Chapter Thirteen

4 1 0
                                    

"Sumabay ka na sakin." Nagulat ako sa sinabi niya. Sirado na ang Greta's at ang mga katrabaho ko naman ay nakauwi na.

Mahirap ang sakayan ngayon kasi malakas parin ang ulan sa labas. Sila Maica at ang iba nalang ang nandito.

"Ako ba?" Paninigurado ko. Mahirap na at baka mapahiya pa ako. "Sino pa nga ba." Pabalang niyang sabi. Ano bang problema nitong si Martinelli at di matigil-tigil ang pagsasagot niya ng pabalang sa mga tanong ko.


"Teka lang magpapalit lang ako." Sabi ko at pumasok ng locker room para kunin ang damit ko para makapagpalit na ako sa restroom.


"Pano tayo lalabas niyan eh ang lakas ng ulan sa labas?" Sabi ko sa kanya ng bubuksan niya na sana ang pinto.

"Don't you have an umbrella?" Nakakunot niyang sabi na parang napipikon pa. Wala akong pambili eh. Tsaka ayos lang kung mabasa ako ng ulan di naman ako sakitin.

Narinig ko naman siyang bumuntong hininga ng malakas. Naku, naste-stress na ata siya ng dahil sakin.

"Wear this." Sabi niya at ibinigay sakin ang suot-sout niyang coat na black. Agad ko naman isinout yon dahil bigla nalang siyang lumabas kaya sinundan ko nalang siya.

Sinout ko ng maayos ang coat, making sure na hindi mababasa ang ulo ko at ang dala-dala kong bag. Nagi-guilty tuloy ako habang tinitignan ko siyang mabasa ng ulan. Baka magkasakit pa siya.

"Get in!" Sigaw niya para marinig ko. Masyado na kasing malakas ang patak ng ulan. Dali-dali akong pumasok sa loob ng kotse niya dahil nakapasok na siya.


Agad kong kinuha ang panyo ko at ibinigay sa kanya dahil basang-basa na siya ng ulan. "Kaya mong mag-drive?" Tanong ko sa kanya. Baha narin kasi ang mga kalye baka di kayanin ng kotse niya.

Tinanguan niya lang ako at binuksan na ang makina ng kotse. Nadaanan namin ang kalye kung saan ko nakita ang mama'ng nanghingi sakin ng pagkain. Nakita ko siyang nakasilong sa gilid ng building at nakangiting nakatingin sa kotse ni Martinelli sa tapat ng bintana kung nasaan ako.

Nakikita niya ba ako? Ang layo ko kaya at tinted naman 'tong kotse ni Martinelli.


Ng makarating kami sa condominium building namin ay ipinark niya ang kotse sa likod kung nasaan ang parking space ng building.

Lumabas na siya ng kotse kaya lumabas narin ako. "Mauna ka na sa taas." Sabi niya sakin. Siguro aasikasuhin niya pa ang kotse niya.

"Sige una na ako, lalabhan ko muna 'tong coat mo tapos ibabalik ko nalang. Maligo ka rin agad." Bilin ko sa kanya at sumakay na ng elevator deretso sa floor namin.

Damn! Di man lang ako nakapag-pasalamat sa kanya. Nahiya lang siguro.

Ng makapasok ako sa loob ng unit ko ay agad akong pumasok sa bathroom at nag half-bath. Kailangan ko pang ilabhan ang coat niya pero mamaya na pagkatapos ko dito. May washing machine naman at dryer kaya madali lang yan.


Ng matapos ako sa pagligo ay nagpalit muna ako at dumeretso na sa laundry. Kung matatapos ko 'to ngayon ay agad ko naring ibibigay kay Martinelli 'tong coat niya.



Mga ilang beses narin akong kumakatok sa pinto niya pero wala parin eh. "Knock, knock." Baka wala tulog na siya. Imposible namang nasa baba pa siya diba.


"Who's there?" Dinig kong sabi niya bago binuksan ang pinto. Pagkabukas na pagkabukas niya ng pinto ay agad na tumambad sakin ang katawan niyang nakatapi lang hanggang baywang.


Agad akong tumingin sa ibang direksyon pero hinawakan niya ang mukha ko gamit ang dalawa niyang kamay at pilit na ibinabalik ang paningin ko sa kanya. Naramdaman ko naman agad ang mainit niyang mga palad.


"Where even now. I get to see your body and you get see mine." Sabi niya na parang wala lang sa kanya ang mga pinagsasasabi niya. Kung alam niya lang na nagrarambolna ang utak ko sa pagiging malisyosa ko.

Ang weird kay ng mga pinagsasasabi niya. I get to see your body and you get see mine. So weird!


"May sakit ka ba?" Biro ko sa kanya pero nagtatanong narin dahil kakatapos niya palang maligo pero init-init ng kamay niya. "Akin na nga 'to." Sabi niya at inagaw ang coat niyang hinahawak ko. Isasara niya na sana ang pinto ng hinarangan ko gamit ang katawan ko. Aray. Aray lang.

Grabe! Ang sakit! Makapal pa naman ang mga pinto dito. Feeling ko tuloy na-sandwich ako.

"Sira ka ba?!" Sigaw niya at nilakihan ang pagkakabukas ng pinto. Di ko muna yon pinansin at agad kong inilahad ang palad ko sa noo niya. Damn! Agad kong tinanggal ang kamay ko ron dahil sa init.



"May lagnat ka tapos ganyan lang ang suot mo?! Tapos ang lakas pa ng air-con dito sa loob ng unit mo atsaka ang lakas-lakas ng ulan sa labas." Habang nanenermon ako ay di ko na namalayang hinila niya na pala ako papasok sa unit niya.

"Just take care of me." Sabi niya at binuksan ang closet niya. May kinuha siyang t-shirt na may long sleeves at joggers.


Nakita ko siyang humiga sa kama niya. "Aren't you gonna take care of your sick patient?" Wala na akong nagawa kundi maghanap ng bimpo at pumasok sa loob ng bathroom niya.


"I'm taking business ad not medtech, you know?" Sabi ko narinig ko namang humagikhik siya.


"Sino ba kasi ang nagsabing magpa-ulan ka?" Sermon ko habang pinupunasan ng bimpo ang noo niya. "I was being a gentleman back there, you know?" Sabi niya ng may pagkasarkastiko.





Masasabi ko namang pareho lang ang disenyo ng unit namin atsaka di ko talaga inaasahang magiging ganito kalinis ang unit niya.


Hindi nagtagal ay di na siya namansin at naramdaman ko narin ang malalim niyang hininga. Nakatulog na ang pasyente ko.


Gusto ko ng matawa sa mga iniisip ko tungkol sa kanya. Ang tahimik niyang tignan habang natutulog. Ang mapupula niya pisngi at labi. Ang tisoy niya. Halatang mestizo.




Lalabas na sana ako ng may nahulog na papel galing sa bedside table niya. Pagkatapos kong kunin ay ibabalik ko na sana ng aksidente kong nakita ang likod ng papel.



Hindi lang pala siya ordinaryong papel kundi litrato din pala niya at ng... Isang babae?


Tinignan kong maigi ang litrato para makasigurado. Ang bata pa niya dito, siguro mga highschool palang siya dito. Kahit dati pa talaga pogi na 'tong si Martinelli ano? Kung di ko lang alam ang ugali niya siguro crush ko na siya ngayon.


Tinapunan ko ng tingin ang babaeng akbay-akbay niya. Parang pamilyar ang pagmumukha niya. Sayang at hindi ko dala ang phone para makasigurado kong siya nga 'to.


Ibinalik ko nalang sa mesa ang litrato at pinabayaan. Ng makalabas ako sa unit niya ay agad na tumambad sakin ang pagmumukha ni Stormi.

The Scattered DreamTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon