Naalimpungatan ako ng makarinig ng ilang mga katok. Asan ba ako?
Ah! Okay nasa bahay pala ako ni bobo. Pero I don't remember the guest room being this massive.
At bakit ang bigat-bigat ng kama. Di pa naman ako ganon kataba ah! Parang lumulubog sa likod ko.
Oh my tatay! Ba't may kamay sa balikat ko. "Ahh!!.." Sigaw ko. Ba...bakit ko katabi ang kumag na 'to?!
Nakita ko siyang idilat ang mga mata niya. Ang walang hiya! Uminat pa! "Morning." Sabi niya ng may malapad pang ngiti sa mukha. Walang hiya talaga!
"Huy! Ba't ka nandito ha?!" Pasigaw kong tanong. "Ikaw...anong ginagawa mo dito?" Inosente niyang sabi. Bakit nga ba ako nandito?!
"Tabi ka nalang sakin dali!" Panunukso niya sakin at hinila ako palapit sa kanya kaya wala sa oras ng napaibabaw ako sa kanya.
"Son, I'm off to work and you better be out of bed because it's getting late for your class..." Nahinto si tito sa pagsasalita ng mabaling ang paningin niya sakin habang nakabuka pa ng bahagya at bibig niya sa gulat.
"Ae..Aeryll, hija. Was I bothering the two of you?" May nanunukso pang ngisi na sabi ni tito. Kaya agad akong umayos at umalis sa pagkaka-ibabaw kay bobo pero sa kinamalas-malasan nga namang pagkakataon ay na out of balance pa ako kaya ayon, mas lalong lumala at lumanding pa ako sa may bandang leeg niya. In fairness, ang bango nitong si bobo.
Pero mas lalo akong nagulat ng yakapin niya ako sa ganong posisyon at pinilipit pa ang paa niya sa binti ko. "Give us time dad." Sabi niya at binigyan ng makahulugang ngiti si tito.
Ng ma-isara na ni tito ang pinto ay don na niya ako binitawan. Ng makapag-adjust na ako ay don ko siya binatukan at kunwari'y sinipa-sipa siya. "Bahala ka nga dyang animal ka!" Padabog akong lumabas ng kwarto niya kaya napalakas ang pagkaka-sira ng pinto ng kwarti niya.
"Ay bakla!" Gulat kong sabi ng makita ang batang babae sa labas ng pinto ni bobo na todo ngiti at kaway pa. Ilang encounter pa talaga na ganito ang maging interaction ng batang to masasabi ko na talagang wirdo siya.
"Hi po!" Sabi niya pero nginitian ko lang siya at pumasok na sa loob ng guest room.
I need five minutes to take a bath and two minutes to get ready.
Five minutes is done and I'm just gonna get ready to leave for school.
"Oh-uh! You caught me!" Kunwari niyang sabi habang nakaupo pa sa kama ng guest room. "Anong ginagawa mo dito?" Mahinahon kong sabi. Bawal mapikon umaga at baka magtuloy-tuloy na buong araw.
"Nothing," Nating daw! Tapos anh likot-likot ng mga mata. Eh kung tanggalin ko kaya yang mata nya.
"Labas na, magpapalit pa ako." Sabi ko at kinuha ang uniform ko sa may banda malapit sa kinau-upuan niya. "Go on, I'll wait." Wala talagang kwentang kausap ang bobong to!
Pumasok na lang ulit ako sa bathroom at don na nagpalit. Di kami talo no!
"Uhm..Kuya Nikkolo pinapatawag po kayo ni sir sa baba." Sabi ni batang babae. Buti nalang lumabas na si bobo kasunod niya. Magsusuklay na lang naman ako at pwede na akong pumasok sa eskwelahan.
Nakakahiyang bumaba grabe! Hintayin ko nalang kayang makabalik dito si bobo?!
"I'm off to work,son. Make sure that you'll take care of your classmate and also take Alice a ride to school." Dinig kong sabi ni tito sa may sala. Sino kayang Alice ang pinaguusapan nila?
"Hi po," Halos mahulog na ako sa hagdan ng may kumalabit sakin sa likod buti. Pagtingin ko ay si batang babae pala, wirdo na talaga siya.
Ng tumingin ulit ako sa baba ay nakatingin na si tito as si bobo sakin.
Nakakahiya! Mai-issue pa akong chismosa nito eh!
"Hija! Good morning. Sabayan mo nang mag-breakfast itong si Nikkolo. Mauna na ako sa inyong dalawa." Sabi ni tito na obviously alam ko na. "Good morning din po tito." Pabalik kong bati.
Ilang minuto na ang lumipas at di parin ako nakakakain ng breakfast. Naka-alis na si tito kanina pa.
"Di ka ba kakain?" Tanong niya sakin. Nakaupo na siya sa dining table nila pero nakatunganga lang ako sa mga pagkain.
Kung kakain ako ng marami ngayon siguradong male-late hindi naman sa sinasabi kong matakaw ako pero ilang buwan narin akong hindi nagra-rice tuwing breakfast kaya nakaka-miss din pala.
"Kakain na po." Sabi ko at umupo sa upuang malapit lang sa kanya. Ang lapad-lapad ng dining table nila tapos kaming dalawa lang ang kumakain ang awkward kaya nun.
Papunta na kaming eskwelahan at nakisakay narin ako kay bobo. Kasama namin yung batang babae kaya I assume na siya si Alice na pinagusapan nila ni tito kanina.
"Pwede bang pakikibaba ang a/c? Ang lamig kaya?" Tanong ko sa kaniya. Katabi niya lang ako habang si Alice in the wonderlang eh nasa backseat.
Binitawan niya muna ang manibela ay tinanggal ang jacket niya at inihagis sakin.
"Oh, isuot mo yan. Ang init-init kaya." Reklamo niya. Makulimlim parin kaya ang kalangitan. May bagyo ba?
Isinuot ko na lang ang jackey niya kesa makipag-chikahan pa ako sa kanya at umabot pa sa sampalan.
Nakita ko ngumisi na parang timang si Alice sa likod. May sakit ba ang batang yan. Wirdo talaga!
Hindi ko nalang pinansin ang kawirduhan ng batang Alice at tumingin nalang ako sa labas ng bintana.
I always love rainy days it's just that when the sun starts to set everything goes upside down. Nakakatakot ang mag-isa habang umu-ulan ng malakas. Pero that still wouldn't change the fact that I love rainy days.
Lalo na ngayon tag-lamig na. Rainy days calms me down. Pagtingin ko palang sa makulimlim na kalangitan ay napapawi na agad ang mga problema ko kahit sandali lang.
Ng makarating kami sa TCIS ay naunang nagpaalam si Alice. Syempre kaming dalawa normal lang naman na magkasabay kasi magka-klase kami.
Hindi pa man kami nakaka-abot ng classroom ay bigla na lang sumulpot ang jowa niyang tupakin at kumalambitin sa braso niya.
Hindi ko na hinintay ang himagsik ng kalandiam at pumasok nalang sa loob ng classroom namin.
"Doesn't it look weird. Aeryll is wearing a male's varsity jacket meanwhile Nikkolo is just wearing his polo. At sabay pa silang pumasok ng school. Really weird?!" Dinig kong sabi ni Charles kaya napatingin ako sa likod ko at di nga ako nagkaka-mali. Nasa likod ko si bobo. Teka asan na yong jowa niyang tupakin?
Nagkunwari nalang akong walang narinig at umupo nalang. Minsan talaga napagkakamalan kong bakla yang si Charles dahil sa dami niyang chismis at satsat.
Di ko naman mahanap ang mag-bestfriend na baliw na sina Spencer at Maia. Siguro may mga kabaliwan na namang pumasok sa mga kukote ng mga yon. Gaya nalang ng ginawa nila kay sir Lopez last week.
BINABASA MO ANG
The Scattered Dream
General FictionAeryll Kieth was one week late for class because she was involved in an accident and got hospitalized for almost two weeks. While Nikkolo Grei was nowhere to be found for one week on their morning classes. And then, after a week later they both show...
