Chapter Twenty four

3 1 0
                                    

Kanina pa hindi umiimik si Nikkolo at kanina parin kami naglalakad ng walang pahinga. Nasa likod niya lang ako. Pero parang hindi niya nahalata. Lutang eh, kanina pa 'yan. Mabuti nalang at hindi pa ubos ang popcorn at milk tea ko kundi kanina pa ako nahimatay dito sa loob ng napakalaking mall na 'to.

"Gusto mo?" Inabot ko sa kanya ang popcorn at milk tea ko. Tinignan niya lang 'yon ng ilang segundo. Hindi naman niya kakainin ang popcorn at iinumin ang milk tea ko, panigurado. Kaya nga inabot ko sa kanya. Eh hindi ko naman 'to iibibigay sa kanya kung alam kong kakainin niya 'to.

Para akong na-estatwa na timang sa gulat. Wala na, finish na. 'Yong popcorn ko at yung milk tea ko. Wahuhu!!~ Bakit?! Bakit ko ba kasi ibinigay sa kanya?! Wala na tuloy. Ubos na.

"Ba't mo inubos?!" Hindi ko na napigilang umangal. "Bakit, hindi ba't pera ko ang ginamit mo pambili nito?" Punyeta! Hindi nalang ako umangal ulit at hinayaan nalang siyang ubusin ang nititirang milk tea.
Ang straw na ginamit ko ay ang ginamit rin niya. Yuck!! Puno na ng laway ko yun eh kaya dapat pinaubos niya nalang sa 'kin. Indirect kiss?! Tama indirect kiss nga tawag dun!

So weird! Bahala na nga siya dyan! Hindi ko na siya sinundan at huminto nalang sa may food court. Nakaupo lang ako dun, wala naman akong pera pambili ng pagkain. Dahil hindi ako nagdala ng pera. Ang sabi niya kasi ililibre niya ako ng lunch. Ediwow! Ako na 'tong uto-uto. Hindi ako talaga nagdadala ng pera kapag nililibre ako dahil malamang sa malamang ay hindi ko na naman mapipigilan ang gumasto ng dahil na naman sa pagkain.

Nakaka-asar kaya yun. 'Yong nag-ipon ka ng ilang buwan tapos magagasto mo lang ng isang araw dahil sa pagkain?! Sabagay, sulit din naman dahil pagkain yun noh! Grasya ang tawag dun!

"Gutom na ako." Hindi pa man nakakalayo si Nikkolo sa 'kin narinig ko ng sabi niya iyon. Nakita ko pang siyang hinimas-himas ang tiyan niya at dumeretso sa loob ng food court. Aba't ang kumag ay nilampasan lang ako na parang hindi man lang kami magkasama.

Nagpapatawa ata siya dahil kanina pa ako naghihirap dito sa gutom tapos... Walang hiyang kumag! Punyeta! Wala na akong enerhiya para tumayo kaya para akong baldado kung lumakad papalapit sa kanya.

"Mag-order ka na ron. Dali, gutom na ako. Atsaka gutom ka narin naman diba?" Pang-iinis niya sa 'kin. Tinignan ko lang siya ng masama at umupo na sa tapat niya. Bahala ka dyan! Ihinilig ko nalang ang ulo ko sa mesa at ginamit ang kamay bilang unan pagkatapos ay ipinikit ang mga mata. Kung hindi niya ako papakainin ay matutulog nalang ako tutal pag-tulog naman ako ay hindi ako nakakaramdam ng gutom.

Naramdaman ko namang umalis siya sa kinau-upuan niya. Hinayaan ko nalang. Wahh!! Gusto ko ng umuwi. Kung nasa condo lang ako edi sana tapos na akong kumain at tulog na siguro ako sa mga oras na 'to. Busog pa ako sa lagay na 'yon.


Naalimpungatan ako ng maramdaman kong may humawak sa balikat ko. "Excuse me ma'am but sleeping is not allowed in here." Kinusot ko muna ang mga mata ko dahil medyo malabo ang paningin ko. Bakit parang pamilyar ang boses na 'yon.


Zachkel?! Agad akong napatayo para yakapin siya. It has been a long time since we last saw each other. Sa reunion pa ata which was a year ago. Zachkel is my second degree cousin. Magka-edaran lang kami pero kung ituring niya ang sarili niya ay mas matanda pa sa 'kin. Sa lahat naming magpi-pinsan isa si Zachkel sa mga close ko.



Naging close nga lang kami ng highschool na ako dahil nasa españa naman ang isang 'to habang ako naman ng elementary ako ay nandito naman ako sa pilipinas. Pero naging close naman kami agad.


"You're here?!" Sabi ko na hindi pa makapaniwala. Its really a surprise. Dahil sa españa naman ang isang 'to namugad. Atsaka pasukan na, ano pa ang ginagawa niya rito? "Yes I am cuz' and you... Why are you here too?" Tanong niya. Simula kasi ng mag-college kami ay napagdesisyunan nina tita at tito na mag-migrate sa ibang bansa at dun na pa pagaralin 'tong si Zachkel.


"Studies... But you, why are you here I thought you were in Canada?" Tanong ko sa kanya dahil nalilito parin ako kung bakit siya narito. "It was Philippines you idiot." Sabi niya at pinitik ako sa noo. Nakalimutan ko lang eh nabobo na ako. Siya kaya ang bobo. Bakit kong may may dementia ka o Alzheimer's disease ba bobo ka na dahil may nakalimutan ka na. Bobo talaga 'tong pinsan ko.



"Ehem!!" Kunwari'y bahing ni Nikkolo. Parang timang! Iniwan nga niya ako kanina eh. Pagtingin ko sa kanya ay nakatingin lang din siya sa aming dalawa ni Zachkel. Pero ang nakapukaw talaga sa 'kin ng tingin ay ang pagkain na nasa mesa namin. Damn may rice pa!


Agad akong umupo sa upuan at inilapat ang mga pagkain sa 'kin. "Uhm... Kieth?" Pukaw ni Zachkel sa 'kin na nanlalaki pa ang mga mata. Agad ko namang nakuha kung ano ang ipinararating niya.



"Ah honey este Nikkolo pala, si Zachkel nga pala, at Zachkel this is Nikkolo Martinelli." Pakilala ko sa kanilang dalawa at diniinan pa ang Martinelli dahil bawal talagang magloko 'tong si Zachkel dahil malalagot talaga siya kina tito at tita.



Lumapit sa tenga ko si Zachkel at may kung anong ibinulong. "Is he your boyfriend?" Parang timang na bulong niya sa 'kin. "Lumayo ka nga sa 'kin. Magseselos 'yun hala ka!" Agad siyang lumayo sa 'kin at umayod ng tayo. Hinayaan ko nalang silang mag-bromance habang ako naman ay kumain nalang dahil hindi ko na kinaya ang gutom.


"Huy! Zachkel Darius! Nasaan ka na ba?!" Narinig kong sigaw sa malayo. Tinignan ko naman ng masama si Zachkel. Ano na naman ba ang katarantaduhang ginawa ng magaling kong pinsan. "Ano na naman ba ang ginawa mong katarantaduhan ha?! Hindi ka na nagdusa!" Sabat ko sa kanya at tinadyakan pa siya sa paa. Nagulat naman ako ng bigla siyang dumaan sa likod ko at nagtago sa likod ni Nikkolo. Pati nga siya ay nagulat sa ginawa ng napaka-galing kong pinsan.



May nakita naman akong babaeng bigla nalang sumulpot sa harapan ko. Ito ba 'yung pinagtatshuan ng pinsan kong nagmamagaling? Parang sobrang bait nga niya eh tapos nakangiti pa siya sa 'kin kahit hindi naman niya ako kilala.



"Ha..Hi?" Napapakali kong sabi. Baka may malaking kasalanan ang pinsan ko sa isang 'to at ako pa ang balikan. Hindi na noh!




The Scattered DreamTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon