Chapter Ten

5 2 0
                                    

"Binigay na ba ni sir ang topic sa project natin?" Tanong ko sa kanya ng mag lunch break.

Nandito pa kami sa classroom. Ewan ko kung ano pang ginagawa niya basta ako papa-alis na.

"Not yet, he'll give it today in his office.So you better come with me." Sabi niya habang nililigpit ang mga gamit niya.

"Ngayon na?" Tanong ko sa kanya. Tinanguan niya lang ako at tumayo na. Sumunod nalang ako sa kanya.

"When will we start doing this?" Tanong ko ng maibigay na ni sir ang topic para sa project namin.

"I don't know. Maybe now?" Sabi niya. Pwede din naman. Wala na naman kaming klase ngayong hapon eh.

"How about the materials?" I asked him. "We buy it." He said.

Nasa mall kami ngayon sa loob ng book store. Ewan ko kung ano ang gagawin niya at nakatayo lang siya sa harap ng isang shelf. Baka may tinitignan?

Lumapit ako sa kanya at tinignan kung ano tinitignan niya.

Fashion magazines? Seryoso?!

Nakatunganga lang siya sa isang magazine. Di ba niya babasahin o ang cover lang talaga ang tinitignan niya.

"You know her?" Tanong niya sakin. Siguro ang tinutukoy niya ay ang babaeng cover sa magazine.

"Hindi," Sabay iling kong sabi. Ngayon ko palang nakita ang babaeng yan.

Nakita ko naman ang reaksyon niyang hindi makapaniwala.

"Bakit, sikat ba yan?" Tanong ko at kinuha ang magazine.

"Bibilhin mo miss?" Tanong sakin ng babaeng tinutukoy ang magazine na hawak hawak ko.

"Oo?" Ewan ko ba kong bakit ko sinabi yun. "Ay sayang! Pang-last pa naman yan." Pamomroblema niya.

Sabagay metropolitan nga naman ang magazine na'to. Sikat nga talaga ang babaeng 'to.

"Kilala mo?" Tanong ko sa kanya. Nakita ko ang reaksyon niyang lutang pero agad rin nagbago ng ibinaling ko ang paningin ko sa kanya.

Unti-unti siyang umiling bilang pagtugon sa tanong ko. Weh! Di nga?!

Kung makatingin ka dyan sa lagay na yan di mo kilala?! Ediwow!

Okay... Baka ba love at first sight.

"Are you done?" Tanong niya at umalis na sa kinatatayuan at pumunta sa ibang shelf kung saan naka-display ang mga children's books.

"Tapos sa ano?" Baka di ako ang kausap ng isang to at mapahiya pa ako.

"Buying materials for our project." Sabi niya na nagpatingin sakin sa maliit na basket kong dala-dala na wala pang laman maski isa.

"Teka lang may nakalimutan ako." Palusot ko at iniwas ang basket sa paningin niya.

Nalibang lang ako ng konti sa crush niyang model. Di nga ata ako nangahalati sa ganda ng crush niyang pale-faced model.

Ata. Maganda naman ako sabi ng tatay ko. Na-uto lang siguro ako ni tatay.

Kinuhanan ko nalang ng picture ang cover ng magazine. Itatanong ko nalang siguro kay ate Kaye mamaya kung kilala niya ang model na 'to.

"Wala bang pa-snack dyan yorme?" Pagbi-biro ko ng maka-bayad sa cashier.

Tinignan niya lang ako na parang nawiwirduhan. Grabe naman 'to nagpapalibre lang eh. Ayus lang naman kung ayaw niya tsaka biro lang naman yun.

"Ha..Ha, biro lang." Bawi ko at nilabas ang pilit kong tawa. At nag-peace sign pa.

Pero nagulat ako ng hilain niya ako papuntang third floor kung saan naroon ang mga mobile phone stores, cinemas, at ang food court.

Ano naman ang gagawin namin dun? Tapos na naman kaming makabili ng materials.

"Huy! Bitawan mo kaya ang damit ko." Reklamo ko dahil grabe siya kung makahawak ng damit. Eh kung matanggal kaya 'tong mga butones sa uniform ko!

Buti nalang binitawan na niya ang damit ko. Ng makarating kami sa third floor ng mall ay nakita ko siyang dumeretso papasok sa food court.

