"Sige na." Kanina ko pa siya inaayang pumunta sa arcade pero nakaupo parin siya sa pinagkainan namin kanina. "Sige na, please?...Nikkolo." Ang weird pala pakinggan kapag sinasabi ko na talaga ang pangalan niya. Ngayon ko lang napansin eh.
"Mamaya na busog pa ako." Sabi niya at hinimas-himas pa ang tiyan niya. Nanlumo naman ako ng marinig 'yon. Umasa pa naman ako na makakapag-karaoke ako sa loob ng arcade kasi ay meron.
"Tara na nga lang, naa-awa na ako sa 'yo." Sabi niya at hinablot ang kamay ko at hinatak ako papasok sa loob ng arcade. Nakita kong may kinuha siyang card sa wallet niya at inabot sa cashier. "Para saan 'yun?" Tanong ko. Huwag niyang sabihin na credit card niya yun.
"Its a card where my tokens are so I don't need to use actual tokens to play. But I'm out of tokens so I need to buy more." Pinaringgan ko naman ang eksplenasyon niya. Ahh.. Ganun ba talaga 'yun? Hindi ko alam eh kasi sa bahay lang naman ako nagbababad at nanonood lang ng tv. Pero bakit siya merong ng card na yun? Ibig sabihin ba nun ay palagi siyang pumupunta rito?
"Tekken tayo, one on one." Panghahamon niya. Por que magaling siya sa tekken eh ang lakas-lakas na ng loob. Pustahan tayong tekken ang inuuna ni Nikkolo kapag pumupunta siya rito.
"Ayoko nga! Tatalunin mo lang ako. Tsaka hindi ako marunong maglaro ng mge tekken-tekken na yan noh!" Sabat ko at iniwan siya. Titingin nalang ako sa mga naglalaro kung tinitipid din naman ako ng isang 'yon.
Nang makalayo-layo ako sa kanya ay tumigil na ako sa paglalakad. Gusto ko na tuloy kumanta at magwala. Nakakapagod! Gusto ko ng mahiga sa napakalambot kong kama. Nakita ko ang karaoke sa isang banda. May tatlong rooms iyon. Nilapitan ko ang isang kwarto at pinihit ang doorknob, laking pasasalamat ko na hindi naka-kandado ang pinto.
Pumasok lang ako sa loob at umupo sa parihabang upuan dahil kailangan rin ng punyetang tokens na yon para makakanta. Eh wala naman ako non. Ipinikit ko nalang ang mga mata ko at sumandal sa upuan. Matutulog nalang ako. Mabuti pa dito, soundproof.
Narinig ko ang pagbukas ng pinto dahil narinig ko ang ingay sa labas, ng ma-isira ang pinto ay nakarinig naman ako ng mga hakbang papalapit sa 'kin. Patuloy ko lang ipinikit ang mga mata ko at hindi umimik. Baka bigla akong sakaling ng kung sino mang nilalang na pumasok dito.
Pero napakali na ako ng tumabi siya sa 'kin sa pagkakaupo, ididilat ko na sana ang mga mata ko ng maamoy ko ang pamilyar na bango ni Nikkolo. Napahinga nalang ako maluwag, akala ko naman kung sino nang gusto akong pagbantaan. Naramdaman ko ang kamay niya sa balikat ko at niyugyog ako na para bang ginigising.
"Kapag hindi ka tumigil, makakatikim ka talaga ng isang malakas na sapak sa 'kin, Martinelli." Pagbabanta ko sa kanya dahil hindi parin siya tumitigil sa pagyu-yugyog sa balikat. "Sabi ko naman sa 'yo 'di ba, tawagin mo ako sa unang pangalan ko." Sabi niya, mabuti nalang at itinigil na niya ang ginagawang pangdi-distorbo sa 'kin. Naramdaman kong tumayo siya, akala ko nga ay lalabas, pero ilang segundo pa ang nakalipas ay hindi ko naman narinig ang ingay sa labas. Kaya ang ibig sabihin nun ay nandito parin siya sa loob at gumagawa ng milagro.
Wala sa oras na napatayo ako ng marinig ang malakas na ingay galing sa karaoke machine,nagulantang ako sa lakas ng ingay kaya napilitan akong lapitan si Nikkolo para batukan. Kanina lang ay ang tahi-tahimik dito sa loob pero ngayon para ng may dumaang bagyo na hindi mapalagay.
Eh sa meron ba namang apat na speaker, ang bawat speaker pa naman ay nakapaligid sa bawat sulok ng kwarto. Kaya may apat na speaker para sa apat na sulok ng kwarto.
"Aray! Para san 'yun?!" Sabi niya ng mabatukan ko siya. "Talagang tinatanong mo pa talaga, ha?!" Nagsisigawan na kami da isa't isa dahil sa hindi na kami magkarinigan dahil sa lakas ba naman ng volume ng punyetang karaoke machine na 'yan. "Hindi ba't gusto mong mag-karaoke?" Sarkastiko niyang sabi. Nakakapikon talaga.
Pinabayaan ko nalang siyang nakahandusay sa sahig at kinuha nalang ang songbook at ang remote. Bahala na siya dyan. Basta soundproof naman ang kwartong 'to. Siya lang naman ang makakarinig ng singing voice ko na hindi kasing ganda ng kay Adele.
"Ibaba mo nga ang volume!" Sigaw ni Nikkolo sa 'kin dahil parin kasi kami magkarinigan. Eh nasakin ang remote kaya ako ang may kontral sa karaoke. Tv lang naman siya tapos, bahala na kayong imagine-nin yun. Wala na akong ganang mag-explain sa inyo.
Naghanap-hanap ako nang makakanta sa songbook kaya nang makapili ako ay agad kong pinatabi sa 'kin si Nikkolo. "Pakinggan mo akong kumanta, Nikkolo. Pustahan tayong bibilib ka sa 'kin pagkalabas natin dito." Mahangin kong sabi sa kanya. Syempre, biro lang yun. Ng magsimula ang kanta ay agad akong tumayo at pumurma na parang may giyera.
'I'm looking in your eyes'
'There's something you should know'
'This confession will make it better so here it goes'
'I couldn't tell you lies, rather should I go?
'Sayin' nothin about somethin' and let it go'
'But I feel so incomplete'
'I just want to make you mine'
'And I know it's hard to say'
'But I'll try to make it'
Sa bawat pagkanta ko ng lyrics ay tinitignan ko pa si Nikkolo at tinutukso pa siya na para sa kanya ang kanta. Kung alam ko lang na kinikilig na siya eh, ito-todo ko pa talaga 'to.
'Right in my heart is where you gotta be so try to understand ang let me show you, we could be together'
'Everyday in love'
'Don't try to hold it back'
Alam niyo nasa lahi na talaga namin ang pagiging magaling pagdating sa kantahan kaya nga proud ako sa siging voice ko.
Paglingon ko kay Nikkolo ay nakatunganga lang siya dun at hindi parin makapaniwala sa ganda ng boses ko.
"Bilib ka noh?" Pangtutukso ko sa kanya. Ganun ba talaga kaganda ang boses ko sa puntong hindi na siya makagalaw. "Huy! Okay ka lang?" Tanong ko sa kanya at sinubukang kunin ang atensyon niya.
BINABASA MO ANG
The Scattered Dream
Fiksi UmumAeryll Kieth was one week late for class because she was involved in an accident and got hospitalized for almost two weeks. While Nikkolo Grei was nowhere to be found for one week on their morning classes. And then, after a week later they both show...