Chapter Nineteen

6 1 0
                                    

Inilibot ko ang paningin ko sa buong sala at hwala! Nagkakalat na mga pinta, nagliliparang mga papel. Kailangan ko nga ng tulong.

Pero mas kailangan ko talaga ng ligo. Nagkalat na ang pinta sa buong katawan ko dahil sa ginawa naming kainutilan kani-kanina lang. Natawa nalang ako sa itsura niya dahil may pinta sa ilong niya.

He looks so cute though. Honestly saying he reminds me a lot of someone who's really important to me. Someone who already forgot me. Damn! I'm gonna cry now!

Tinulungan niya akong punasan ang mga nagkalat na mantsa ng pinta. Mabuti nalang at hindi namantsahan  ang sofa kundi masusuntok ko talaga siya.

"All done. I should go now and I better take a bath." Sabi niya at hinawakan ang mukha ko bago lumabas ng unit ko. Ang kapal talaga ng pagmumukha ng lalaking 'yon at ipinahid pa talaga ang natitirang pinta sa kamay niya.

Peste kang lalaki ka! Hindi ka sana makatulog buong magdamag.

Itinabi ko nalang muna ang project namin at pumasok na sa bathroom. Hindi na ako nag-abalang isara ang pinto ng bathroom dahil ako lang naman ang nakatira dito.

Binuksan ko ang faucet sa bathtub kanina kaya ng mapuno ay agad kong isinara ang gripo. Atsaka kumuha ng liquid soap at ibinuhos sa tubig. Naparami ata ako ng paglagay ng liquid soap at nag-umapaw na ang mga bubbles sa bathtub at nuhuhulog na sa sahig ng bathroom.


Hubo't hubad na ako at handa ng magpakasasa sa bathtub pero nag- hilamos muna ako ng mukha dahil masyadong makapal ang layer ng pinta sa mukha ko. Kahit wala akong allergy sa mga bagay-bagay ay ayaw ko paring magka-allergy reaction.

Nakakainis talaga ang lalaking 'yun! Akala ko ba kaibigan na kami. Nang matapos akong maghilamos agad akong tumapat sa bathtub. Magda-dive na sana ako ng makarinig ako ng boses na galing sa demonyo.


"I just... Sorry. Nice butt." Wala sa oras na napa-dive ako sa tubig dahil sa gulat. Nakakahiya! Buti nalang nakatalikod ako sa pinto kundi pati dibdib ko ay makikita niya.

Halos makasinghot na ako ng tubig na sobra ang bula dahil hindi kaagad ako nakaahon.

Nang hindi na ako makahinga ay umahon agad ako at napaupo sa bathtub.

"Nice breast." Sabi niya. Oh c'mon! Agad kong tinakpan ang dibdib ko gamit ang isa kong kamay at pinahiran naman ang buong mukha ko gawin naman ang isa pang kamay ko.

Para makakita ako ng mas malinaw. Sa pagbukas ko ng mga mata ay nakita ko agad si Martinelli na nakasandal sa gilid ng pinto habang naka-ekis ang kamay at pangisi-ngisi pa talaga na parang timang.

"Umalis ka nga dito!" Umalingaw- ngaw ang boses ko sa buong bathroom dahil sa sigaw ko. Mapapaos pa ako kakasigaw.

"I just forgot something and you were careless enough to not lock your main door so I let myself in." Pagdadahilan niya at inilibot pa ang buong paningin sa loob ng bathroom.

Punong-puno na ako sa kanya ah! Nakita na niya ang pwet ko pati ba naman ang dibdib ko. Nakakainis!

Dahil sa punong-puno na ako sa kanya ay hindi ko na napigilang makapa ang gilid ng bathtub kung saan ko nilagay ang liquid soap. Nang mahawakan ko ang bote ng liquid soap ay hindi na ako nagdalawang-isip na ibato 'yon sa kanya.

Pasalamat siya at nailagan niya iyon kundi magkakabukol talaga siya dahil matigas at mabigat ang bote ng liquid soap na 'yon.

Kung nagkataong masira pa 'yon sa tapat niya mismo ay paniguradong makakaligo siya ulit. Sayang bagong ligo pa naman siya. Tumutulo pa nga ang tubig galing sa buhok niyang basang-basa pa. Hindi man lang marunong gumamit ng tuwalya.

"Alis na sabi!" Pagtataboy ko parin sa kanya. Inilulob ko nalang ulit ang sarili ko sa bathtub dahil nangangawit na ang kamay ko kakatakip sa dibdib ko.

Ilang minuto ang nakalipas ay iniwan niya narin ako sa wakas at isinara ang pintuan ng bathroom. Sa wakas! Kanina pa ako nagtitimpi dito.

Grabe, sobrang nakakahiya! Naramdaman ko namang biglang uminit ang kapaligiran lalo na ang mukha ko. Damn! This is not happening again!

"Honey, why are you and Ryry are sharing the same tub?" Tanong ng ina ni Reirei habang nakatingin sa kanilang dalawa ni Ryry na nakababad sa iisang bathtub.

Abala sa paglalaro ng mga bula si Ryry kaya hindi niya nabigyang pansin ang nangyayari sa kapaligiran niya. Si Reirei naman ay kinausap ang ina.

"Mommy, the bathtub is too big for me so I let Ryry take a bath with me." Bibong ekplenasyon ni Reirei sa ina habang pinaglalaruan ang rubber ducky.

Hindi na napigilang mahagikhik ng ina niya sa kabibohan ng anak.

"But honey Ryry is a girl." Sabi ng ina niya na nagpakunot sa kanya. Hindi niya maintindihan kung ano ang pinagsasasabi ng ina.

"Then, I'll marry her when we grow up." Sabi ni Reirei na nagpagulat sa kanyang ina.

"Do you love her?" Nanghahamon namang tanong ng ina niya.

"Yes I do. I love Ryry as much as how I love you, daddy and myself." Makatotohanang sabi niya sa ina.

"I hope you keep that as a promise, honey." Pinisil lang ng ina niya ang pisngi niya at lumabas na nang bathroom.

Binalingan naman niya si Ryry at hinagkan ng mahigpit. "I promise."

Nang maka-ahon ako sa bathtub ay tumapata naman ako sa shower dahil may mga bula pa sa katawan ko. Pagkatapos nun ay ini-drain ko ang bathtub at itinapi ang tuwalya sa may kili-kili ko hanggang tuhod. Nakakapikon talaga 'tong tuwalyang 'to dahil sa sobrang iksi.


"Ah!... Ah!..." Nagmimistula kaming choir ni Martinelli kakasigaw. Ang kumag nakandekwatro pang nakaupo sa sofa ko. Hindi ba't sinabihan ko na 'tong umalis?!

"Ano na naman ba ang nakalimutan mo ha?!" Sarkastiko kong sabi. Tumawa lang siya ng may pagka-sarkastiko din. Tinatanong tapos tumawa lang. May kililing nga.

"C'mon I'm just being a gentleman. Kung marunong ka kasing mag-lock ng pinto edi sana wala na ako dito ngayon." Sabi niya at tinignan ako sa ulo hanggang paa. Peste! Na-aalala ko na naman ang nangyari kanina.

"Umalis ka na ngang bwesit ka!" Hindi ko na mapigilang manglait dahil sa inis. At dahil sa pikon na pikon na ako dito kay Martinelli ay hinayaan ko nalang siya doong magisa sa sala at dali-dali umakyat sa second floor kung nasaan ang kwarto ko.

Grabe! Umiinit na naman ang buong mukha ko. Ano bang nangyayari sakin ngayong araw?

Nang matapos akong makapag-damit ay napagdesisyunan ko munang bumaba para i-check ang mga bintana at pinto kung nakasira na ba ang lahat.

Pagkabukas ko palang nh pinto sa kwarto ay agad ng tumambad sakin ang ingay ng tv sa baba kaya dali-dali akonh bumaba para i-check. Pinatay ko naman yun kanina ah!

Napahinto nalang ako ng makita si Martinelli na nakapandekwatro paring nakaupo sa sofa.

"Hindi ka ba talaga aalis, Martinelli?" Napapagod na ako kakatabay sa kanya kaya hinayaan ko nalang at pumunta sa kusina para magtempla ng gatas.

Hindi ako gumagamit ng sleeping pills para lang makatulog. It could be alcohol or milk... And that's only done when I'm having sleepless nights.

Hindi lang naman bata ang umiinom ng gatas ah. Nang matapos akong magtimpla ay tumabi ako sa kanya sa sofa at inilagay ang paa sa center tablr habang nakasandal sa sofa.

"Hindi ka pa aalis?" Mahinahon kong tanong sa kanya. Namamangha naman ako sa pinapanood naming documentary.

Tumayo naman siya pero hinila niya din ako kasama niya. "Lock your door first." Sabi niya nang nasa labas ng siya ng unit ko. Isasara ko na sana ang pinto ng hinarangan niya. "And by the way, its Nikkolo." Pahabol niya at hinayaan na akong isara ang pinto.

Nikkolo?! Hah!

The Scattered DreamTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon