Chapter Thirty

2 1 0
                                    

Pero syempre biro lang yun, hindi naman ako isang missile na ila-launch sa isang bansa at bigla nalang mababaliktad ang watawat ng bansang Pilipinas. World peace,





"Please...? Aeryll," he desperately said, I have never seen kuya Sam like this, he'd always be the ice-breaker, goofy
and also a puerile.




Nakakapanibago lang sa paningin, "O...okay kuya, I will," Sabi ko dahil na rin sa pressure. "Thanks Kieth," Pagpapasalamat niya sa 'kin, that's the sign, in the family we would always call someone on her or his second name if we really are in need.




Nakita ko naman ang pagkalito sa mukha ni Nikkolo, hindi niya kasi narinig ang buong usapan namin kuya Sam kaya siguro nalilito.





"Baby is it okay if you stay with your tita Aeryll?" Sa sabi'ng iyon ni kuya ay agad na ikinakunot ng noo ni Scarlett, "Dadda are you leaving?" Natawa nalang si Kuya Sam kung pano mag-isip ang anak niya, she's adorable,




"Can I baby?" Umaasang tanong ni kuya Sam, Wow! He never asks for someones concent even with tita and tito, sabagay anak nga naman niya,




Unti-unti maman tumango si Scarlett at nginitian and daddy niya, ow..they have a sweet bond together, to bad her mother is a sucker.




"Thank you so much cuz' you're a life saver, and also what are you doing in here?" Tanong niya, ayos na sana ang unahan ng sentence niya pero nakakainis lang yung katapusan.




"Cuz' do you want me to take care of your daughter?" Wais kong tanong pero syempre hindi yun seryoso, "I was just kidding cuz' you know, its just weird to see you here.. Ha.. Ha," Parang timang din 'tong si kuya eh,




Nang matapos na kaming kumain, ako lang pala, ay agad kaming dumeretso sa costumers service, ano na naman ba ang gagawin namin dito?




Nakipag-usap muna dun si kuya Sam sa employee ng mall na siyang nasa costumers service, nakita kong may ibinigay na maleta ang mama na nagbabantay kay Kuya Sam.





"Here cuz', her clothes, uniforms, shoes, her everyday necessity," Mabilis na sabi ni kuya Sam, "Bakit may ganito kuya?" Tanong ko at tinuro ang maletang hawak-hawak niya.




"It was supposed to be her mom, but she got crazy all of a sudden and now I don't want my daughter to see her again," Seryosong sabi ni kuya Sam, he really is.




Agad na nilapitan ni kuya Sam si Scarlett at mahigpit na niyakap ang anak, sadness was really evident on his face. Niyakap naman siya ni Scarlett pabalik at hinalikan sa labi ang daddy niya.



"Be good to your tita Aeryll, okay?" Sabi ni kuya, "I promise dadda," How cute, they remind me of tatay and I, we were that close.





"I love you dadda," Sabi pa ni Scarlett na ikinatuwa ko, "I love you too baby," Damn! Gusto ko nang umuwi sa bahay namin at yakapin ng mahigpit si tatay, seing them makes miss everything.




Kinapa-kapa naman ni Nikkolo ang mata ko, nasa likuran ko lang kasi siya, "Your gonna cry," Rinig kong sabi niya, tinapik ko nalang sng kamay niya at tinaasan siya ng isang kilay.




Nang tumayo si kuya sa pagkakaluhod ay agad siyang humarap sa 'kin at may ibinigay na atm card, "Para saan 'to kuya?" tanong ko, "Keep it," Simpleng sabi lang niya at nagpaalam kay Scarlett,





"Bye cuz'," paalam niya sa 'kin at hinagkan, "Bye dude, take care of them," nakipag shake hands naman siya kay Nikkolo, okay..?!




Nang makalayo na sa amin si kuya Sam ay agad kong hinawakan ang kamay ni Scarlett at si Nikkolo naman ang nagdala ng maleta.





Nakita kong humikab si Scarlett kaya kinarga ko nalang siya, isinandal niya nalang ang ulo niya sa balikat ko at unti-unting ipinikit ang mga mata. Ilang minuto pa ang lumipas ay naramdaman ko na ang unti-unting paglalim ng hininga niya.





She's already asleep, ng makarating kami sa parking lot ng mall kung nasaan ang kotse ni Nikkolo ay narinig ko ilang mga hikbi na nanggagaling kay Scarlett at naramdaman ko ding basa na ang sleeves ng damit ko.






"Scarlett?" Agad ko siyang ginising, tumigil naman sa paglalakad si Nikkolo at nilapitan kami, "Is something wrong?" Tanong ni Nikkolo at hinagod ang likod ni Scarlett, "She's crying," Sabi ko agad namang binitawan ni Nikkolo ang maleta at kinuha si Scarlett at hinagod ang likod, he's gonna be a great father, I could tell.






"You know how to drive?" Tanong niya nang makarating kami sa kotse niyang agaw pansin, di na ako magtataka kung ma-carnap ang isang 'to. "Yeah," Simpleng sagot pero ang ikinagulat ko ay ang bigla niyang inihagis sa 'kin ang susi ng kotse niya. "Ikaw na ang mag-drive," sabi niya na ikinalaglag ng panga ko, seriously?!
Inilagay ko nalang ang maletang iniwan niya sa compartment ng kotse niya.





Pumasok na siya sa loob ng kotse sa backseat at pinahiga si Scarlett habang ginawa naman niyang unan ang kandungan niya. Habang ako naman ay pumasok na sa loob ng kotse at umupo sa driver's seat.







"Alam mo, pwede namang ako nalang ang nandyan, hindi ba?" Sarkastiko kong tanong, "I'm tired, just drive," simpleng sabi niya at ipinikit ang mga mata, walang hiya! Kaya pala, pero damn, this is a dream come true. I'm really gonna drive an Audi A8?! Damn!





Ilang minuto na lang ay makakarating na kami sa condominium building namin pero ang walang hiya ay naka-idlip na.





Agad akong bumaba ng kotse ng mai-park ko ang kotse sa parking space ng building at binuksan ang compartment kung nasaan ang maleta ni Scarlett at kinuha iyon.





Binuksan ko ang pinto ng backseat at ginising si Nikkolo, "We're already here sir," nakuha ko pang magbiro at bahagya siyang tinapik sa balikat para magising.





Unti-unting idinilat ni Nikkolo ang mga mata niya at tumingin tingin sa paligid niya. Lumipat naman ako sa kabilang side ng backseat at kinuha si Scarlett.






Inihagis ko naman kay Nikkolo ang susi ng kotse ng makalabas siya sa kotse niya, kukunin ko na sana ang maleta gamit ang isa ko pang kamay nang biglang kinuha yon ni Nikkolo.
"Ako na," alok niya ng tulong, hindi na ako tumanngi dahil nangangawit na rin ang isa kong kamay.





Nang nasa lobby na kami ay biglang may nag-ring na phone, may kinuha naman si Nikkolo sa bulsa niya. Magpapatuloy na sana ako sa paglalakad ng magsalita siya, "Its yours," sabi niya at itinapat ang phone sa tenga ko, nasa kanya pala ang phone ko.





"Hello, Aeryll? Bakla!" Agad kong inilayo ang tenga ko sa phone dahil sa pagkakasigaw ni Maica sa kabilang linya. "Bakla! Si ma'am Greta!" Parang nag-iba naman ang reaksyon ni Nikkolo ng marinig ang pangalan ng auntie Greta niya.







"Bakit? Anong nangyari?" tanong ko nang may paga-alala, inilapit na rin ni Nikkolo ang tenga niya sa phone para marinig ang usapan namin ni Maica.







"Si ma'am, babalik na nang Italy! Ipapasara na niya ang Greta's!" Hindi na ako nakapag-salita dahil sa gulat, paano na ang extra income?! Hindi naman ako dapat umasa sa allowance ng scholarship ko. Hindi ba?







"Ba...bakit daw?" Tanong ko at umupo nalang muna sa sofa sa lobby at siniguradong komportable si Scarlett. "Eh ano daw, nag-aaway na daw kasi sila ni sir Lumiere kaya babalik nalang siya sa Italy." Si sir Lumiere ang asawa ni ma'am Greta na businessman sa Italy,






"Kailan ba?" Tanong ko para malaman ko naman kung kailan ako maghahanap ng bagong trabaho.





"Next month aalis si ma'am, pero this week na isasara ang Greta's. Ghad bakla! Ano na ang gagawin natin ngayon?!" Natatarantang sabi ni Maica. Nadala na rin ako at napahinga ng malalim. Ilang minuto pa ang lumipas at ibinaba na rin ni Maica ang tawag.






Napasandal nalang ako sa sofa at napapikit nalang sa dami ng iniisip, this day was good and also bad. Naramdaman kong tumabi si Nikkolo sa 'kin, "Mommy...?" Narinig kong ungol ni Scarlett at humikbi.

The Scattered DreamTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon