"Class dismiss." Pagkalabas ni ma'am ay agad kong nilabas ang assignment ko para sa next class.
"Huy!" Tawag ni bobo.Ewan ko kung sino kausap nun kaya di ko nalang pinansin.Mapagbentangan pa akong chismoso. Malisyoso pa naman yang si bobo. "Huy!" Kalabit niya sakin.Ako ba talaga ang tinatawag niya?
Tiningnan ko siya.Baka kasi biglang maglumpasay sa sahig at umiyak.Sayang lang kong di ko makita yun. "Anong kailangan mong bobo ka?" Nakataas ang isa kong kilay sa kanya.Feeling close naman 'tong bobo.
"Can I have a look at our homework for the next class?" Ayan! Di kasi pumapasok sa klase. "Eh para ka naring kumopya sakin!" He formed a small pout. "Wala akong assignment tapos strikto yung si sir Tantiengco.Sige na! I'll treat you anything later!" Pamimilit niya.Treat daw! Aba may silbi pa naman 'tong bobong to.Pwede na.
Ibinigay ko agad sa kaniya ang papel ko.May sampung minutos pa siya para kopyahin yun bago ang time ni sir Tantiengco. "Bilisan mo na." Sabi ko sa kaniya.Infairness madali siyang mangopya.Sanay sigurado.
"Stand up!" Bigla nalang dumating si sir Tantiengco galing sa back door.Tumayo agad kaming lahat at binati siya. "Good morning Sir!" Bati nila pwera nalang sakin.Di kaya siya pumasok kahapon.Buti nalang di niya ako napansin.Lumapit na siya papuntang unahan at pinaupo kami.
"Here," Lahad niya sakin pabalik ang papel ko. "What's that?!" Nagulat naman kaming dalawa sa sigaw ni sir tatawa na sana ako sa reaksyon ni bobo ng lumapit samin si sir.Hala! Kami ba ang sinigawan niya?
"What's that?" Inagaw naman ni sir ang hawak kong papel at ang papel ni bobo. "Aeryll Kieth Enrícoso...Nikkolo Grei Martinelli." Tiningnan niya kaming dalawa ng masama. "Finally! The two of you finally decided to show up in my class!" Napalunok nalang ako sa sigaw ni sir.Ang sakit sa tenga!
"And what's the meaning of this?!" Sabi ni sir at ipinakita pa samin ang papel naming dalawa.Magsa-salita na sana ako ng tinignan ako ni bobo.Tinignan ko rin siya baka naman may awa pa ang isang to at tulungan ako.
One thousand. Basa ko sa labi niya.Gago! Papaakuin pa ata ako sa kapalpakan niya.Siya na nga tong pinakopya siya pa tong may lakas ng loob. "I..I just gave him a favor sir since he was not around yesterday.I let him copy the questions sir of yesterdays' homework." Sabi ko.Pasalamat ka talagang bobo ka na may pera ka.
"Now I remember! Why aren't you attending my class Mister Martinelli?! And also you Missy you are one week late for my class." Nagkatinginan kaming dalawa ni bobo sa gulat.Maypa-jaw drop effect pa ang gago!
"Ma'am...este sir I have been hospitalized for one week sir and I have the consent of the school and all of my professor's including you sir." Agad akong nag-explain sa takot na i-drop ako ni sir.Di na yun malayo.Pero sigurado akong alam ni sir yon.Bahala na si bobo sa katamaran niya.Di ko naman kasalanan kong tamad siyang pumasok araw-araw at pumapasok nalang pagkatapos ng lunch break.
Bumaling naman ang paningin niya kay bobo kaya tumingin narin ako sa kaniya.Wala namang masama sa pagiging chismosa basta wag mo lang ipagkakalat ang chismis.Tandaan mo yan ha?!
"And what about you Mister?" Nakataas ang isang kilay na tanong ni Sir Tantiengco.Kalahi rin ni baklang Maica eh mas marami pa ata ang populasyon nila kesa sa mga babae.Pero Philippines is a free country sa tatay mo lang hindi.HAHA~ swerte kana kong may supportive kang tatay.Love you tay!
Imbis na sagutin ang tanong ay tumingin sakin si bobo.Two thousand.Sabi niya ng walang boses. "Why are the two of you looking at each other?!" Agad akong umiwas ng tingin.Ma-issue pa ako ng dahil dito kay bobo!
BINABASA MO ANG
The Scattered Dream
Ficción GeneralAeryll Kieth was one week late for class because she was involved in an accident and got hospitalized for almost two weeks. While Nikkolo Grei was nowhere to be found for one week on their morning classes. And then, after a week later they both show...