Chapter Sixteen

4 2 0
                                    

"Ayos ka lang? Kanina ka pa tulala." Pagbabalik realidad ko. Nandito parin kami sa art room.




"Uh... Wag mo nalang alalahanin yun. Ba't ka pala nandito?" Tanong ko sa kanya na parang nahihiya habang minamasahe pa ang batok ko.





"Our project, remember?" Para namang tinamaan ng malaking bato ang ulo ko. Damn! Nakalimutan ko yun ah!





"Sa sala nalang natin gawin." Sabi ko at tinulak siya papalabas ng art room kasama ako.







"Hindi mo ba ike-kwento sakin kung ano ang storya ng painting mo?" Pagbabakasakali niya.





"Long story short." Sabi ko na ikinatawa niya. Pano yun naging katawa-tawa?




"Anong nakakatawa don?" Mas lalo pa siyang tumawa sa sinabi ko. Parang ewan naman 'tong timang na 'to.







"I find you kinda cute." Humahagikhik pa niyang. Kung pwede lang pumunta sa kusina at kumuha ng yelo tapos ilagay sa mukha ko pero wag nalang, baka mahalata pa niya.






Tumapat nalang ako sa centralized air-con para maibsan ang init mg mukha ko. Ayus lang dahil nakatalikod naman siya sakin kaya imposibleng makita niya ang mukha kong kulay kamatis.







Nagulantang ako ng bigla siyang humarap sa direksyon ko kaya wala sa oras na napasalamak ako sa sofa at isinubsob pa ang mukha sa throw pillow.






"Are you really okay?" Tanong niya. Naramdaman ko naman ang kamay niya sa balikat ko.






"Oo naman. Namanhid lang ang leeg kaya hihiga muna ako." Pagdadahilan ko. "Need a massage?" Tanong niya. Kahit hindi pa man ako nakakasagot ay naramdaman ko na agad ang ang kamay niyang gumagalaw sa may balikat ko.




Gusto ko nang matulog sa sarap niyang magmasahe pero hindi ko inaasahang titigil siya bigla.





"Uhm... May nakalimutan lang ako." Napatayo agad ako ng marinig ang boses ni Stormi. "Don't mind me." Sabi niya lang at kinuha ang phone niyang nasa ibabaw ng dining table at walang paalam na lumabas ng unit ko.







"Ah... Simulan na nating gawin ang project natin?" Hindi na ako sigurado sa mga sinasabi ko sa gulo na ng utak ko.






"Yung nga rin ang sasabihin ko." Sabi niya. Naramdaman ko namang parang naiilang siya kaya kinuha ko nalang muna ang materials para sa project namin para iwas awkward narin.







"Pwede namang ako nalang ang gumawa ng project natin since ikaw naman ang nagbayad ng mga materials para sa project natin." Sabi ko at inilagay ang mga materials sa ibabaw ng center table.






Tumayo lang siya at lumabas ng walang paalala. Na-offend ba siya sa sinabi ko?! Ganun ba siya ka sensitive?!





Susunod na sana ako sa kanya palabas ng makita ko siysng pumasok ulit sa loob ng unit ko na may hawak-hawak na mga libro.






"I'll just tutor you instead if you don't want me to help you making our project." Natawa nalang ako sa palusot niyang luma.







"Eh pano mo ako matu-tutor kung gumagawa ako ng project natin?" Tanong ko na nagpasimangot sa kanya.






Dapat na nga akong mawirduhan sa pinaggaga-gawa niya ngayon. Hindi na normal ang inaakto niya.





Kahapon nga lang ay hindi namamansin ang isang 'to tapos ngayon hindi na ako tinatantanan.





"I feel like you need a friend." Sabi niya na ikinagulat ko. May mga kaibigan naman ako pero mga babae nga lang. Hindi naman sa ayaw ko sa mga lalaki. Ayaw ko lang magtampo si Reirei sakin.





"Do I really need one?" Imbis na pansinin ang sinabi ko ay tinitignan niya lang ako ng seryoso na parang hindi makapaniwala.





"You're heartless." Nagulat ako sa biglang pagbabago niya ng emosyon at nagkunwari pang nasasaktan.







"Sino naman kaya ang walang kaibigan sating dalawa?" Hininaan ko lang ang boses ko pero mukhang narinig niya dahil sa biglang nagbago ang reaksyon niya.


















The Scattered DreamTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon