niya kasabay ng pagbilis ng tibok ng puso ko.

Bigla naman siyang ngumiti dahilan para lumundag ang puso ko.

Nagkatitigan pa kaming dalawa bago niya inilapit ang labi niya malapit sa leeg ko.

Agad na bumigat ang paghinga ko ng dampian niya ng halik iyon. Kusa akong napapikit ng maramdaman ko ang mainit na hininga niya sa leeg ko paakyat sa tenga at saka bumulong.

"You don't want to call me honey ha?" Hindi naman ako sumagot dahil kinakabahan ako. Narinig ko naman ang mahina niyang pagtawa bago muling bumulong na nagpakabog sa puso ko.

"Then, If you call me Zero again, I will kiss you,"

A/N: Your comment is highly appreciated.

Kindly vote and comment kamsa

WHEN PLAY GONE WRONGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon