Damn! Hanggang ngayon hindi parin ako makatulog. Anong oras na ba?! Pagtingin ko sa wall clock ay halos malaglag ang panga ko sa gulat.
2:35 pm?! Eh mga eight o'clock pa ng makaalis si Mar... Nikkolo ah!
Nakakainis! Hapon na naman ako magigising nito bukas.
"I can't sleep Reirei. I'm scared I might not wake up tomorrow." Mangiyak-ngiyak na sabi ni Ryry sa kababata. Bata pa nga naman at wala pang alam, kumbaga mangmang lang.
Nadala narin sa emosyon si Reirei kaya sinabayan na niya ang kababata sa pagiyak. Magkaibigan nga talaga, kung iiyak ang isa ang din ang isa, kung may problema ang isa eh pro-problemahin dim ng isa.
"I can make you sleep Ryry." Malambing na sabi ni Reirei at pinahiga sa kama si Ryry sa tabi niya at hinagkan siya ng mahigpit.
"Don't be scared Ryry okay? I promise I won't leave you." Hinimas-himas pa ni Reirei ang buhok ni Ryry at sinubukang patulugin.
Hindi nagtagal ay nakatulog narin silang dalawa. Magkatabi lang ang mga bahay nila pero halos hindi nila kayang matulog na hiwalay ang kama. Para silang
Mga sanggol pa man sila ay nakasanayan na nilang nakikita ang isa't isa palagi.
They would always cuddle in bed to comfort each other.
Bwesit! Lumala tuloy! Hindi ko na napigilang bumaba at manood ng tv. Nakasanayan ko na kasing gawin 'to para makatulog.
Paniguradong mamaya ay tulog na ako.
Naalimpungatan ako ng makarinig ng ilang mga katok na nanggagaling sa pinto ng unit ko.
Pagbukas ko palang ng mga mata ay agad na tumambad sakin ang sikat ng araw na nanggagaling sa bintana ng unit ko.
Sabi ko diba makakatulog nalang ako. Pumunta muna ako ng restroom at naghilamos ng mukha at nag-toothbrush baka royalty o presidente ang kumakatok sa pintuan ko. Baka naman! Dapat kaaya-aya din akong tingnan noh!
"Morning!" Yan ang tumambad sakin pagbukas na pagbukas ko ng pinto. Ang aga-aga tapos mapipikon ulit ako. Hay! Nakakapagod.
"Anong kailangan mo Mister Nikkolo ha?" Sabi ko pero ang kumag ay pinatuloy lang ang sarili niya sa loob ng unit ko.
Ngayon ko lang napansin na may dala-dala pala siya pagkain. Hindi na masama!
Agad akong lumapit sa kanya sa kusina at pinakialaman ang pagkaing dala niya. "Kakagising mo palang?" Tanong niya. Pano niya nalaman yun?
"Pano mo nasabi?" Nakakunot noo kong tanong sa kanya at kumuha ng isang doughnut. Ang taray naka krispy kreme ako at starbucks ngayon. Big time talaga 'tong si Nikkolo.
"Kanina pa kaya ako katok ng katok sa pinto mo." Reklamo niya na ikinagulat ko. Ganun ba talaga naging kalalim ang tulog ko ngayon.
"Anong oras na ba?" Tanong ko sa kanya dahil wala namang orasan dito sa kusina at nasa center table sa sala ang phone ko kaya wala akong kamuang-muang kong anong oras na.
"Eleven eighteen." Halos maibuga ko na ang kapeng iniinom ko sa sinabi niya dahil sa gulat. Hinablot ko ang kaliwang pulsuhan niya kung nasaan ang relo niya para tignan ko kung ano na ba talaga ang oras. Malay ko back nagsisinungalin siya.
Pero ngayon ay literal ng nalaglag ang panga ko sa gulat. Hindi kasi ako nakatulog ng maaga kagabi. Six sharp kaya ako nagigising kapag may pasok. Kaso Sunday nga pala ngayon.
Pero kahit na! Ang aga-aga parin para trabahuin namin ulit ang project naming 'yun
BINABASA MO ANG
The Scattered Dream
Ficção GeralAeryll Kieth was one week late for class because she was involved in an accident and got hospitalized for almost two weeks. While Nikkolo Grei was nowhere to be found for one week on their morning classes. And then, after a week later they both show...
