"Hey Aeryll sa'n ka pala nakatira.Do you want us to take you home?" Tanong ni Maia.Its already six in the evening at tapos na ang mga klase nila pwera nalang sa may practicum.
"I'm fine.You don't have to." Tanggi ni Aeryll habang nag-aayos ng gamit niya. "Di ka pa uuwi?" Si Spencer naman ngayon ang nagtanong para di naman siya maging outcast sa kanilang dalawa.
Umiling si Aeryll bago mag-salita.
"Not yet.I'll just finish my homework." Namangha naman silang dalawa sa sinabi niya. "Okay...we'll leave you be.Bye Aeryll." Paalam nilang dalawa at tuluyan ng lumabas ng classroom nila.Tumango lang siya bilang tugon."I'll be there dad just don't be early than me.Haha..I know dad,I'm going now." Dinig niya malapit sa pinto ng classroom nila.Boses lalaki iyon.Siguro taga-ibang section.Siya nalang kasi ang natitira sa classroom nila alangan namang multo ito diba?!
Halos mahulog siya sa kinau-upuan ng marinig ang pag-galaw ng katabi niyang upuan. "I'm..sorry for that." Dinig niya na mas lalong nagpagulat sa kanya.
Wala sa oras na nahampas niya ang mesa niya sa gigil.Kanina pa siya nagmumukhang tanga.
"Mierda!" May panggigigil na sabi niya.Sinimulan na niyang ligpitin ang mga gamit niya dahil wala naman na din siyang gana magsulat siguro mamaya nalang pag-uwi niya tatapusin ang homework nila.Lahat pa naman ng subject ay merong assignment.
Hindi na niya kinausap ang seatmate niyang sumusulpot nalang bigla-bigla.Nakilala niya iyong lalaki kanina,siya ang epal niyang seatmate na nanga-agaw ng upuan.
Sumakay na lang siya ng jeep papuntang Greta's Kitchen.Isa itong five-star italian restaurant.Dito siya nagtra-trabaho para may extra allowance naman siya.Mahal pa naman ang pagkain sa cafeteria ng university nila at marami ring materials ang kakailanganin para sa mga activities at projects nila.
"Good evening ma'am." Seryosong bati niya sa may-ari ng restaurant na may katandaan na.Isa itong Italian national na naisipang magtayo ng Italian cuisine dito sa pilipinas.
"Good evening too Aeryll! You're just in time." Kahit pa marami ang empleyado ng restaurant na ito ay sinisikap parin ng matanda na alalahanin ang pangalan ng isa't isa.
Pumasok na siya sa locker room dahil tapos na ang shift ng waiter na papalitan niya.Ng makapag-pagpalit ay kumuha agad siya ng mga order.
"Buona sera signore.Posso prendere il vostro ordine?" Bati niya sa isang costumer na lalaki.Nag-iisa lang ito.May katandaan na ito.Yayamanin din.Malamang,five star restaurant to.Mahal ang pagkain rito di niya afford.
"You impressed me young lady.You're a fluent Italian speaker.Greta surely is doing a great jod handling her business." Aeryll didn't get what the old man was saying.Was it connected to her asking for his order.She concluded that the man knows her ma'am Greta by the way he speaks.
"Sir?" She said.Hindi lang pinahalata na naiinip na siya. "I'm sorry for that haha." The man said. "Qual è il tuo ordine figlio?" She heard the man talked.Oh, he's not alone.
"Same as before dad." Sabi ng lalaking ka-edaran lang ata niya.Hindi nya makita ang mukha dahil galing ito sa likod niya siguro nagpuntang comfort room.And by that she just focused on the man who started ordering.
Napatingin siya sa anak ng nag-order.Nikkolo.Right!That's him.Napansin ng matanda na nakatingin sila sa isa't isa kaya nagpabaling-baling ang tingin niya sa dalawa.He fakely coughed to get their attention.
"By any chance do you two know each other?" Tanong ni Chairman Martinelli.Sumagot naman agad si Nikkolo. "She's my classmate dad." The old man's face was full of amazement.What a coincidence.
"I see but..." Hindi alam ng matanda kung tatapsin ba niya kung ano ang sasabihin o di nalang.Baka kasi ma-offend sa Aeryll.Kasi kung pareho sila ng paaralan ni Nikkolo bakit ito nagtratrabaho.
"I'm a scholar sir.With all due respect sir.I'll excuse myself so I could get your order right away." Napatango nalang si Chairman Martinelli.Sa tugon ns iyon ng matanda ay dali-dali siyang nagpunta sa counter para kunin ang order nila.
