Pang last class na para sa afternoon class namin, nakaupo lang ang prof namin sa desk niya habang busy sa phone niya at nagtitipa ng napakabilis.
Wala namang pake ang mga classmates ko at nagsisigawan pa sa harapan ng prof naming wala ring pake.
Naka-head phone naman ang katabi ko at busy sa panonood ng video, ganun narin sina Maiana at Spencer. Naglalaro ng mobile game at nanonood nang chingchong dramas.
Napagdesisyunan ko nalang na umidlip nalang muna, ginamit ko muna ang phone ko at isinuot ang earphones ko para makarinig naman ako ng nakaka-kalmang boses. Hindi katulad nang naririnig ko ngayon na parang may continuation na naman ang world war II.
Nang ma-play ang kanta ay inihiga ko ang ulo ko sa mesa at ginamit ang kamay ko bilang unan. Ipinikit ko na ang mata ko habang nakikinig sa kantang nagsimula ng tumugtog.
'Upon one summer's morning
I carefully did stray
Down by the walls of wapping
Where I met a sailor gay'
'Conversing with a young lass
Who seem'd to be in pain
Saying, William, when you go
I fear you'll ne'er return again'
'My heart is pierced by cupid
I disdain all glittering gold
There is nothing can console me
But my jolly sailor bold'
'His hair it hangs in ringlets
His eyes is black as coal
My happiness attend him
Wherever he may go'
'From tower hill to blackwall
I'll wander, weep and moan
All for my jolly sailor
Until he sails home'
"Miss Enrícoso! Your daughter needs you," kahit naka earphones ako ay dinig ko parin ang sigaw ni ma'am. Tinanggal ko ang earphones ko kung totoo nga ang narinig ko. Pagdilat ko ng mga mata ay nagulat naman ako, dahil lahat ng tao sa room at nakatutok ang tingin sa 'kin.
Nang mapadpad ang tinginko sa unahan kong nasaan si ma'am ay laking gulat ko nalang nang makit ko si Scarlett at sa tabi naman niya ay ang teacher niya.
"Daddy Nikkolo!" Nang mapatingin siya kay Nikkolo ay agad siyang lumapit sa kanya at nagpa-karga. "Hi baby why are you here?, wala ka na bang pasok?" malambing na tanong ni Nikkolo kay Scarlett. Hindi na ako nakapagsalita at napatingin nalang sa kanilang dalawa.
Nakaupo si Scarlett sa kandungan ni Nikkolo at nakaharap sa direksyon ko. What in the world is happening?! Bakit nandito si Scarlett? Wala na ba siyang pasok?
"School is done daddy," Scarlett sweetly said to Nikkolo. Ewan ko kung ilusyon ko lang 'to pero mukhang tutok ang buong room kela Nikkolo at Scarlett.
"Then why are you here? How did you know that your mommy Aeryll is here?" Hindi parin siya tumitigil sa paggamit niya ng malambing na tono sa pagsasalita. What's with this day?
"Teacher Amelia knows where you are daddy so I asked her to bring me to you." Nalito naman ako sa sagot niya. Ang layo ah, parang ako lang kani-kanina ang pinaguusapan tapos ngayon babalik na naman sa daddy Nikkolo niya. May favoritism ata ang batang 'to, ako kaya ang tita niya at hindi 'yang si Nikkolo na hindi naman niya kaano-ano.
Napa-ohh naman ang mga tao sa room, ano na naman ba ang tumatakbo sa isipan ng mga malisyosong taong 'to?!
"I will dismiss you early, class." Sabi ni ma'am at dali daling lumabas nang room, sinimulan ko nalang iligpit ang mga gamit ko at para makaalis na ako dito.
Hindi pa nakaka-get over ang mga tao sa paligid ko at nakatingin parin kela Scarlett. Kung ano ang ginagawa nang dalawa ay doon nakatuon ang pansin nilang lahat.
"Scarlett let's go," Sabi ko ng hindi pa nakakatayo, masakit parin kasi hanggang ngayon ang tuhod ko dahil sa pagkakadapa ko sa hagdan kanina. Hindi lang kasi ang sugat kobsa tuhod ko ang masakit kundi pati ang tuhod ko mismo.
"Let's go daddy!" Imbis na pansinin ako ay inaya niya lang si Nikkolo, napatingin nalang ako sa kanya na parang hindi parin makapaniwala sa ginawa niya.
Ginawa naman ni Nikkolo ang sinabi niya, naglakad silang dalawa paplayo sa 'kin hanggang sa hindi ko na sila makita. That asshole!
Napahinga nalang ako ng malalim, paano na ako nito?! Atsaka 'yung pamangkin ko, baka kung saang sulok ng Pilipinas dalhin yun ni Nikkolo! Malalagot talaga ako nito kay kuya Sam.
Nang inihilig ko na pabalik ang ulo ko ay nagulat naman ako dahil nakatingin na silang lahat sa 'kin. Tinaasan ko naman sila ng dalawang kilay na parang nagtatanong kung bakit sila nakatingin sa 'kin. Kala mo naman ako ang nagpa-patay kay Doc Rizal.
"I forgot," nabigla ako ng may biglang kumarga sa 'kin ng pa-bridal style, sasapakin ko na sana sa dibdib kung sino man ang gagong gumawa nun sa 'kin. Pero bigla ko nalang naibagsak ang kamay na sasapak na sana sa dibdid niya ng mapagtanto klng si Nikkolo pala yun.
"Where's Scarlett?" Tanong ko ng makalabas kami ng room, hindi ko kasi makita ang batang 'yon.
"She's got some company downstairs," sabi niya lang, siguraduhin niya lang na walang mangyayaring masama sa pamangkin ko kundi malalagot talaga siya sa 'kin. At paniguradong malalagot naman ako kay kuya Sam.
Nang makababa kami sa ground floor ay sa may cafeteria kami dumaan kung nasaan ang isa pang daanan palabas ng building namin.
Nang makalabas kami ay gusto ko nalang gumapang sa sahig kesa makita akong karga-karga ni Nikkolo. "Kailangan ba talagang ganyan," sabi ni Gabriela Silang habang nakatingin kay Nikkolo. Siya? Siya yung sinasabi ni Nikkolo kanina.
"She's injured Gab," natatawang saad niya sinabayan naman siya ni Gabriela Silang, "Let's go baby," nanlaki ang mata ko sa sinabi niya pero agad ko ring binawi ng maintindihan ko 'yon. Si Scarlett pala ang sinabihan niya nun, akala ko naman si Gabriela Silang.
Kinawayan naman ni Scarlett si Gabriela Silang bago kumapit sa sidsid ng damit ni Nikkolo at naglakad papalayo.
Nang makasakay kami sa kotse ay si Nikkolo nalang muna ang magmamaneho, ano ba yan. Imbis na magkakapera na naging bato pa. Si Scarlett naman ay nasa backseat at abala sa panonood ng videos sa personal ipad niya. Kuya Sam is really spoiling her, mabuti nalang at hindi nagiging spoiled angbatang yan. At ako naman ay nasa passenger's seat, kasi alangan namang sa backseat rin, edi magmumukha na talagang family driver si Nikkolo.
Nang makarating kami sa condominium building namin ay sinamahan parin ako ni Nikkolo hanggang sa marating namin ang unit ko.
Dineretso na niya ako sa kwarto ko at siya narin ang umasikaso kay Scarlett na nasa baba. What can I do without him when I'm like this? Huh?
Nasa kabilang sulok pa ang closet ko kaya kailangan ko pang tumayo at lumakad, pero hindi na ako nag-abala at hinubad nalang ang uniform ko. May shorts naman akong suot pero naka bra nga lang ako. Itinabi ko nalang ang hinubad kong uniform at sapatos.
Malakas ang air-con kaya patagal ng patagal ay mas lumalamig sa kwarto ko. Agad akong nagtalokbong ng kumot, ang lamig. Lalo na ngayong naka-bra lang ako.
Ngayong araw sana ako pupunta sa Greta's pero nangyari naman 'tong katangahan ko. Hindi ko na napigilang mapaidlip sa pagod. Mas tumaas tuloy ang respeto ko sa parents ko at sa mga nanay at tatay na nagpapalaki ng mga anak nila. Nakakapagod magalaga ng bata pero hindi naman nakakasawa lalo na kapag anak mo. ay Scarlett pa nga lang na pamangkin ko, magagawa ko na ang lahat sa bata pa kayang binitbit ko sa sinapupunan ko ng siyam na buwan at iniluwal.
Siguradong magiging katulad talaga ako ni mama na over protective sa 'ming magkakapatid tungkol sa lahat ng makakasakit na bagay sa paligid namin. Mabuti nalang hinayaan niya na kami ni kuya pero si Aeran naman ang mamomroblema.
BINABASA MO ANG
The Scattered Dream
Ficción GeneralAeryll Kieth was one week late for class because she was involved in an accident and got hospitalized for almost two weeks. While Nikkolo Grei was nowhere to be found for one week on their morning classes. And then, after a week later they both show...