Anong gagawin niya don? Bibili ng damit. Malamang bibili ng pagkain.

Epekto siguro 'to ng pagiging scholar ko. Nakakahilong mag-aral grabe pero kakayanin basta may maibigay lang akong diploma kay tatay eh ayos na ako.

"You're just gonna stand there?" Naiinip niyang tanong. Ito talagang isang 'to di man lang makapaghintay kahit ilang segundo.

Ililibre na niy ba ako? Eh ang tanong kumakain ba siya sa ganitong klaseng lugar. Sa yaman niyang yan ha?! Eh sa mga five-star restaurants kaya ang mga mayayaman kumakain.

Hindi naman sa sinasabi kong wala siyang karapatang kumain dito ang sakin lang eh gutom na ako grabe! Bahala na kayo dyan!

"What do you want to eat?" Tanong ni tatay este niya sakin. Wow! Ililibre niya ba talaga ako? Eh baka mamaya niyan uuwi ako na walang lamang ang bulsa.

Wag naman po! "Ikaw magbabayad?" Pagtatanong ko. Mahirap na noh! Baka mapunta pa ang kalahati ng sahod ko ngayong buwan dito.

Di naman siguro. Mura lang ang pagkain rito. Afford ko pa nga eh...yung bottled water.

"Uhm... Yung chicken fillet burger nalang." Sabi ko habang nakatingin sa menu. Humanap nalang ako ng table na malapit lang sa pinag-orderan namin.

"Here," Sabi niya at inilagay ang tray sa mesa. Ang dami ng inorder niya ah! "Hindi lang ikaw ang nagugutom." Bigla niyang sabi. Siguro napansin niyang iba ang tingin ko sa mga order.

Ang dami ng inorder niya. May fries, shake, burger, pasta with garlic bread, soda at sundae. Tigdadalawa yun ah! In fairness may share ako ngayon.

Mauubos ko ba yan o kahit siya nalang. Gutom naman ako kaya mauubos ko 'to panigurado.

"Ano na nga pala ang gagawin sa project natin?" Tanong ko sa kanya habang kumakain. "Edi tatrabahuin." Pabalang niyang sabi ng hindi manlang tumitingin sakin. Di ko alam na may tarantado di palang side ang isang 'to.

Hindi nalang uli ako nagsalita at kumain nalang, at baka mamaya iba na ang isagot sakin ng tarantadong 'to. Pero salamat pa din ako sa kanya may libreng snack na'ko.

Sa gutom ko feeling ko tuloy may nakatingin samin kay nilibot ko ang paningin ko pero wala naman.

Ng matapos kaming kumain ay napag-usapan naming bukas na trabahuin ang project namin.

Sabay na kaming umuwi at naki-sakay nari ako sa kotse niya since magkatapat lang naman ang unit namin.

Ng makapasok ako sa unit ko ay agad akong nagpalit ng pambahay.

Ewan ko lang kong nadyan ba si ate Zah kasi simula ng ikasal siya madalang na siyang umuwi dito sa unit niya. Sabagay may sariling bahay naman sila.

Katabi lang ng unit ni ate Zah ang kina Stormi. Grabe ang yaman ng mga kapitbahay ko noh!

Si ate Kaye isang Australian. Isa siyang Filipino-Australian citizen at model din siya kaya nga tatanungin ko kong kilala niya yung babae kanina na crush ni Martinelli. Sa pagkakaalam ko Van Eimeren have a great business in Australian and also multi-billionaires.

Ewan ko ba kung bakit napadpad yang si ate Kaye dito eh sa Australian naman yon pinanganak at lumaki. Pero ang alam ko, di alam ng lahat yun at iba ang pangalan niya dito dahil sa modelling career niya.

Sila Stormi at Thunder naman ay filipino-canadian citizens. Mayaman din yong dalawang yun. Limpak-limpak ang salapi ng mga yun.

At syempre pang last. Si Martinelli.
Mayaman yong bastardong Italiano'ng yun. Sa net worth palang ni tito eh tapos siya lang naman ang heir ng Martinelli group of companies.


At syempre ako...ang naghihirap nilang kapitbahay.


















The Scattered DreamTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon