"Kailan 'to binili?" Tanong na ikina-werduhan niya. "Las..Last year?" Parang di siguradong sabi niya.Grabe! Last year pa 'to binili pero mukhang brand new pa.Mukhang alagang-alaga ng may-ari.
"Teka! San punta natin?!" Hesterikal kong tanong pero biro lang naman yong.Mukha naman kasing matino itong si bobo atsaka mayaman to, bawal ma-issue. "Can you shut up.I'm driving." Sabi niya ng di inaalis ang paningin sa daan.Magaling! Pwede nang mag-apply bilang isang driver ang isang to.Siguradong di kayo maa-aksidente.
"Bakit mata ba ang ginagamit kapag nagsasalit?" Pa-inosente kong sabi. Nagulat ako ng tumingin siya sakin ng may pagka-irita. "Eyes on the road mister." Baka may maka-salubong pa kaming truck at ma-coma pa ako. Gaya nalang ng pinanood ko kahapon.
"Sige na di na ako magtatanong.And besides I won't risk my life for a question." Sabi ko at tumingin na lang sa may bintana.Madilim na ang paligid.Makulimlim rin ang langit. Sana di umulan. Lumiko ang kotse ni bobo papasok sa exclusive villa. Damn ang lalaki ng bahay rito. Halatang mga mayayaman ang nakatira. Mag-apply kaya akong kasambahay dito sa ganong paraan makaka-experience pa ako ng doña life.
Huminto ang kotse niya sa tapat ng bahay hanggang sa may nagbukas ng gate ng bahay. Mansion ata kong itawag to eh. Sa pagkalaki-laki ba naman.
Lumabas na siya ng kotse ng ma-iparada sa garahe nila ang kotse niya kaya sumunod ako sa kaniya. "Magandang gabi po sir.Maganda este magandang gabi rin ho ma'am." Todo ngiting sabi ng babae habang nakatingin sakin kaya nginitian ko nalang din siya. Weird! Ang daming kotse rito damn.
Ng pumasok kami sa loob ng mansion nila ay si Mr. Martinelli agad ang bumungad samin na kumakain ng cookies habang nagbabasa ng dyaryo.
Kakaiba. "Son!" Biglaang sigaw ni Mr. Martinelli. "Dad!" Sigaw pabalik ni bobo at lumapit sa dad niya at yinakap ito. Ganyan ba talaga sila magbatian?!"She doesn't seem to be the 'Acosta'." Gusto ko ng matawa sa sinabi ng dad niya.Mukhang di ata close ang girlfriend niyang tupakin at ang dad niya. "Is she your girlfriend?" Parang may tinig na sabi ng dad niya. Malisyoso rin ata.
"Dad..She's my classmate." Panigurado ni bobo. Mukhang di naman naniwala ang dad niya. "Okay~ Why don't you have dinner first with me?" Tanong ni sir na ikinagutom ko. "Were kinda in a hur..." Hindi na natapos ang sasabihin niya ng inakbayan na ako ni sir papuntang dining table nila. "You should not skip a meal. Right hija?" Tanong ni sir na agad kong ikinatango.
What a gullible kid I am.
"So hija what's your parents occupation?" Nginitian ko lang iyon at baka madulas pa ako...sa tiles. "She's a scholar dad." Simpleng sabi ni bobo. Tumango tango nalang si sir habang kumakain."I remember. When I was at college dad would always say to me to study hard in order to reach success. Life was so hard at that time since I was only a scholar because my father doesn't have enough money to pay for my tuition. So I have to work hard to finish my course. So son study hard in order to reach success, you too young lady. " Mahabang sabi ni Mr. Martinelli. That seems to be unbelievable. For what I know Martinelli's have been ruling Italia for centuries now.
Katatapos lang naming mag-dinner. Nauna ng umalis si Mr. Martinelli at pupunta raw siya sa study room niya dahil may aasikasuhin pa daw.
"That life never happened to dad." Sabi niya ng may kaunting ngisi habang papa-akyat kami sa second floor. "I know...I know." Pagsang-ayon ko.
Pagbukas na pagbukas ng pinto ng kwarto niya ay naamoy ko kaagad ang pabango niya. Hindi gaanong matapang ang amoy nun kaya masarap singhutin.
BINABASA MO ANG
The Scattered Dream
General FictionAeryll Kieth was one week late for class because she was involved in an accident and got hospitalized for almost two weeks. While Nikkolo Grei was nowhere to be found for one week on their morning classes. And then, after a week later they both show...