Napakapit nalang ako sa sidsid ng damit ni Nikkolo sa kaba. "Huy! Lumabas ka na nga dyan." Saway ko kay Zachkel. Kailangan ko pang lumingon sa likod ni Nikkolo dahil nandun si Zachkel at nakaupo.
"Pwede na ba akong umupo?" Sarkastikong sabi ni Nikkolo na parang nababagot na kakatayo. Kasalanan talaga 'to ni Zachkel.
Hindi na napigilang mapaupo ni Nikkolo sa pagod. Sa pagupo ni Nikkolo ay ang pagtago naman ni Zachkel sa ilalim ng mesa namin. Wala sa oras na napairap ako dahil sa pinaggaga-gawa ng magaling kong pinsan.
"May problema ba?" Tanong ko sa babaeng nasa harapan parin namin hanggang at ngumiti hanggang sa hindi na makita ang mga mata ko. Sayang ang babaeng 'to kung mapupunta kay lang kay Zachkel, maganda, makinis, maputi kasing tangkad ko rin. Tsk...Tsk...Tsk.
"Ah pasensya na sa abala, hinahanap ko lang kasi ang kasama niyo. Nyx nga pala." Sabi niya sabay lahad ng kamay niya sa 'ming dalawa ni Nikkolo. Agad kong iniwas ang kamay ni Nyx na ilalahad na sana niya kay Nikkolo. Kaya imbis na si Nikkolo ang kahawak kamay niya ay ako na.
Ibinuka ko ang bibig ko at may sinabi ng walang boses.
Akin 'yan!
At pilit na tumawa. "Alam ko yun miss. Kaya kalma ka lang at hindi ko siya aagawin sa 'yo." Sabi niya na nagpa-init ng buong mukha ko. Bakit kasi kailan niya pang ipagsigawan pwede namang ibulong nalang.
Narinig ko namang bahagyang himagikhik si Nikkolo. Nagkunwari nalang akong walang narinig at ipinagpatuloy ang pagkain.
"Nandiyan siya sa ilalim ng mesa." Pambubuko ko kay Zachkel. Nakita ko naman ang malaking ngisi sa mukha ni Nyx at dumuko sa ilalim ng mesa.
"Tara na, Zachkel." Sabi pa ni Nyx. Sa isang sabi lang niya ay lumabas na ang magaling kong pinsan. Aba, iba 'to. Kapag si tita nga ay makaka-ilang ulit pero dito kay Nyx...Aba! Ano bang nangyari sa mundo naging masunurin bigla ang nagmamagaling kong pinsan.
"Nyx naman eh." Sabi ni Zachkel at napakamot nalang ng ulo. They seem to be close to each other. Hah! "Zachkel can we talk?...Privately." Seryosong sabi ko at tumayo. Sinundan naman ako ni Zachkel na nakayuko pa. I don't want to be a killer joy but what Zachkel is doing is impossible.
Nang makalayo-layo kami ng ilang distansya kina Nikkolo at Nyx ay agad kong hinawakan ang braso niya at pinalapit sa 'kin. "What's happening?" Seryosong tanong ko sa kanya. "Life, is happening." Sarkastiko niyang sagot sa 'kin. Hindi na ako nakapag-timpinat nabatukan na siya ng malakas.
"What's between you and Nyx?" Kalmado pero seryoso kong tanong sa kanya. "You don't give a damn!" Parang hindi narin siya makapag-pigil dahil napipikon narin siya.
"Maybe, I don't but tita does!" Naiinis kong sabi sa kanya. "Hindi ka pa rin ba nagdusa at ginawa mo pa rin ulit!" Hindi na talaga siya nagdusa. Sa pagkakaalala ko ay highschool kami nun ng mangyari ang malaking ayaw nila tita ni dahil lang sa babae. And as a dear cousin and a caring niece, I don't want that to happen again.
Hindi niya na ako pinansin at padabog na naglakad papalayo sa 'kin at papalapit naman kina Nikkolo. "Zachkel!" Tinawag ko na siya at lahat-lahat ay hindi niya pa rin ako pinapansin. Agad ko siyang hinabol para paalalahanan ulit. "Zachkel, please! Just for once, believe in me." Paalala ko pa sa kanya pero parang wala lang siyang narinig at nagpatuloy lang sa paglalakad. Nang makalapit siya kila Nikkolo ay agad niyang hinablot ang kamay ni Nyx.
"I don't give a damn, Aeryll. And don't dare to tell mom about this." Sabi niya nang hindi pa nakakalayo. "She'll still know, Zachkel. You know your mom." Sabi ko at umupo nalang ulit sa tapat ni Nikkolo.
"I'm sorry about that." Paumanhin ko sa kanya. Nakatingin lang siya sa 'kin habang nakunot ang noo na parang naiinis na. "Who was that?" Tanong niya na parang naa-asiwa at nagsimula nang kumain.
"Huwag mo ng intindihin 'yon. Isa lang 'yong tao na matigas ang ulo at hindi na natuto'ng magdusa!" Napadiin na ang pagtusok ko ng tinidor sa steak dahil sa gigil. Huwag lang talaga akong sisihin ni Zachkel kung may masama na namang mangyari.
"Tss!" Singhal niya. Ano ba ang problema ng isang 'to at parang timang. "Bakit, selos ka?" Biro ko at natawa nalang sa naging reaksyon niya. Pasalamat nalang ako sa pagiging tisoy niya dahil halata ang pamumula niya. "Hindi noh! Bakit naman ako magseselos? Eh hindi naman kita gusto." Ouch! Natamaan ako dun ah! Ang sama nito, pwede namang sabihin niya nalang na hindi siya nagseselos at hindi na 'yung wala siyang gusto sa 'kin.
Ngayong naalala ko. Ano nga pala ang buong nangyari kanina sa kanila ng Gabriela Silang na 'yon sa may cinema? "Ano nga pala ang nangyari sa inyo ng girlfriend mo kanina sa cinema?" Tanong ko sa kanya pero sobrang mahinahon lang dahil baka mag freak-out siya. Gusto ko pang mabuhay at makalabas ng ligtas sa mall na 'to noh!
"She's not my girlfriend." Hindi daw. Edi ex nalang. Ang arte! Pareho lang naman 'yun. "Edi ex mo nalang." Sabi ko at inubos na ang kinakain ko. Kanina pa ako kain ng kain pero hindi man lang ako nabubusog! Nakakainis na ah!
Nang matapos akong kumain ay hinintay ko nalang siyang matapos. Nauna na kasi akong kumain kanina habang siya ay kakasimula palang.
Naalala ko na naman ang nangyari kanina. Hindi na naman nagiisip ng matino si Zachkel! Nakakapikon na siya. Kung madamay pa talaga ako ngayon ay hindi ko talaga siya kakausapin ng ilang buwan.
Nung highschool kasi kami ay napagalitan pa ako ni tatay at sinabon pa talaga ako ni tita. Nakakainis! Malas kasi yung babaeng gusto niya. Nag-away pa nga kami nun ni Zachkel dahil binu-bully ako ng babaeng epal na gusto niya. Atsaka nakaka-asiwa pa ang personality ni tita kaya nakakapikon din talaga.
"Pano mo ba yun naging girlfriend?" Nababagot na ako kakahintay sa kanya kaya hindi ko na napigilang magtanong. Plano ko sanang pumunta sa arcade kaso naalala ko na wala nga pala akong pera pambili ng tokens. Hihintayin ko nalang siguro si Nikkolo na matapos sa pagkain at yayayain ko nalang siya mamaya.
BINABASA MO ANG
The Scattered Dream
Ficción GeneralAeryll Kieth was one week late for class because she was involved in an accident and got hospitalized for almost two weeks. While Nikkolo Grei was nowhere to be found for one week on their morning classes. And then, after a week later they both show...
