"Wake up Scarlett, we're gonna be late," paggising ko sa kanya, naalimpungatan naman siya at kinusot ang mga mata. "Get up and take a bath," saway ko sa kanya at tinulungan siyang maka-upo sa kama.
Hindi pa ako nakakaligo kasi nagluto muna ako ng breakfast niya, kasi alam ko namang rice ang kinakain ng bulilit na 'to para sa breakfast niya, eh samantalang ako kape at tinapay ayos na.
Alagang-alaga kasi ni kuya, nang makababa kami ay agad ko siyang pinaupo para makapag-breakfast na siya at para makaligo na rin siya. "Here, drink your milk," ipinagtimpla ko na siya ng gatas, naks naman! pwede na akong magkasambahay sa lagay na 'to.
Inayos ko naman ang school bag niya, langhiya sa TCIS rin pala nagaaral ang batang pero di ko alam, "But mommy I'm still sleepy," reklamo niya, nasa sala ako pero kita ko parin kung pano niya ibagsak ang ulo niya sa dining table at ipinikit ang mga mata.
"Scarlett hurry up," saway ko sa kanya at umakyat sa taas para kunin ang uniform ko at ang kay Scarlett, pagkababa ko ay hindi ko na makita si Scarlett sa kusina, "Scarlett?!" nataranta na ako ng hindi ko pa rin siya mahanap sa restroom.
"Calm down hon," nagulantang ako ng biglang may magsalita sa may pinto, agad akong pumunta ron, nakita ko si Nikkolo na karga karga pa si Scarlett, buti pa siya handa na, naka uniform na may dala pang bag at medyo basa pa ang buhok.
"Pakainin mo nga yang anak mo daddy Nikkolo," sarkastiko kong sabi at dumeretso sa kusina para kumain na, papaliguan ko pa si Scarlett pero since hindi pa siya tapos kumain, kakain nalang muna ako.
Umupo naman sa tapat ko si Nikkolo at Scarlett, mabuti nalang at pinakain na niya si Scarlett dahil mas matatagalan kami rito bago makapunta nang paaralan.
Nang matapos kaming kumain ay agad kong pinaliguan si Scarlett, pagkatpos niya ay agad naman akong naligo. Five minutes or less ay natapos agad akong naligo, nagtapi muna ako ng tuwalya sa katawan ko bago lumabas. Pagkalabas ko ng restroom ay nakita kong nakatuon lang ang pansin ni Scarlett sa tv habang nakatapi parin ang maliit niyang roba sa katawan.
Agad kong kinuha ang uniporme niyang nasa gilid ng sofa kung saan nakaupo si Nikkolo at nanonood rin ng tv, na makuha ko iyong ay umupo ako sa sofa at pinatayo sa Scarlett sa harapan ko at dinamitan na. Kinuha ko naman ang uniform ko na katabi lang ng kay Scarlett, bakit ko pa kasi kinuha 'to sa taas.
Nang matapos ako sa pagdadamit kay Scarlett ay agad rin akong umakyat sa taas para makapagdamit na rin.
"Sumabay na kayo sa 'kin," sabi ni Nikkolo ng makababa ako, "Huwag na," tanggi ko, baka maabala lang namin siya kung sasakay pa kami sa kotse niya. "Eh pano si Scarlett? Hahayaan mong mag-commute?" hindi ko yan naisip ah, tinapunan ko naman ng tingin si Scarlett, tahimik lang siyang nakaupo sa sofa habang nanonood ng tv.
"Sigurado ka?" tinanguan niya lang ako, "Edi sasabay na nga," pagsuko ko, kawawa naman 'tong pamangkin ko at makakalanghap lang nang masamang hangin kapag mag-commute.
Nasa elevator na kami nang magsalita si Nikkolo, "I have a proposal for you Aeryll," sabi niya na nagpataas ng kilay ko, proposal my ass! "Ano yun?" kyuryos kong tanong, malay mo magkapera pa ako. "Be my driver," sabi niya na nagpatigil sa 'kin sa paghinga, seryoso ba siya?! At bakit naman ako papayag na maging driver niya? Marunong naman siyang mag-drive ah!
"Ano naman ang makikinabang ko dun?" tanong ko sa kanya, "Money," simpleng sabi niya pero parang nagliwanag ang lahat sa paligid ko.
"Ngayon na ba?" tanong ko ng bumukas ang elevator, nauna na ako sa kanila dahil kay Scarlett naman siya nakahawak. Ibinato niya sa 'kin ang susi ng kotse niya, mabuti nalang at nasalo ko iyon kundi natamaan na talaga 'tong pagmumukha ko.
Muhka na talaga akong driver dahil silang dalawa ay nasa backseat kasi alangan namang nasa passenger's seat eh bawal naman ang bata dun, pero bakit kailangang nandun si Nikkolo din? Sinasadya niya ba talaga 'to.
Nang makarating kami sa TCIS ay hindi muna ako nakababa dahil kailan ko pang i-park ang kotse ni Nikkolo sa parking space malamang na nasa kabilang bahagi pa ng eskwelahan.
Agad akong sumunod kela Nikkolo sa may kindergarten dahil isusundo pa nun si Scarlett sa room niya. Nadatnan kong naglalakad pa lang sila papalapit sa building namin. "Nikkolo salo!" bulaga ko sa kaya sa likod at ibinato ang susi ng kotse niya.
Humagikhik naman si Scarlett ng hindi masalo ni Nikkolo at napunta pa sa pagmumukha niya, nag-peace sign nalang ako habang papalapit sa kanila. "Sorry hon," pabiro kong panghihingi ng tawad, patay malisya lang siya at ipinagpatuloy ang paglalakad. Agad naman akong humabol sa kanila.
"Sorry na nga eh, diba Scarlett mommy already said 'sorry'?" pagpapakampi ko kay Scarlett, tumingin naman siya sa 'kin ng may gulat na mga mata. "Yes mommy, so daddy you should already forgive mommy, and mommy didn't mean it." Gusto ko ng humagalpak sa tawa dahil kinampihan na naman ako ng magaling kong pamangkin.
Tinignan ko naman si Nikkolo, masama parin ang tingin eh habang hinihimas-himas pa ang noo. Agad ko naman siyang hinawakan sa braso at nilambing lambing, kahit nga ako hindi ko na alam kung ano ang pinaggaga-gawa ko sa buhay.
"Sorry na nga po eh," panghihingi ko ng tawad, sincere naman ako ah! baka hindi niya na kasi ako swelduhan. Pahirap na, lalo na ngayong wala akong ibang trabaho.
Ng makarating kami sa tapat ng room ni Scarlett ay nagpaalam na siya, "Bye daddy Nikkolo," sabi niya at hinalikan sa pisngi si Nikkolo, nagulat naman ako ng hindi niya ako pinansin. "Aren't you gonna say goodbye to me too," nakakaawa naman ako, lumuhod naman si Nikkolo para maabot ni Scarlett at may ibinulong.
"Ako nalang daw," sabi ni Nikkolo kay binalingan ko siya ng tingin, at hinding-hindi ko inaasahan na mahahalikan niya ako sa labi, wtf!! Anong nangyari?! Bakit ganun. "It...It was supposed to be on the cheek," sabi pa niya pero nagmistula akong istatwa dahil sa hindi makagalaw.
Nakita kong kumaway pa si Scarlett sa 'kin bago pumasok sa loom ng room nila, "Le...let's go, we're gonna be late for class," sa sinabi niyang iyon ay unti-unti ko siyang binalingan ng tingin, pustahan tayong pwede na akong maging si Sadako.
Agad ko siyang hinabol nang kumaripas siya ng takbo papalayo sa'kin, mamaya kang demonyo ka sa klase!
BINABASA MO ANG
The Scattered Dream
Ficção GeralAeryll Kieth was one week late for class because she was involved in an accident and got hospitalized for almost two weeks. While Nikkolo Grei was nowhere to be found for one week on their morning classes. And then, after a week later they both show...
