"Ate Kaye?" Katok ko sa pinto ni Ate Kaye. Ilang beses pa akong kumatok baka wala si ate rito.
"Aeryll?" Sabi ni ate na kinukusot pa ang mga mata. Mukhang nakadistorbo ata ako.
Pinapasok naman ako ni ate Kaye sa unit niya. "Pasensya na sa istorbo ate." Paumanhin ko. "Ayus lang. Buti nga nakagising ako ngayon kung hindi pa eh di na naman ako makakatulog mamayang gabi." Bilib talaga ako sa kabaitan nitong si Ate.
Lahat naman talaga sila dito mababait ewan ko lang kay Martinelli.
Napako naman ang tingin ko sa batang nanonood ng tv sa sala ni Ate Kaye. Teka, wala pa namang anak 'tong si ate diba?
"She's Noemi, my half-sibling." Nagulat ako sa sinabi ni ate. Syempre bilang kaibigan narin niya.
"Who is she?" Tanong ng batang babae kay ate habang nakatingin ng masama sakin. "She's my friend and you don't care." Pabalang na sabi ni ate at umupo sa sofa.Weird! Di naman ganito si ate.
Padabog namang umalis si Noemi at pumasok sa loob ng kwarto. "Ganon ba talaga siya?" Tanong ko at umupo narin sa sofa.
"Huwag mo nalang intindihin ang batang yun. Masyado kasing na-spoil nila tita." Napairap nalang si ate habang nagke-kwento. "May chismis ba tayo Ryll?" Pagbabago niya agad ng topic. Natawa nalang ako sa ginawa. Ayaw niya talagang pag-usapan ang kapatid niya.
"May itatanong lang ako." Napakamot nalang ako sa batok ko dahil sa hiya. "Shot." Sabi ni ate. Magsasalita na sana ako ng may kumatok.
"Hi? Nakita ko kasing pumasok si Ryll sa loob kaya baka may chismis tayo." Sabi ni Stormi na nakadungaw sa pinto. Hindi na namin napigilang matawa ni Ate dahil sa sinabi ni Stormi.
Kusa nalang siyang pumasok sa loob ng unit ni ate at umupo sa tabi ko. "Ano ang chismis?" Biro ni Stormi. Ibang klase talaga 'tong si Stormi.
"Di naman big deal pero may itatanong lang ako kay ate." Sabi ko. Naging close narin siguro kaming tatlo dahil babae kami at magkakatabi lang ang unit namin.
Para namang di sila makapaghintay dahil sa mga reaksyon nilang atat. Kinuha ko nalang ang phone sa bulsa ko dahil baka di na sila makapaghintay pa.
"Kilala mo ba siya ate?" Tanong ko sabay ipinakita ang picture ng magazine na kinunan ko kanina sa book store. "Patingin nga." Sabi ni Stormi at pumunta sa likod namin.
"Ano ba yan! Kala ko pa naman may something na kayo ni Nikkolo." Nagulat naman ako sa sinabi niya. San naman niya nakuha ang ideyang yon.
"Sikat na kaya kayong dalawa sa buong TCIS. Usap usapan na may ilang interaction daw kayo sa isa't isa.Sweet interactions pala." Parang nadidismayang pa niyang sabi.
"Baliw ka talaga noh!" Natatawang sabi ni ate at ibinato ang isang tissue roll kay Stormi. Sinimangotan niya lang kami ni ate.
"Patingin nga ako." Kinuha ni ate Kaye ang phone ko at tinignang maigi ang picture.
"She's kinda familiar. I've seen her in fashion runaways in tv but I haven't worked with her." Napatango nalang kami ni Stormi sa mangha at frustrasyon.
"Alam mo ba ang pangalan niya ate Kaye?" Si Stormi naman ang nagtanong ngayon. Nakaupo na siya sa carpet at nanonood ng tv. Ewan ko kung ano'ng nangyari dito kay Stormi at hinayaang mag-isa si Thunder sa unit nila.
"Hindi eh," Napakamot nalang si Ate ng batok. Ilang minuto pa kaming nag-usap ng bumukas ang pinto ng kwarto at lumabas si Noemi.
"I'm hungry, I wanna eat." Sabi pa niya. Mukhang hindi sila magka-ayos ni Ate Kaye, sa mga mukha palang nilang parang naa-asiwa sa isa't isa.
"Then go on check the fridge." Nagpabalik balik lang ang paningin namin ni Stormi sa kanilang dalawa.
"There's no food in there, just you're weird make up stufffs." Inilibot pa ni Noemi ang mga mata niya. This kid is somehow effortlessly making me laugh. Siguro ang tinutukoy niyang mga weird make up stuffs ay ang mga cream ni ate.
Na-experience ko na yan ng gusto ko sanang kumuha ng pagkain dahil gutom na ako syempre pero pagbukas ko palang talaga ng fridge ay gusto ko ng mahimatay sa gulat.
Sabagay model naman yang si ate pero masasabi ko naman na hindi na niya kailangan ng mga cream na yan dahil makinis naman si ate at maputi. Walang halong biro yun ah! Ang sabi niya lang sakin ay hindi daw siya ang naglalagay ng mga yan kundi ang manager niya.
"Si.. Sino siya ate Kaye?" Parang gusto ko ng matawa sa reaksyon ni Stormi habang nakatingin kay Noemi na masama ang tingin sa kanya.
"She's Noemi.My half-sister. Oh siya, catch up nalang later girls at papakainin ko lang ang isang 'to sa baba. Pakibantayan nalang muna ang unit ko." Paalam ni Ate Zah at lumabas na kasama si Noemi.
"An.. Ano yun? Talaga lang?!" Di parin siguro siya makapaniwala. "Ewan ko din eh." Sabi ko nalang para masabayan siya.
Nanood nalang kami ng tv pampalipas ng oras.Twilight ang pinapanood namin ang tagal na ng movie na 'to pero parang hindi maka-move on si Ate Kaye dito. Ito din kaya ang pinanood niya last time siya nandito.
Nagkatinginan kami ni Stormi ng marinig namin ang doorbell galing sa pinto ng unit ni ate.May ine-expect ba na bisita si ate Zah.
Lumapit agad ako sa may pinto para buksan yon. Nasa likuran ko lang si Stormi kaya paharap siya kong makatingin sa pinto habang ako naman ay nasa gilid ng pinto at nakadungaw lang.
Pagbukas ko ng pinto ay nabasa ko naman agad ang gulat sa mukha ni Stormi. "Where is Kaye?" Tanong ng lalaki. Ang taas grabe, maputi, makinis.Pogi din. Magka-ano ano kaya sila ni ate.
Ako nalang ang sumagot dahil nakatunganga lang si Stormi sa kanya. "Uh.. Downstairs. I mean ground floor at Amore's." Turo ko sa kanya.
Ng makaalis siya ay agad kong sinara ang pinto at hinila si Stormi paupo sa sofa dahil tulala parin siya.
"Sino yun?" Tanong ko sa kanya. Sino kaya yun. "Damn!" Sagot niya sa tanong ko. Ayus karin ano Stormi. Sasagutin mo nalang ako mura pa.
"Kylo Ramirez" At sino naman yun? Alam ko ang mga Ramirez dahil nakikita ko ang mga business ads nila kung saan saan lang.
"Ate Kaye's husband." Literal na nalaglag ang panga ko dahil sa sinabi niya. "Ba't di ko alam?" Sabay simangot na sabi ko para magmuhka naman akong kaawa-awa.
Bumalik naman siya sa normal ng makita niya ang simangot ko at umarte pang parang nandidiri.
"I didn't mean to know it, I've just evesdropped their conversation the last time ate was here and I saw Kylo Ramirez entered ate Kaye's unit." Para namang timang na nagpaliwanag siya sakin.
BINABASA MO ANG
The Scattered Dream
Ficción GeneralAeryll Kieth was one week late for class because she was involved in an accident and got hospitalized for almost two weeks. While Nikkolo Grei was nowhere to be found for one week on their morning classes. And then, after a week later they both show...
