Chapter Fourteen

5 1 0
                                    

"Anong ginagawa mo dyan?" Tanong ko kay Stormi. Ng mabuksan ko ang unit ko ay agad akong pumasok don nakita ko namang sumuod sakin si Stormi at siya narin ang nagsira ng pinto.


"Ba't ka nasa loob ng unit ni Nikkolo?" Malisyoso niyang tanong at lumundag sa sofa at binuksan ang tv. Kahit kailan talaga 'tong si Stormi lagi nalang malisyoso.


"Kailangan ko pa bang sagutin yan?" Tanong ko at tumungo sa kusina para kumuha ng pagkain para saming dalawa.

Minsan namin 'tong ginagawa pag-weekends. Inaaya nga namin si ate Zah eh pero pagod daw siya palagi at minsan nalang siyang umuuwi sa unit niya.


"Ice cream?" Nawiwirduhan niyang tanong. Eh sino ba naman ang taong nasa mabuting katinuan ang kakain ng ice cream ngayong sobrang lamig. Sino pa nga ba?


"Walang iba eh." Sabi ko at sinimulan ng kainin ang ice cream. Habang siya naman ay tinitignan lang ang ice cream niya. "Matutunaw yan pag di mo pa kakainin ngayon." Sabi ko ng hindi tumitingin dahil todo pokus ako sa pinapanood kong movie.




"May stock ka bang noodles?" Tanong niya at hinalughog ang mga cabinet sa kusina ko. Napailing nalang ako sa pinaggaga-gawa niya.



"Damihan mo lang at kakain din ako." Sinenyasan ko lang siya at baka makalimutan pa niyang nandito pa ako.




May stock naman ako ng mga noodles kasi taglamig naman kaya naisipan ko lang bumili last time ng mag-grocery ako.




"Di mo pa sinasagot ang tanong ko Ryll." Sabi niya na may hawak hawak pang spatula at umupo sa tabi ko.



"Yung niluluto mo baka ma-over cook." Pagbabago ko ng usapan. Tiningnan niya lang ako na parang naa-asiwa at para bang wala sa oras na masasabunutan niya ako.



Ng matapos niyang mailuto ang noodles ay agad akong pumunta sa kusina para makakain. Nakita kong may dalawang bowl ng noodles sa mesa kaya kinuha ko ang isa.




"Thanks chef!" Sabay salute pang sabi ko.



Bumalik na ako sa pagkakaupo sa sofa at ipinagpatuloy ang panonood ng movie.




Grabe makakaihi ako nito sa kama mamaya pagtulog ko sa tawa. Central Intelligence ang pinapanood namin.



Halos matapon na ang kinakain kong noodles dahil sa kakatawa ko.




"Ba't mo pala tinatanong kay ate Zah yung picture ng babae, Ryll?" Tanong niya. Tiningnan ko naman siya agad ng may maalala ako.


Agad kong kinuha ang phone ko sa taas kung nasaan ang kwarto ko. Posible kayang itong babaeng 'to at ang kasama ni Martinelli sa litrato ay iisa?!



Pero ang sabi niya ng pumunta kami ng book store ay hindi niya kilala ang babaeng nasa magazine. Baka nga praning lang ako at hesterikal kung mag-isip kaya nagrarambol na ang utak ko sa gulo.



Pagkababa ko ay hindi ko makita si Stormi sa sala kaya sinubukan ko siyang hanapin. "Storm." Tawag ko gamit ang palayaw niya. Wala rin eh nawala lang ang isang letra.




Nakita kong nakadungaw siya sa pinto at nakatingin sa labas kaya tahimik akong lumapit sa kanya at ginaya din ang ginagawa niya.



Sumenyas siya sakin na wag daw akong maingay. pagdungaw ko sa pinto ay ang nakita ko lang ay si ate Zah, nasa tapat lang siya ng unit niya habang nakatalikod samin. Lalakihan ko na sana ang pagbukas ng pinto ng hinigpitan ni Stormi ang pagkakahawak sa pinto.




Halos masakal ako sa ginawa niya. Aalis na sana ako sa pagkakadungaw ng marinig ko ang ilang hikbi galing sa labas.




Hinila ko ng dahan dahan si Stormi papasok pero hinayaan kong nakabukas ang pinto para maiwasang makalikha ng ilang ingay.




"What was that about?" Bulong ko sa kanya. Agad namang umiling si Stormi ng paulit-ulit. "I don't know!" Medyo napalakas ang pagsabi niya nun kaya tinakpan ko agad ang bibig niys gamit ang kamay ko.



"Ng pumunta ka sa taas ay bigla nalang akong nakarinig ng mga hikbi galing sa labas. Kaya dumungaw ako sa pinto at dun ko nakita si ate Zah na humihikbi." Mabuti nalang kumalma na siya habang sinasabi yon.



"Alam mo ba kung bakit?" Tanong ko sa kanya pero umiling lang siya sakin.


"Pano ako makakapasok sa unit ko nito?" Nakasimangot pa niyang sabi. Gusto kong matawa sa pinaggaga-gawa niya, hindi bagay sa kanya ang sumimangot.



Katabi kasi ng unit niya ang kay Ate Zah kumbaga ay napagigitnaan namin unit ni Stormi.


"Dito ka nalang muna." Sabi ko at hinagkan siya hanggang sa makahiga kaming dalawa sa sofa. Humagikhik naman siya at hinagkan ako pabalik bago ipinikit ang mga mata.




Ilang minuto pa ang lumipas pero di parin ako nakakatulog. Habang si Stormi naman ay mahimbing nang natutulog sa sofa. Pinilit ko ngang matulog sa taas kung nasaan ang kwarto ko pero wala na eh. Naubusan ng baterya ang katawan ni manang Stormi.



Binigyan ko nalang siya ng unan at kumot. Dahil centralized ang air-con dito at ang lamig-lamig pagkakagabi.



Hindi ko na ginising at baka hindi na makatulog pa. Gaya nalang ng sakin ngayon.


Tumayo nalang ako sa pagkakaupo sa sofa at nagtungo sa tapat ng isang pinto sa loob ng unit ko.



Pagbukas ko ng pinto ay tumambad sakin ang mga nagkakalat na mga acrylic paints, canvases, paint brushes at mga sketch pads.



Ngayong may pampalipas oras na ako siguro naman mapapagod ako nito at makaktulog diba.




Wala na akong stock ng liquor kaya gagawa ako ng ibang paraan makatulog lang.

The Scattered DreamTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon