Hindi ako makaangal sa pinaggaga-gawa niya dahil hindi na ako makapag-salita sa dami ng nainom kong buko shake.
Nasa mall na kami ngayon pero ang inaasahan kong lunch ay hindi pa nangyayari. Akala ko ba gutom narin siya?!
Ilang minuto na kaming palibot-libot lang dito sa mall na parang mga timang. Minsan naman ay uupo sa isang banda at pupunta naman sa isa pang bahagi ng mall. Siguradong nagsususpetsa na samin ang mga security guards at pinagkakamalan na kaming mga kawatan na nagpaplano ng masama.
Nakakapikon kasi ang isang 'to at lakad lang ng lakad sa kung saan. Hindi man lang humihinto para kumain kaya ng hindi ko na kinaya ang gutom na nararamdaman ko ay bumili nalang muna ako ng waffle at buko shake pampalipas gutom.
"Hindi ka pa ba ginugutom? Kasi kanina pa tayo libot ng libot dito sa buong mall. Ipapatawag na tayo ng security niyan sa suspetsa." Sabi ko sa kanya at napaupo nalang sa may banda sa pagod. Sino ba ang hindi mapapagod kakalibot ng ilang minuto sa buong mall na 'to ng walang pahinga.
Siya lang ata. Parang hindi man lang siya napapagod kaka-lakad. Sabagay, sa haba ba naman ng mga biyas niya ay malaki talaga ang bawat hakbang niya. Mahaba rin naman ang mga biyas ko ah. Mas mahaba nga lang ang kanya kaysa sa 'kin.
Nag-effort pa naman akong magbihis at magsuot ng ganito ka ikling daster. Ako kaya ang mas nahihirapan sa aming dalawa. Kung sakaling nahihirapan nga lang siya.
Nakita kong lumingon-lingon pa siya sa kaliwa at kanan. Ano bang nililingon-lingon ng isang 'to?
Sinamahan ko narin siya sa paglingon-lingon sa kanan pa kaliwa kung saan rin siya lumilingon-lingon. Nang mapasobra ako ng lingon ay agad niya akong hinila papalapit sa kanya. Para na talaga kaming mga magnanakaw. Worse mga teroristang nagpla-plano ng ambush.
"Hindi pa tayo uuwi?" Sarkastiko kong tanong sa kanya. Binigyan niya lang ako ng nawiwirduhan na itsura. Kung ganito lang naman ang gagawin namin dito sa mall buong araw eh mas mabuti pang umiwi nalang kami o kung mas gusto niyang magmukhang timang at terorista kakalakad lang dito. Kahit magdamagan pa, hindi ko siya pipigilan.
Napakamot nalang ako ng ulo ng ipinagpatuloy lang niya ang paglingon-lingon. Augh! Habang tumatagal pa naman ay mas lalong umiinit sa loob ng mall mabuti nalang at nasa parte kami ng mall kung saan hindi marami ang tao.
"Ala-una singko na huy!" Saway ko sa kanya. Mga bandang alas-dose treinta kaya kami umalis ng unit ko. Tapos anong oras na ba ngayon! Jusko! Nahihilo na ako sa gutom.
"Save me, Romeo." Arte ko at sumandal sa braso niya at inilagay ko pa ang likod ng kamay ko sa noo na para bang namromroplema. Kagaya nalang ba ng napapnood ko sa mga barbie movies. Jusko! Nahihilo ako sa kaartehan ng mga barbie doll na 'yon.
Kaya nga Spongebob Squarepants nalang ang pinapanood ko kaysa sa mga barbie, barbie na mga yun.
"What's wrong with you?!" Talagang nawiwirduhan niyang tanong at siniko pa ako dahilan para madapa ako. Agad naman akong tumayo at nilapitan siya.
"Bakit mo naman ginawa yun?! Ang sama mo!" Sabi ko sa kanya at binatukan siya ng malakas. Napa-aray talaga siya sa sakit. Quits lang kami noh! Masakit rin kaya ang tuhod ko dahil sa pagkakadapa.
"May problema po ba tayo Ma'am, Sir?" Nagulantang namang kaming dalawa ng may lumapit na dalawang security guard samin na parang nanghihinala.
Sabi ko na nga ba at nawiwirduhan na sa amin ang mga security guard dito. "Wa... Wala naman po ah." Nauutal kong sabi sa kaba. Ano bang malay naming dalawa at baka hulihin kami bigla ng dalawang mama'ng 'to.
Siniko ko naman si Nikkolo pero mukhang natulad din siya sa 'kin. "There's no...wrong at...all ha..ha." Mas marami nga lang utal ang sa kaniya kumpara sa 'kin. Nagmumukha tuloy siyang magnanakaw o di kaya'y terorista. Pero hindi eh! Masyado siyang gwapo para maging bandido.
"Pakainin mo na kasi ako." Reklamo ko dahil hindi parin umaalis ang mga security guard. "Ah! Naiintindihan ko na pare. Mag-asawa pala sila kaya pala kanina ang lapit lapit nila sa isa't isa. Akala ko nga mga bandido." Narinig kong sabi ng isa sa mga security guard. Napatingin nalang ako kay Nikkolo sa frustrasyon at ganun narin siya sa 'kin.
"Let's go honey," sabi niya at kinindatan pa ako bago akbayan at inilayo sa mga guards. "Sabi ko na sa 'yo pare, mag-asawa silang dalawa." Pahabol pa ng mama'ng security guard. Gusto ko na sanang balikan para linawin ang mga kamalisyosohan nila nang hawakan ni Nikkolo ang dalwang balikat ko para pigilan.
Mukha na ba ako nasa edad treinta pata maging asawa ng isang 'to. Bata pa ako noh! Hindi pa naman ako senior citizen.
"Hayaan mo na, gutom na ako." Sabi niya na nagpaliwanag ng buong pagmumukha ko at binilisan ang paglalakad para mabilis kaming makapunta sa paroroonan namin na kainan. Sana may barbecue o di kaya burger! Syempre mas masarap ang lahat kapag may kanin.
Somai?! Seryoso ba talaga siya at pinakain ako ng japanese somai sa tanghali. Ang mas titindi pa dun ay walang kanin!
"Ahh!!~ Huhuhuhu!!!~ ayaw mo na ba sakin honey?! Hindi mo na ba ako mahal. Kasi ako I won't stop loving even until my last breath." Arte ko at nagsisigaw na parang asawang mawawala na ng asawa. Agad niyang tinakpan ang bibig ko sa kahihiyan.
"Baliw ka na ba talaga?!" Bulong na tanong niya sa akin at tumingin sa paligid namin. Sinundan ko din siya ng tingin, pagtingin ko palang sa isang bahagi ay gusto kong maihi sa kaba. Nandyan na naman kasi ang dalawang mama'ng security guard.
Hindi ako makapag-salita dahil hanggang ngayon nakatakip parin anh kamay niya bibig ko. Nagpupumiglas na ako at lahat-lahat ay hindi niya parin insalus anh pagkakatakip ng kamay niya sa bibig ko.
Hinatak niya ako sa kaliwang bahagi ng mall kung nasaan kami kanina. Hinawak ko ang kamay niya at pilit na tinatanggal ang pagkakatakip sa bibig ay ilong ko. Hindi man lang talaga niya naisip na nahihirapan na akong huminga.
Nang makapunta kami sa mismong pinagtambayan namin kanina kung saan kami nilapitan ng dalawang security gaurds na malisyoso narin ay doon na niya tinanggal ang pagkakatakip sa bibig ay ilong.
Hindi muna ako nagsalita at huminga ng malalim maka-ilang ulit at bumili ng bottled water sa pinakamalapit na bilihan.
BINABASA MO ANG
The Scattered Dream
General FictionAeryll Kieth was one week late for class because she was involved in an accident and got hospitalized for almost two weeks. While Nikkolo Grei was nowhere to be found for one week on their morning classes. And then, after a week later they both show...
