Chapter Thirty three

6 0 3
                                    

Ilang minuto pa kaming nagtatakbo sa field nang bigla siyang mawala sa paningin ko, saan na pumunta ang isang 'yon.

"Sige na Zhackel!" dinig ko sa ng makalapit ako sa boy's locker room, boses babae 'yun. Hindi kaya si Nyx 'yun na kasama ni Zachkel sa mall?

"Ano na naman ba Nyx?" Damn! So I'm not being wrong! Dito nag-aaral si Zachkel sa TCIS?!

Patuloy lang akong nakinig sa usapan nila ng marinig ko ang pag-ring ng bell sa building namin. Damn! male-late pa talaga ako!

Kumaripas ako ng takbo papunta sa building namin, kailangan ko pang akyatin ang tatlong palapag kung nasaan ang room namin. Nang nasa ikatlong palapag na ako ay hindi ko inaasahan madudulas pa talaga ako. May nakalagay nga palang wet floor sign.

Pero ng madulas ako ay wala naman akong naramdamang sakit kaya ipinagpatuloy ko lang ang paglalakad pero dahan-dahan na ngayon.

Nang makarating ako sa tapat ng pinto ng room namin ay kakarating lang din ni ma'am kaya sa back door na ako dumaan para hindi mapansin ni ma'am ang pagpasok ko.

Nakita kong nakaupo na si Nikkolo sa upuan niya habang nakatingin sa 'kin, "What happened to your knees?" tanong niya ng makaupo ako, agad akong tumingin sa tuhod ko. Dumudugo ang tuhod ko at may kalakihang sugat. Damn! Namanhid ata kanina kaya hindi ko na naramdaman.

"Ma'am we need to go to the infirmary!" sigaw ni Nikkolo at kinausap si ma'am na nasa harapan. Pwede namang lumapit nalang siya kay ma'am at hindi na magsisigaw.

"What's the matter, Mr. Martinelli?" tanong ni ma'am kay Nikkolo at nilapitan pa siya. "She has an open wound ma'am," sabi ni Nikkolo at hinawakan pa ang tuhod ko at ipinakita kay ma'am.

"I see, you can assist her to the infirmary," agad naman akong itinayo ni Nikkolo at hinatak papalabas ng room. Nang pababa na kami ng hagdan ay nilahad niya sa 'kin ang kamay niya bilang gabay dahil hanggang ngayon ay basa parin ang hagdan. Tinanggap ko iyon dahil mas naramdaman ko na ang sakit sa tujod ko.

"Ano ba kasing nangyari sa 'yo?" tanong niya habang naglalakad kami papunta sa infirmary, "Nadulas sa hagdanan eh," napakamot nalang ako sa ulo, inismiran lang niya ako.

Ang taray! Nang marating namin ang infirmary ay sinamahan niya parin ako hanggang sa loob, "Oh damn! That's bad," reaksyon ng nurse nang makita ang sugat ko. Kala mo naman natagusan ng bala o nagaagaw buhay na ako.


Hindi ko na binigyang pansin ang sinabi niya at hinayaan nalang siyang gamutin ang sugat ko habang tumatalak. "Damn ako ang nasasayangan sa balat mo." Hindi naman siya maka-get over sa sugat ko.

Parang siya naman 'tong nasugatan! Kung maka-react ah!! Ang oa, Tinignan ko naman si Nikkolo, nakatigin lang din siya sa 'kin.


"Oh, gamitin mo 'tong ointment, nanghihinayang ako dyan sa tuhod mo." Sabi niya at ibinigay sa 'kin ang isang maliit na circular container.

"Salamat po Nay," pabiro kong sabi, tinignan lang ako ng nurse na parang hindi makapaniwala, "Talikod ka dali!" Utos ko kay Nikkolo, nang makatalikod siya sa 'kin ay agad akong sumakay sa likod niya.


"Larga," Natatawa kong utos sa kanya, siya naman ay nakatayo parin na parang hindi makapaniwala.

Nagsimula nalang siya lumakad nang bahagya kong iginalaw ang mga paa ko na nasa baywang niya.

Nagulat ako ng hindi kami dumeretso sa third floor kung nasaan ang room namin, "Huy! Saan tayo pupunta? Huwag mong sabihin na sinamahan mo ako para makapag-cutting sa klase?!" Pang-aakusa ko sa kanya, pero syempre biro lang 'yon.

"Nagugutom ako, kaya kung magpapaka-estudyante ka. Pwede ka nang bumaba dyan sa likod ko." Sabi niya at ginalaw galaw ang katawan para malaglag ako sa likod niya, hinigpitan ko naman ang pagkakahawak ko sa balikat at leeg niya.

"Aray! Huy ano ba nasasakal ako!" reklamo niya kaya niluwagan ko ang pagkakahawak sa leeg niya. He left me no choice eh,

"Kung hindi ka ba naman gago," wala na, hindi ko na napigilang sumabat.
"Ako na naman," angal niya, "Eh sino pa nga ba?!" Multo?! Alangan namang si sir Tantiengco?!

Nang makarating kami sa cafeteria ay pinaupo niya ako sa upuan malamang, alangan namang sa sahig diba?!

Iniwan niya lang ako, habang siya naman ay nagpakasasa sa counter habang namimili ng pagkain. Matakaw din eh!

"Ang takaw mo noh?!" Sarkastiko kong sabi at kumuha ng fries na bili niya, nakatunganga lang ako habang pinapanood siyang kumain. "Tao lang ako, nagugutom rin," angal niya na naman, "Ang sabihin mo matakaw ka lang talaga," sabat ko at ininom ang shake niya, uubusin ko na sana ng batukan niya ako.

"Ang takaw mo!!" sigaw niya at inubos na ang shake, "Ako pa ngayon ang matakaw ha?!" angal ko at sinubukang tumayo pero hindi ko kinaya ang sakit ng sugat ko at napaupo nalang ulit ako.


"Psst! Tara na, dadating na 'yung si sir Tantiengco at baka malagot pa tayo!" Natataranta na ako, ilang minuto na kaming narito sa cafeteria, at paniguradong papaalis na yung si ma'am.


"Kita mo naman diba, hindi pa ako tapos kumain, " sarkastiko niyang sabi at inirapan ako. Bakla ba 'to?! Kala mo naman lalaki lang din ang kausap.


Kung wala lang akong sugat at hindi masakit ang tuhod ko paniguradong natadyakan ko na siya at nakaalis na ako dito, magpakasasa siya sa pagkain niyang masarap. Teka nga! Bakit parang nagugutom na ako.


"Pahingi nga," pasimple ko lang na sabi at kumagat sa burger niya, binalingan naman niya ako ng may 'babatukan kita' look. Agad kong tinakpan ang ulo ko gamit ang dalawang kamay ko.


"Nagugutom na rin ako eh, sabi mo nga tao lang din ako," palusot ko, wala na siyang nagawa kundi tignan ako ng masama. Dahan-dahan ko namang tinanggal ang pagkakatakip sa ulo ko at unti unting umayos sa pagkakaupo. Hindi niya naman siguro ako babatukan, diba?!



"Balik na tayo sa room?" Mahinahon kong sabi nang matapos siyang kumain, "Mamaya na, busog pa ako." Tanggi niya, eh pano yan?! Gumapang ako hanggang dito sa cafeteria na nasa first floor papuntang third floor kung nasaan ang room namin?!



Kung hindi ba naman gago! "Ang akala ko ba gentleman ka?" Panghahamon ko sa kanya, kung mauto siya rito masasabi kong bobo na talaga siya.




"Sabi ko nga, tara na," sabi niya at tumayo papalapit sa 'kin, yumuko siya ng konti at inalalayan akong makapasan sa likod niya. Hindi ko yun inaasahan ah! Bobo nga talaga ang isang 'to! He's too gullible, uto-uto, mang mang, tanga, biro lang!






















The Scattered DreamTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon