Nang makarating kami sa second floor ay bigla siyang huminto sa paglalakad. "May problema ba?" tanong ko sa kanya habang nakapikit. Nakaidlip kasi ako, nakasiksik ang ulo ko sa leeg niya kasi sumasakit na ang likod ko at walang masandalan.
"Gabriela..." Nagulat ako sa narinig ko at biglang idinilat ang mga mata, nakita ko si Gabriela Silang at nakatayong mag-isa sa harapan namin.
"So the two of you were really dating," malisyoso niyang sabi, ano na naman ba ang pinagsasa-sabi nang babaeng 'to.
Hindi lang ako umimik at hinayaan nalang silang magdrama. Ganun naman diba? Hahayaan lang ng supporting actress na mag-drama ang mga leading artist.
Ang daming drama grabe! Kala mo naman makaka-abot hanggang Grammy's o di kaya'y sa Oscar's, ang feeling ah!
"How did you know?" Tanon ni Nikkolo kay Gabriela Silang, wow ha! Hindi man lang itinanggi. Nakakainis lang!
Natawa naman si Gabriela Silang bago nagsalita, "Well the two of you are pretty famous here as a couple," may nakakatawa ba don?! Pustahan tayong stress 'tong si Gabriela Silang. Praning na eh!
Hahakbang na sana si Gabriela Silang papalayo ng pigilan siya ni Nikkolo, aghhh!! Kung nakakalakad lang ako ng maayos ngayon, paniguradong nasa room na namin ako at kalmado nang nakaupo.
Nagulat ako nang bitawan ni Nikkolo ang paa ko na nakasaklay sa baywang niya, dahil hindi mahigpit ang pagkakahawak ko sa kanya ay wala sa oras na nalaglag ako at napaupo sa sahig. Ouch...
"Imbecíl gilillopas, hijo de puta de mierda!! No te puedo creer! ¡Ahora me duele la garganta! Jodidamente mataré!!" Hindi ko na napigilang mapamura sa sakit, eh kung hindi ba naman siya gago!
"What?!" Takang taka naman niyang tanong, mabuti nalang at hindi niya naintindihan ang mga pinagsasabi ko kanina.
"Entonces pensaste señorita, que nadie te entenderá?" Nagulat ako nang biglang may nagsalita sa likod ko, ganun narin sina Nikkolo.
"¡¿Qué?!" Tanong ko at bumaling sa likod habang nakaupo parin sa sahig, nakita ko ang isang matandang lalaking hindi masyadong malayo sa 'min.
"Sir..." Dinig kong sabi ni Gabriela Silang na nakatingin din sa matandang lalaking nakatayo, hindi malayo sa amin.
"Stand up young lady," utos ng matandang lalaki sa 'kin, binalingan ko naman ng nababagot na tingin si Nikkolo.
Hinawakan niya ang balikat ko gamit ang dalawang kamay at tinulungang akong makatayo,
"Young lady, you know the regulations, don't let a faculty hear you cuss or else...detention," parang nagslow-mo naman ang pagsabi niya nang 'detention'.
"But sir I didn't," angal ko, hindi naman diba?! "Oh let me say what you have said earlier... Imbecíl gilillopas, hijo de puta de mierda, No te puedo creer, Ahora me duele la garganta, jodidamente mataré." Paguulit niya sa sinabi ko kanina, kailangan ba talagang lahatin?!
"Now tell me that you didn't," he sarcastically said, c'mon! nararamdaman ko na ang pagiging terror niya. Not nice, old man.
"Sorry na sir," sabi ko at napayuko nalang, "You cussed?" hindi makapaniwalang tanong ni Nikkolo, tinignan ko lang siya na parang naiirita na. "Narinig mo ba?!" Angal ko, "Hindi, pero naramdaman ko," sabat pa niya, mas niya lang pinapatunayan na bobo talaga siya.
"Go back to your proper classes, you shouldn't be here just to cuss, ain't you?" Sarkastiko parin niyang sabi, mabuti nalang at nagsimula nang maglakad papalayo si Nikkolo.
"Nagmura ka ba talaga?" Kyuryos na tanong niya, ang kulit naman niya diba? "Huwag ka ngang maraming satsat," saway ko sa kanya, nang makarating kami sa third floor ay hinintay ko munang makatapat kami sa room namin bago bumitaw sa pagkaka-kapit sa kanya.
Hindi nalang tuhod ang masakit sa 'kin kundi pati na rin ang pwet at likod ko dahil sa pagkakabagsak ko kanina. Salamat sa isang 'to.
Nang makaupo ako sa upuan ko, malamang ay agad kong ibinagsak ang ulo ko sa mesa. Mabuti nalang at wala pa rin si sir kundi sa detention na talaga ang bagsak ko. Napansin ko nalang na sumunod siya sa 'kin at umupo sa tabi ko.
"What happened to you?" Dinig kong tanong sa 'kin ni Maiana, binalingan ko naman siya ng tingin. "Wala lang 'to," pagsisinungaling ko sa kanya, anong 'wala lang 'to?!' ang sakit sakit kaya ng tuhod ko pati narin ang pwet at likod ko.
Salamat sa magaling na bobong katabi ko. Siguro bipolar 'tong si Nikkolo, mga last week lang kasi ay hindi namamansin ang isang 'to, tapos ngayon... Ewan ko lang.
"Morning class," dinig kong sabi, boses yun ni sir Tantiengco ah. Pag angat ko nang tingin ay nakatayo na silang lahat at ako nalang ang nakaupo. Pano ako nito makakatayo kung hindi ako makatayo?! Ghad! Anong kabobohan 'to Aeryll Kieth?!
Pasalamat nalang ako dahil umupo agad sila at hindi ako napansin ni sir, kinapa kapa ko ang bulsa ng skirt ko kung nasaan ang ointment na binigay ng nurse sa 'kin kanina. Ngayon ko lang nalaman na student pa din pala ang nurse na 'yon at ka-edaran ko pa.
Nang mahawakan ko ang ointment ay agad ko 'yong kinuha, wala 'tong kwenta kapag hindi ko gagamitin.
Binuksan ko ang container at naglagay ng konti sa tuhod ko, the smell of it suck. Ibang iba sa nilalagay ni nanay na oinment kapag nalalampa ang tanga kong kapatid na si Aeran. Lavender scent ata yun.
Mamaya ko na dadamihan ang lagay ng ointment na 'to, kung makita pa 'to ni nanay pagbalik ko sa bahay eh malamang sa malamang ay hahampasin ako nun at paniguradong hindi ako nun palalabasin ng bahay kung walang suot suot na knee pads.
Ganun ka protective ang nanay pagdating sa 'ming magkakapatid, Na-miss ko tuloy sila.
"Tasks," sabi ni sir, dali dali naman naming ipinasa ang mga homework namin sa unahan. Isang salita lang talaga.
ILANG oras na ang lumipas pero hanggang ngayon ay nakaupo parin ako, lunch break na pero nandito parin ako sa room nagiisa. Hindi man lang ako tinulungan ni Nikkolo, iniwan pa ako.
Inihiga ko nalang ang ulo ko sa mesa at ipinikit ang mga mata, iidlip nalang muna ako. May thirty minutes pa naman ako.
"Open your eyes, my queen." Queen my ass, sabi ni Nikkolo. Sa araw araw ko ba naman siyang nakikita ay alam ko na ang boses niya.
Umayos ako sa pagkakaupo at idinilat ang mga mata, amoy ko na ang pasta na nasa ibabaw ng mesa ko.
Umupo naman siya sa tabi ko kung nasaan ang upuan niya, nakatutok lang ang atensyon niya sa phone niya. Nanonood ata ng youtube.
"May bayad ba 'to?" Tanong ko pero sinimulan na ang pagkain ng pasta at sinabayan pa ng garlic bread. "It's free my queen," sarkastiko niyang sabi sa 'kin nang hindi tumitingin sa direksyon ko.Well, atleast nakalibre ako.
BINABASA MO ANG
The Scattered Dream
Ficción GeneralAeryll Kieth was one week late for class because she was involved in an accident and got hospitalized for almost two weeks. While Nikkolo Grei was nowhere to be found for one week on their morning classes. And then, after a week later they both show...
