"Ang aga-aga pa naman para ipagpatuloy ang project natin ah!" Reklamo ko dahil parang gusto ko pang matulog.
Iniwan ko muna siya sa kusina at pumunta nang sala at humiga sa sofa at nilipat-lipat ang channel ng tv.
Naabutan ko naman ang spongebob squarepants sa nickelodeon. Ito kaya ang pinapanood ko ng highschool ako. Nakakapikon nga lang ang kabobohan ni Patrick.
"You watch cartoons?" Natatawa niyang sabi at tumabi sakin sa pagkakaupo sa parang namimikon.
"Oo. Ano naman sa'yo?" Sabi ko at tinignan siya nang nakataas ang isang kilay na para bang naghahamon. Ano nga bang pake niya kung nanonood ang ng cartoons?!
"Wala lang naman." Sabi niya at nginuya ang natitirang doughnut sa kamay niya.
Wala lang daw tapos kung maka-react 'wala lang naman!'. Sapakin kaya kitang kumag ka!
"Umusog ka nga ron. Ang init-init dito tapos tabi ka pa nang tabi sakin!" Reklamo ko at tinulak siya ng bahagya papalayo sakin.
"Mainit daw! Taglamig na kaya! Atsaka centralized ang air-con dito noh!" Damn! Hindi ko naisip yun ah! Epal rin ang kumag na'to, nagpapasulot lang ako eh.
Ang lapit lapit mo kasi saking kumag ka sa puntong nararamdaman ko na ang init ng katawan mo.
"Let's have a date?" Ano daw?! Date?! Nagpapatawa ba siya! Tinignan ko naman siya na parang nawiwirduhan sa mga pinagsasa-sabi niya. Sino bang hindi nawiwirduhan sa kagaya niyang nangbibigla nalang at nagaaya ng date?!
"I mean... Date for our celebration of being friends?" Hindi rin niya siguradong sabi. Wirdo talaga.
"Libre mo ako ng lunch?" Naninigurado lang ako noh! Baka wala akong pakinabang sa mga date-date na yan. "Yeah?" Nagbikit-balikat lang siya at ipinagpatuloy ang pagkain ng doughnut niya.
"Ngayon na ba?" Agad kong iniwan ang doughnut ko at tumayo. Baka nga. Bihis na bihis na siya eh pero sabagay lagi namang nakabihis 'tong si Nikkolo, kala mo naman may lakad araw-araw.
"Yup. It would take time for us to get to the mall." Sabi niya at tinapunan pa ng tingin ang relo niya echosero talaga 'tong si Nikkolo, kahit hindi binasa ang oras. Yup.. Yup mo mukha mo.
"Maliligo lang ako." Sabi ko. Papasok na sana ako ng bathroom pero may sinabi pa siya. "Make sure to close the door." Sabi niya na nagpainit ng buong mukha ko buti nalang at nakatalikod ako sa kanya kundi mapapahiya talaga ako.
Ngayong naalala ko kung ano ang nangyayari kahapon ay gusto ko nalang pumasok sa kwarto ko at magmukmok buong magdamag. Pinaalala pa kasi sakin ng kumag na 'to.
Pero pumasok nalang ako sa loob ng bathroom. Pagkain ang pinaguusapan dito noh! Ililibre naman niya ako kaya parang nakabawi narin siya sakin.
"What soap are you using?" Tanong niya ng makalabas ako ng bathroom at kunwari'y inamoy amoy pa ako sa malayo. Parang timang! Para namang ma-aamoy niya ako hanggang dito.
"Bar soap." Sabi ko lang at umakyat na sa taas. Para talagang timang. Ano ba ang susuotin ko ngayon. Pwede naman akong mag-jeans lang pero... Nakakahiya naman kay Sir Nikkolo at nag-effort pa talaga siyang magbihis.
Pinili ko nalang ang nag-iisa kong beige fitted dress na above the knee at white sneakers. Nakakailang 'to ah! Dapat talaga nag-jeans nalang ako at simpleng blouse. Hindi 'yung ganito na maikling daster.
I just tied my hair in a simple ponytail and put a little balm on my lips.
Ibinigay nga lang ni ate Kaye 'tong lip balm na 'to sakin. Wala naman akong hilig sa mga chemical cosmetics na mga 'yan. Ayun na sa akin ang bar kong sabon at tubig. Atsaka hindi ko naman kailangan ang 'yon. Kuntento na ako kung ano ang itsura ng mukha ko at wala naman akong mga acne. Hindi rin masyadong oily at dry ang mukha ko, moderate lang kumbaga.
"Ayus na ba 'to?" Pagkababa ko ay hinarangan ko ang tv gamit ang buong katawan ko para mapansin niya agad ako dahil masyado na siyang nalilibang kakanood ng tv.
At umikot pa ako na parang timang para makita niya ang buong resulta ng pagsusuot ko ng maiksing telang 'to. "Okay na 'yan. Atsaka kanina pa ako gutom kakahintay sa'yo." Reklamo niya. Wow! Nakakahiya naman! Hindi nga ako lumampas ng bente minutos sa pagligo at kasama na ron ang pag-palit ko ng damit ha!
Atsaka kanina pa kaya siya lamon ng lamon ng doughnut habang naghihintay sakin tapos sasabihin niya nagutom siya kakahintay sakin! Nakakahiya naman!
"Kaya nga tara na." Sabi ko at kinuha ang box ng krispy kreme na nasa center table dahil may ilang doughnuts pa ang natitira doon at inilagay sa frigde. At baka mamaya paguwi ko ay nagkakalat na ang mga langgam sa buong sala ko. Masasapak ko ang isang 'to. Magpustahan pa tayo. Pero wag nalang nailagay ko na sa fridge ang doughtnuts eh.
Sinigurado ko munang maayos na ang lahay bago kami umalis dahil ayaw ko pang mawalan ng gamit. "Ladies first." Sabi pa niya at binagbuksan ako ng pinto. Ladies first my ass!
Kahit na nasa katinuan pa ako ay sinakyan ko nalang ang pagiging 'gentleman' niya kuno. Nang makalabas siya ng unit kasunod ko ay agad kong kinandado ang pinto. Kahit pa mahigpit ang security dito sa buong condominium building ay wala paring akong tiwala sa mga cleaners rito.
"Tara." Pagaaya ko sa kanya at hinila siya gamit ang braso papunta sa tapat ng elevator.
Ng makapunta kami ng parking space at tanaw ko agad ang Audi A8 niyang nakakapukaw ng atensyon ng mga kawatan. Pero syempre hindi ako yun at bakit ko naman nanakawin ang... Kotse niyang napakamahal, magara, at magandang tignan diba?! Sabi ko nga hindi!
"Hindi parin talaga ako makapag-move on dito sa kotse mo." Hindi ko na napigilang masabi at hinawak-hawakan pa ang kotse niyang napakagarang tignan.
"Awesome isn't it." Sabi niya na parang in love sa kotse niya. Grabe! Malala na 'to! Hindi pa ba siya ipinatingin ni tito sa mga psychiatrist. Parang nasobrahan na ata ang isang 'to! Malang ay mahihirapan ang mga psychiatrist sa pagpapakalma sa kanya kapag inataki na naman siya ng kabaliwan niya.
BINABASA MO ANG
The Scattered Dream
Fiksi UmumAeryll Kieth was one week late for class because she was involved in an accident and got hospitalized for almost two weeks. While Nikkolo Grei was nowhere to be found for one week on their morning classes. And then, after a week later they both show...