"Bahala ka nga dyan!" Sabi ko nalang ng hindi parin siya umimik, lumabas nalang ako dun dahil pang-isahang kanta lang talaga yun.
Nang makalabas ako ay agad na bumulaga sa 'kin ang maingay na arcade. Kaya lumabas nalang ako dun dahil mababasag 'tong eardrums ko kapag maghintay pa ako kay Nikkolo. Magwawala pa ata yun sa karaoke. Nai-imagine ko pa lang na kumakanta siya, gusto ko ng magpakasasa sa kakatawa.
Kukunin ko na sana ang phone ko para makinig ng music pero punyemas, naalala kong wala pa lang bulsa ang daster na 'to. Damn! Ibinigay ko pala 'yun kay Nikkolo ng nasa kotse pa lang kami. Nyemas naman oh!
Ano naman ang gagawin ko dito? Panoorin ang mga batang pasaway na magtakbuhan sa loob ng mall habang ang mga mommy naman nila ay busy sa department store at namimili ng mga ootd nila? Ganun ba?
"Mommy," Nagulat ako ng may batang lumapit sa 'kin tinawag nalang ako bigla-bigla ng mommy. Ano ba ang batang 'to, pati nanay niya hindi kilala. "Kiddo I'm not your mommy." Sabi ko at tinapik ang ulo ng bata.
I was really shocked when she started crying and calling her mom. Nakahandusay na siya sa sahig dahil sa kakaiyak, ang ganda pa naman ng blue little dress niya pero sayang lang dahil nagugusot sa pagkakahandusay niya sa sahig.
"Come here little girl, where gonna find your mommy." Sabi ko at kinarga ang bata, mabuti nalang at tumigil na siya sa pag-iyak. Ang gandang bata naman ng isang 'to, nasaan ba ang nanay nito at nang maturuan ko.
"What's your name, baby?" Tanong ko sa bata, nakatingin lang siya sa 'kin ng may maluha-luhang mga mata. Aww... Nakaka-awa naman, kinusot pa niya ang mga mata ng may tumulong luha. "Scarlett..." She said,sobbing. She really can't stop crying.
Umupo muna ako sa bench at pinaupo siya sa kandungan. Nababasa na ang damit niya sa luha kaya pinahid ko nalang gamit ang kamay ko. "Your name suits you, Scarlett." Namumula na ang buong mukha niya kakaiyak, lalo na ang matangos niyang ilong at ang pisngi niya.
Naalala ko tuloy si kuya Aeros sa kanya, dahil nagmana yung si kuya kay nanay eh. Para siyang isang Enrícoso. "Stop crying, Scarlett." Sabi ko sa kanya at tinapik-tapik ang likod niya dahil sininok na siya kakaiyak.
"Let's buy you some water, first." Sabi ko at kinarga siya ulit, ng makatayo ako ay dun ko lang naalala na wala nga pala akong pera. Damn! Kailangan ko pa talagang bumalik sa loob ng arcade.
"Where gonna get daddy Nikkolo, first and then second is your water." Pagbibiro ko sa kanya. Pero hindi niya pa yun maiintindihan eh. Kaya pumasok nalang ako sa loob ng arcade habang karga-karga siya.
Pero pagbukas ko ng karaoke na pinagkantahan namin kanina ay wala na ron si Nikkolo kaya kailangan ko pa siyang hanapin at libotin ang buong arcade. "Is daddy Nikkolo your husband." Nagulat ako sa sinabi niya pero hindi dun sa sinabi niya tungkol sa amin ni Nikkolo, pero ang tungkol sa pag-aasawa. Saan naman niya nakuha yun?!
Kabatang tao tapos yan na ang bukambibig, jusko lang ha! Nang makita ko si Nikkolo ay agad akong lumapit sa kanya. Ang kumag, naglalaro ng racing car simulation, jusko! Mabuti nalang at may hawak akong bata kundi nabatukan ko na talaga siya kanina pa. Naghintay ako ng ilang minuto sa labas sa pagaakalang susunod agad siya sa 'kin pero punyemas hanggang sa lumapit nalang 'tong si Scarlett sa 'kin.
"Huy, Nikkolo tara na!" Saway ko sa kanya. Para namang nagulantang siya ng bigla akong magsalita sa likuran niya. "Teka lang, matatapos na nga oh!" Sabi niya, walang hiya!
Pinaglaruan na ni Scarlett ang buhok ni Nikkolo at sinabot-sabotan pa. Sinaway naman ako ni Nikkolo sa pagaakalang ako ang sumasabunot sa kanya. "Hijo, kailangan ka na ng asawa at anak mo. Tumigil ka na sa paglalaro at hindi ka na bata." Gusto ko ng humagalpak sa tawa sa naging reaksyon ni Nikkolo nang sawayin siya ni lolo na nasa gilid lang at kasama ang buong pamilya.
"Po? Ako po ba?" Litong-lito na si Nikkolo dahil sa pinagsasasabi ni lolo. Natigil na siya sa paglalaro dahil sa hindi makapaniwala sa sinabi ng matanda. "Ikaw nga hijo, iyang anak mo ay umiiyak na atsaka makinig ka sa asawa mo para magkaintindihan kayo." Tinuro pa ako at si Scarlett ng matanda. Kaya napatayo na si Nikkolo at tinignan ako, pero hindi nagtagal ay nabaling na kay Scarlett ang paningin niya na karga-karga ko pa rin.
Hinatak niya ako palabas ng arcade, nang makalabas kami ay umupo naman ako sa bench na nakatapat lang sa arcade at pinaupo ko na rin si Scarlett dahil sumasakit na ang kandungan ko kaka-karga sa kanya.
"Who is that kid?" Tanong niya sa 'kin at tinuro pa si Scarlett. "Kaya nga kita tinawag kasi nawawala ang batang 'to sabi mo nga, eh aalis ako papunta sa costumers service para i-page ang mommy niya." Eksplenasyon ko para maintindihan naman ng matigas niyang ulo.
"Let's get you some water now, Scarlett." Sabi ko at hinayaan nalang maglakad pero hinawakan ko pa rin ang kamay niya para gabayan siya sa paglalakad at baka magtatakbo ang isang 'to kapag hinayaan ko lang.
Nang makarating kami sa stall ng siomai ay bumili na ako ng bottled mineral water, dahil hindi lang naman siomai ang binibinta nila kundi meron pang juice, tubig at iba pang beverages. Binigyan naman na ako ni Nikkolo ng pere pambili.
Pina-inom ko agad si Scarlett ng tubig dahil hanggang ngayon ay sinisinok pa rin siya. Ng matapos siya ay agad naming tinungo ang costumers service. Paniguradong nagaalala na ang mommy ni Scarlett.
Nag-tagal ng ilang minuto bago marating namin ang costumers service na nasa kabilang dulo pa ng mall kung saan malapit sa entrance at exit ng mall.
Nang makarating na kami ron ay ipi-nage agad ng isa sa mga empleyado ng mall ang mommy ni Scarlett. Mga ilang minuto pa ang lumipas pero wala pa ring nagpapakilala bilang mommy ni Scarlett, ilang segundo pa ang lumipas pero hindi ko na mapigilan ang pagpapaalam dahil ihing-ihi na 'rin ako.
Naka-upo lang kaming tatlo ng ibigay ko si Scarlett kay Nikkolo. "Iihi lang ako," Sabi ko nalang at pinaupo si Scarlett sa kandungan ni Nikkolo.
Wala pa naman ang mommy ni Scarlett kaya pumunta nalang muna ako sa restroom kung saan ay nasa tabi lang ng elevator na malapit lang sa costumers service. Kanina pa talaga ako na-iihi pero ngayon ko lang na-realize na na-iihi na talaga ako. Baliw diba,
BINABASA MO ANG
The Scattered Dream
Ficción GeneralAeryll Kieth was one week late for class because she was involved in an accident and got hospitalized for almost two weeks. While Nikkolo Grei was nowhere to be found for one week on their morning classes. And then, after a week later they both show...