"Nikolas!Glad to see you again." Greta greeted the man.They knew each other since Nikolas and Lumiere her husband has a strong bond of friendship so as theirs and as a fact they're cousins.
Agad namang tumayo si Nikkolo para batiin ang zia Greta niya. "How are you,Zia Greta?" Nakipag beso ito sa kaniya.
"Well I'm fine.But you know.You're zio Lumiere is so stubborn to be here with me.He's busy with the company.Sometimes I really feel that he gives the company more importance than me." Greta jokingly said.Sinamahan naman niya ang mag-ama para magkamustahan naman sila.
Ng dumating ang order nila ay nagtuloy-tuloy na ang usapan nilang tatlo.
"Uy Aeryll tara na! Uwian na oh! Anong oras na ba?" Pagaaya ng katrabaho niyang si Celline na may pagka-hesterikal.Biro lang! Napatingin naman siya sa wall clock na kusina ng restaurant.
Its already nine fifty-six in the evening.Nagsisirado ang Greta's at nine kaya tapos narin ang trabaho nila.Palaging nau-unang umuwi ang ma'am Greta nila dahil may katandaan narin ito siguro ay nasa fifties na siya.Ang manager nalang nilang si John ang nagaasikaso sa kanila tuwing uwian na.
"Okay guys! Pwede na tayong umuwi.Ingat kayo." Sabi ng manager nilang naghahatid sa kanila sa main door ng Greta's.Kapag pumapasok kasi sila normal nang sa back door dumaan pero ngayong wala naman nang costumer at uwian na sa main door na sila dumadaan.
"Miss Student!Uwian na po!" Tawag ng manager nila sa kanya.Nakaupo parin kasi siya sa isa sa mga table at tinatapos ang assignments niya.Mas matanda ang manager nila ng limang taon sa kaniya pero kung makaasta kasi ito parang mas matanda pa siya.
Iniligpit na niya ang mga gamit niya at lumabas ng restaurant.Si manager naman nila ang nag-lock ng pinto at habang sila ay naghihintay lang sa isang tabi at nagaabang ng masasakyan.
Nakasaklay naman ang kamay ni Celline sa braso niya.Mas matanda ito sa kaniya ng dalawang taon.Siya ang pinakabatang empleyado ng Greta's at siya lang ang nag-aaral.Mabuti nalang at tinanggap parin siya ng ma'am Greta nila kahit di pa siya college graduate.
"Ang ganda ng pangalan mo noh? Aeryll Kieth Enrícoso.Nabasa ko kanina ng pinatawag ako ni ma'am Greta sa loob ng opisina niya.Mestiza ka Aeryll? Kasi ako half-manananggal at half-white lady.Hahaha~" Nakitawa narin ang mga kasamahan nila sa trabaho siya lang ang hindi.
"Paniguradong half-half tong si miss student Aeryll.Tingnan niyo naman ang kutis maputi at makinis pa.At syempre sa lahat maganda.Mas maganda pa nga siya eh kesa sa mga napapanood kung mga model sa mga fashion show.Ang tangkad pa." Sabi ng manager nila.John kasi ito sa umaga at Maica sa gabi.Haha.Marami itong pinagraraketan. Isang manager,photographer,online seller,bartender.At iba pa.
Walang halong bola naman iyong mga sinabi niya.Eh isang kita mo palang sa kaniya parang nakarating ka na rin sa ibang bansa dahil mala-foreigner ang ganda ng baklitang Aeryll.
"Magpa-inject na kaya ako ng gluta ang maglaklak ng myra?Para naman mangalahati ang ganda ko dyan kay baklitang Aeryll." Kunwari'y maarteng sabi ni John este Maica pala. "Gaga!" Tumatawang sabi ni Celline.Abala naman si Aeryll sa paggawa ng assignments niya.
"Ang taray ng baklang Aeryll may pa tablet oh!" Tingin ni Maica sa tablet niya.Agad naman niya itong ipinuslit sa bag niya dahil delikado na at nasa labas pa sila.Mamo-mroblema pa siya sa pa sa pangpalit nun. "Gaga.Ganiyan talaga sa mga private school dito.Sagot na ng eskwelahan mo ang gagamitin mo para sa mga activities nyo." Sagot ni Patti short for Fatima.Napatango nalang sila sa mangha.Parang dati lang lalakarin mo pa ang ilang kilometro makapasok lang ng eskwelahan niyo.

BINABASA MO ANG
The Scattered Dream
General FictionAeryll Kieth was one week late for class because she was involved in an accident and got hospitalized for almost two weeks. While Nikkolo Grei was nowhere to be found for one week on their morning classes. And then, after a week later they both show...