"Bahala ka na nga dyan!" Sabi ko sa kanya at lumakad papalayo sa kanya habang nilalaklak parin ang bottled water ko. Kasalanan niya 'to eh. Napagod tuloy ako. Actually, kanina pa naman talaga.
"Huy, saan ka ba pupunta?! Uuwi ka na ba?" Tanong niya nang medyo nakakalayo na ako sa kanya. Nararamdaman ko naman na sumunod siya sa 'kin sa paglalakad. Bahala siya dyan!
"Sasama ka sa 'kin?" Tanong ko sa kanya at huminto sa may banda. Agad naman niya akong tinanguan kaya inakbayan ko siya para masundan niya ako.
"Sasama ka? Iihi ako." Sabi ko ng makatapat kami sa ladies comfort room. Agad niya akong iniwan at naghintay lang sa isang banda. Sasama raw?! Tapos ano yun, biglang nagbago ang isip?!
Sasama daw tapos ano yun?! Nang-iwan nalang bigla-bigla. Ng matapos akong umihi ay naghugas muna ako ng kamay bago lumabas ng comfort room.
Pero pagkalabas ko ay hindi ko makita si Nikkolo ni anino man lang. Saan na naman ba nagsusoot 'yung aso kong 'yon. "Cho! Doggy?" Tinawag ko na siya at lahat-lahat pero wala parin eh kaya umalis nalang ako ron at naglakad-lakad hanggang sa mapadpad ako sa may bandang cinema pero may mga ilang hakbang pa ang layo.
Dun ko nakita ang kumag! Walang hiya talaga! Nangiiwan nalang bigla. Pero literal na napahinto talaga ako ng mapagtanto kong kasama niya pala ang isang babae na may kasama ring isang lalaki.
Pero ang mas ikinagulat ko ay nang makilala ko ang babaeng kausap niya. Hindi ba't ang babaeng iyon ay ang girlfriend niyang si Gabriela Silang? O baka naman ang original talaga ay ang lalaking kalantaryo niya na si Diego Silang?
Agad akong pumaligid sa isang banda malapit sa kanila pata marinig ko ang usapan nila. "Miss, isa ngang cheese flavored popcorn, yung large lang ate ha? Atsaka isa naring milk tea." Sabi ko kay ate na cashier at inabot ang bayad. Mabuti nalang talaga at nakalimutan kong ibalik ang sukli ni Nikkolo ng bumili ako kanina ng buko shake at waffles. Kundi ay hindi ko mae-enjoy ang panonood ng drama ni Nikkolo.
"Who is he?" Dinig kong tanong ni Nikkolo kay Gabriela Silanh. Ramdam ko din naman ang pagkagulat niya kahit hindi niya ipinaparamdam yun at seryoso lang ang ekspresyon. Ang lalaking kasama naman ng jowa niyang taskil sa bayan ay hindi lang umiimik at nakikipag-pantayan lang ng tingin kay Nikkolo.
Nakakatawa lang dahil hindi bagay sa kanya. Mas mataas pa nga ata ako ng ilang inch sa lalaking yun. Dahil hanggang ilong ako ni Nikkolo eh siya hanggang balikat lang. Sabagay hindi halata kapag sila lang ni Gabriela Silang dahil hanggang kili-kili ko lang naman siya. Nagmana kaya ako kay tatay na nasobrahan sa taas.
Huwag niyo lang akong ikumpara kay ate Zah dahil 5'10 ang height nun noh! Kala mo naman si Gigi Hadid na. Atsaka model 'yong si ate Zah.
Habang pinakikinggan ko ang mga pinagsasasabi nila ay patuloy lang din ang paglamon ko ng popcorn at pagsimsim ng milk tea. Macau 'tong milk tea ko noh! Parang nanonood na talaga ako ng movie ngayon hindi na nga lang kailangan bumili ng ticket. Pero walang class eh! Ang lalaking pinagtaksilan lang ang gwapo pero 'yung dalawang taksil, ang papangit.
"Answer me?!" Demanda ni Nikkolo. They're already causing a scene. Magaling! pwede na silang mag-artista, nakukuha kasi nila agad ang atensyon ng taong-bayan. "Why would I, Nikkolo." Nababagot namang sabi ni Gabriela Silang. Parang bagay naman sa kanya. Para nga lang siyang alalay ng mayamang pamilya. Nakakainis!
"Then, why?!!" Umalingawngaw ang boses ni Nikkolo dahil sa sigaw niya. Now, he's mad. Nakakapikon kasi ang babaeng 'yon. She's a real time slut. Hindi pa nga pala ako nakabawi last time nang sinabuyan niya ako ng soda at tinulak pa talaga ako sa upuan. Wala siyang karapatan gawin sa akin 'yon noh! At wala rin siyang karapatan saktan ang taong hindi naman siya sinaktan, inaruga pa nga siya eh. Wala siyang utang na loob.
Hindi ko na napigilang mapalakad papalapit sa kanila. Na dala-dala parin ang popcorn at milk tea ko. Hindi pa nga ako nangalahati sa pag-inom ng milk tea atsaka marami pa ang popcorn ko noh! Maraming tao ang nagugutom ngayon kaya pasalamat nalang ako sa sukli ni Nikkolo dahil nakakain pa ako ng masarap ng pagkain.
"Hi guys, I was just passingby when I saw you." I said with my natural american accent. I speak english you m*****fv***rs. Nabaling naman anhg tingin ng tatlo sa akin kaya pati ang taong-bayan ay sa akin narin nakatutok. Okay? Kamukha ko na po ba si Marian Rivera o Jennilyn Mercado? Kamukha ko na po ba si Miss Universe 2018 Miss Catriona Grey?
"Who are you, bitch?!" Sabat ni Gabriela Silang. Look who is referring to herself. Anong kabobohan 'to Gabriela Silang?!
"Uhm... Remember last week? I was the pretty lady you bullied. Remember me?" Narinig ko naman ang ilang tawanan galing sa taong-bayan dahil sa kahanginan ko. Damn! I wanna now how awesome I am now. Nanlaki naman ang mata niya at tinignan si Nikkolo kung ano ang magiging reaksyon niya. Sad, hindi siguro alam ni Nikkolo na bully siya, eh paano yun nangyari?! Alam kaya ng buong building namin na masama ang ugali niya.
Nakita kong bumakas ang gulat sa gwapong pagmumukha niya. So, hindi nga niya talaga alam. "Is it true?" Mahinahon niyang tanong at tumingin sa 'kin. Bubuka na sana ang bibig ni Gabriela Silang ng unahan na siya ni Nikkolo. "I'm asking you." Diin niya sa 'kin kaya nanlumo si Gabriela Silang sa hiya.
"Hyes!... You can check the cafeteria's cctv's ang I also have witnesses, your honor." Nagawa ko pang magbiro, ano?! Hindi na nga lang ako magsasalita at baka kung ma-ano pa ako nitong ni Nikkolo.
"You made a fool out of me." Huling sabi ni Nikkolo bago nag-walkout. Kasalanan ni Gabriela Silang 'to eh. Baka tuloy hindi na talaga ako makapag-lunch. Nakakainis! Sumunod nalang ako kay Nikkolo. Hindi lang siya ang may karapatann mag-walkout noh! Ako rin kaya.
BINABASA MO ANG
The Scattered Dream
General FictionAeryll Kieth was one week late for class because she was involved in an accident and got hospitalized for almost two weeks. While Nikkolo Grei was nowhere to be found for one week on their morning classes. And then, after a week later they both show...
