Ate Kaye is really a keeper. She doedsn't share most of her complications with us about her marriage maybe she simply just doesn't want to talk about it.
"Alam mo naman si Ate Kaye, Ryll. Hindi yon nagke-kwento tungkol sa marriage niya." Napatango nalang ako sa sinabi ni Stormi. Yun nga ang sinabi ko.
Big news na nga ang tungkol sa half-sister niyang si Noemi eh. Siguro pamilya lang nila ang nakakaalam tungkol sa kasal kasi wala naman akong nababalitaan na ikinasal ma si ate.
"Tungkol nga pala dun kay Nayowmi? Matagal mo na bang alam yon?" Gusto ko na siyang batukan dahil nakuha niya pang magbiro. "Noemi kaya yon at ngayon ko lang din nalaman noh." Bawi ko sa sinabi niya.
"Grabe talaga ang sama ng tingin nang batang 'yon sakin kanina! Parang siya pa ang mas matanda saming dalawa atsaka may pagka-maldita din." Napailing nalang ako sa mga pinagsasa-sabi niya tungkol kay Noemi.
"Nga pala, anong nangyari sayo at iniwan mo si Thunder ng mag-isa sa unit niyo?" Natatawa kong sabi. Hindi niya kasi hinahayaang mag-isa si Thunder pwera nalang kong nandyan si tito.
"Pinauwi ni dad eh sasama sana ako kaso may project pa pala akong gagawin." Napakamot nalang siya sa ulo sa hiya.
Tahimik lang kaming nanonood ng tv nang marinig naming ang kalabog ng pinto. "I'm leaving tomorrow." Dinig naming sabi ng lalaki sa may pinto. Nagkatinginan naman kami ni Stormi ng makita si Ate Kaye kasama di Noemi at ang husband niya.
"Excuse us." Sabi ko at hinila si Stormi palabas ng unit ni ate Kaye.
"Ba-bye na!" Tulak ko sa tapat ng unit niya at hinintay siyang makapadok sa loob.
Maliligo lang ako bago pumasok sa trabaho. Mabilis lang 'to. Wala narin kasing masyadong oras.
Pagkalabas ko ng unit ay nakita kong nasa tapat ng unit niya si Martinelli. Bihis na bihis ah! "San punta natin?" Tanong ko habang kinakandado ang pinto nang unit ko.
Tinignan ko lang siyang maglakad papuntang elevator. Di man lang sinagot ang tanong ko. Dali dali akong sumunod sa kanya para maabutan ang elevator.
Di siya namamansin kaya ang awkward tuloy. Kinuha ko nalang ang mp3 ko para di na awkward para sakin, ewan ko lang sa kanya.
Pinabayaan ko nalang siya at pumara nalang ng jeep. "I have a surprise for you." Dinig kong sabi niya, baka may kausap lang sa phone. Tinapunan ko siya ng tingin at laking gulat ko na nakatingin din siya sakin.
So Weird!
Sakto namang may huminto na jeep sa harapan ko kaya dali dali nalang akong sumakay at baka bigla pang humarorot paalis.
Ng makarating ako sa Greta's ay pumunta agad ako sa locker room para makapagpalit.
Wala parin si ma'am Greta kaya si Maica narin siguro ang bahala saming lahat.
"Baklang Aeryll! Tapos na ba yung mga calligraphy?" Tinanguan ko lang ang sinabi niya at ibinigay sa kanya ang mga calligraphy. Ng maibigay ko ay agad kong nilahad ang kamay ko na parang nanghihingi.
"Iba ka talaga bakla!" Sabi niya habang binibigay ang pera sakin. Natawa nalang ako sa kakuripotan niya.
Lumabas na ako ng locker room para makapag-serve. "Oh my ghad!" Narinig kong sabi ni Celline kaya agad ko siyang nilapitan at baka kung ano na ang nangyari.
"Huy! Anong sinisigaw-sigaw mo dyan?!" Kinurot ko pa ang tagiliran niya para tumigil na siya at baka magsi-alisan pa ang mga costumers.
Nakita kong tinuro niya ang isang tao malayo samin. Teka! Parang pamilyar ang damit na yon ah!
Para akong timang na nakatingin lang sa kanya habang siya naman ay unti-unting lumalapit sa direksyon namin ni Celline.
Ng makalapit siya samin ay tumapat siya sa tenga ko at may ibinulong."Surprise!"
Agad akong lumayo sa kanya dahil medyo nakiliti ako sa hininga niya.
"How can I help you sir?" Tanong ko sa kanya para hindi masyadong awkward. "Nuh-uh, I'm your boss for now." Sabi niya at may ngisi pa sa mukha at pinisil ang ilong ko.
"Anong ginagawa mo dito? Akala ko ba si Maica este si John pala ang bahala na sa lahat." Sabi ko. Yun naman ang sinabi niya diba.
"Change of decision, I guess?" Sabi niya na parang nang-iinis ba. Pinabayaan ko nalang siya at kumuha nalang ng order ng mga costumers.
"Bakla! Tawag ka ni boss pogi oh!" Parang timang na kinikilig pang sabi ni Maica. At tinulak-tulak pa ako papalapit kay Martinelli.
"Seat." Utos niya,kala mo naman aso ako kung makautos siya. Umupo nalang ako sa tapat niya dahil hindi niya din ako tinatantanan ng tingin.
Magsisira na ang Greta's kasi magna-nine pm na. Pero may iilang costumers pa naman na hindi pa tapos kumain.
"Eat." Di ko na mapigilang mapikon sa mga one word na sinasabi niya.
"Ano po ba ang kailangan niyo boss?" Sarkastikong sabi ko at ngumiti ng pilit. "Your cooperation." He said. Seriously! He's acting so cool.
Tinignan ko lang ang pasta at pizza na nasa mesa. Dinner? Italiano nga siya.
Natikman ko na 'to dahil lagi kaming pinapakain ni ma'am pag-uwian na. Masarap ang recipe ni ma'am Greta at ang alam ko sa kanya mismo galing 'yon. Ang iba kasi nagpapasahan nalang.
Kinuha niya ang isang slice ng pizza at itinapat na parang ipapasubo sakin. "Ghad! Kinikilig ako." Dinig kong sabi ni Maica sa malayo. Parang naging awkward tuloy kaya kinuha ko nalang sa kamay ni Martinelli ang pizza at isinubo.
"Alam niyo boss, bawal po 'to eh kasi dapat nagtatrabaho pa ako ngayon pero kayo naman po ang masusunod dito sa ngayon kaya..." Sabi ko. Di naman talaga ako nandito kung walang pagkain.
"That's right. Ako ang masusunod dito." Sabi niya. Teka, bakit biglang lumamig ng sobra sa loob ng restaurant.
"Saan nga pala natin gagawin ang project natin? Sabado na bukas, wala tayong pasok." Sabi ko habang sinusubo parin ang pizza. Siya naman ay nakatingin lang sa labas na parang lutang.
Tag-lamig na nga. Malakas ang ulan sa labas at minsan ay kumukulog din. Kita sa labas ng Greta's ang kalyeng baha na.
"Hindi ko alam. Pero pwede namang sa unit mo nalang." Sabi niya na nakatingin parin sa labas.
Tinanguan ko nalang ang sinabi niya at kinain nalang ang pizza at pasta ko. "Hindi ka pa ba kakain?" Tanong ko sa kanya. Nakakahiya naman kung ako kumakain na tapos siya na nag-order eh hindi pa nakakakain.
"Kakain na nga." Pabalang niyang sabi at sumubo ng pizza. Eh kung kutusan ko kaya siya.
BINABASA MO ANG
The Scattered Dream
Narrativa generaleAeryll Kieth was one week late for class because she was involved in an accident and got hospitalized for almost two weeks. While Nikkolo Grei was nowhere to be found for one week on their morning classes. And then, after a week later they both show...
