Chapter Twenty eight

7 1 0
                                    

Pagkalabas ko ng restroom ay hindi ko makita sina Nikkolo at Scarlett kaya laking taka ko ng may nagsisigawan na lalaki at babae.

Mabuti nalang at hindi ito ang main exit kundi mae-eskandalo talaga silang dalawa,atsaka hindi marami ang dumadaang tao rito.

Nilibot ko naman ang paningin ko para hanapin ang dalawa, ng mapadpad ang paningin ko sa may banda ng staircase ay doon ko sila nakitang naglalaro habang naka-upo sa palapag. I wasn't really expecting that they'd be close to each other.


"Daddy Nikkolo, why is mommy and dadda fighting?" Narinig kong sabi ni Scarlett nang malapit-lapit na ako sa kanila. Ibig bang sabihin nun ay yun ang parents ni Scarlett na nagsasagutan?

"No, they're not fighting, they were just talking over something." Paliwanag ni Nikkolo at tinignan ako na parang nagi-guilty sa sinabi. "Aeryll," Tawag niya sa 'kin, honestly I was definitely shock when he said that. Ngayon niya lang ako tinawag sa totoo kong pangalan.


"Hu...huh?" Namalayan ko nalang ang pagtawag niya ng hawakan niya ang pulsuhan ko. Tumabi nalang ako sa pagkaka-upo.

"Are they really Scarlett's parents?" Turo ko sa magkasamang nag-aaway sa gilid lang ng costumers service, hindi ko makita ang mga pagmumukha nila dahil naka-talikod silang dalawa sa amin.

"Yup, should we do something?" Tanong niya na ikana-iling ko, away nilang mag-asawa yan kaya labas na kaming dalawa dyan.


"Hayaan mo na silang mag-asawa," Sabi ko at nilaro-laro si Scarlett para malibang, this kid deserves a better life, everyone does.


I pity Scarlett, kung araw-araw niyang nakikitang ganito ang mommy at daddy may posibilidad din na lumaki siyang rebelde. Kung ako nga ay ni minsan hindi ko nakita si nanay at tatay na mag-away, pero naging matigas pa rin ang ulo ko ito pa kayang si Scarlett na laging nakikita ang parents niyang nag-aaway.


"Mommy hates me and she doesn't want me so...daddy takes care of me." Umiiyak nang sabi ni Scarlett, mapupula na ang mga mata niya kakaiyak, basa na rin ang pisngi niya ng sariling luha, kaya hindi ko na napigilang lapitan siya at pahiran ang pisngi niya mapupula.


"Stop crying Scarlett," Sabi ko at tinapik-tapik ang likod ni Scarlett para patigilin na siya sa pagsinok.


"I really thought you were gonna comfort Scarlett," Natatawang pag-amin ni Nikkolo. Hinayaan ko nalang, panira talaga ang timang na 'to.



"I can't, okay?! My career is gonna be over if they knew I already have a child!" Hindi naman kami masyadong malayo sa kinaroroonan ng mommy at daddy ni Scarlett kaya naririnig namin ang pinag-uusapan nila.

Just hearing what her mother said, I could already tell that she's not a good mother. Wala siyang kwenta, mas pinili pa niya ang propesyon niya kaysa sa sarili niyang anak. "I'm a fu**ing model! I have a reputation!" And also modelling is not a profession,



"Reputation my ass!! Scarlett is your child!" sigaw ng daddy ni Scarlett, why is his voice so familiar? Hindi ko pa rin kasi makita ang mga mukha nila.


Nagkatinginan naman kami ni Nikkolo, pinasuot niya ng earphones si Scarlett para hindi niya marinig ang usapan ng parents niya.


Nagulat naman kaming dalawa ng biglang sinampal ng mommy ni Scarlett ang asawa niya at bigla nalang ding nag-walk out. Grabe! Ang lutong ng sampal na 'yon.



Para naman akong timang ng humarap ang daddy ni Scarlett, agad akong napatayo ng makalapit siya sa amin. Napako na 'rin ang paningin niya sa 'kin, "Kuya Sam?" Siya ba talaga ang daddy ni Scarlett?!



"Are you really Scarlett's dad?" Pagkasabi ko nun ay ang paglapit naman ni Scarlett kay kuya Sam, "Yes, she is my child." Sabi niya at kinarga si Scarlett.



"So does this mean that she is my neice?"

"Obviously Aeryll," Sabi niya ng natatawa kahit hindi na abot sa mga mata niya. Mas nalungkot tuloy ako, knowing that Scarlett is my neice and kuya Sam is facing a big responsibility. Kuya Sam is my cousin. Damn! What's with this day?! Kanina si Zachkel ngayon itong si kuya Sam naman?! Baka mamaya sina tatay na ang maka-engkwentro ko.



"Don't cry sweety, your eyes are red already." Pagpapakalma ni kuya Sam kay Scarlett na mahigpit ang pagkaka-yakap sa kanya.



I've never really expected for this day to come, the day where kuya Sam would be this responsible. Well, he's the playboy, happy go lucky type in the family. Hanggang ngayon pa rin kasi ay si tito pa rin ang namamahala ng kompanya nila at kanang kamay naman ang nakakatanda ring kapatid ni kuya Sam.



Pero nagulat ako ng naka-suit siya, may-ari kaya ng bar 'tong si kuya Sam. Tapos ano yun, pupunta siya ng bar nang naka-suit talaga! "San ka galing kuya?" Tanong ko.

"Work," Simpleng sahot niya na ikinagulat ko parin. "I work now for dad Aeryll, and please don't over react again." Sabi niya na kinabagot ko. Panira talaga ang mga pinsan ko. Lalo na yung si Zachkel, bahala na siya sa buhay.



"I'll explain everything, let's shopping first." At kailan pa nagka-interes sa mga ganyang bagay itong pinsan ko?!  Pinalakad niya lang si Scarlett pero mukhang napalapit na nga talaga si Scarlett kay Nikkolo dahil ng ibaba siya ni kuya ay agad siyang lumapit kay Nikkolo at nagpa-karga.



"Daddy Nikkolo," Aangal pa sana si kuya ng marinig niya iyon na galing kay Scarlett. "Who is he? Ha?" Malisyosong tanong ni kuya at kinurot pa ang tagiliran ko, diba nakakainis.



"Ang malisyoso mo talaga kahit kailan kuya, nakakainis ka! Kaibigan ko lang yan noh!" Sikmat ko, "Nakakainis ha?!" Sabi ni kuya Sam sabay binatukan ako, narinig ko naman ang hagikhik ni Nikkolo. Pinandilatan ko nalang siya ng mata, pasalamat talaga siya at karga-karga niya si Scarlett kundi ay kanina ko pa siya nasikmat.



"Kuya, tungkol nga pala dun kanina?" Dahan-dahan ko lang na tanong, "Look baby oh! Do you want that?" Walang hiya! Iniwan agad ako ni kuya Sam at kinuha si Scarlett kay Nikkolo.


Kahit kailan talaga 'tong si kuya Sam, gagawa at gagawa ng paraan maiwasan lang ang usapang hindi niya nagugustuhan.



Nilapitan ako ni Nikkolo at inakbayan pa talaga. "Ano na naman po ba ang kailangan niya itay." Nababagot kong biro. Tinawanan niya lang talaga ang sinabi ko.


"How sweet," Narinig kong sabi na nanggaling sa pamilya ni lolo na sumaway kay Nikkolo kanina ng naglalaro siya ng racing car simulation. They're a big family and I was amazed when I realized that they're having a whole clan bond.

Na-miss ko tuloy ang family reunion namin. Nakatingin silang dalawa sa amin at ang mga teenager na babae ay parang kinikilig pa. Dahil sa pressure ay napayakap nalang ako sa baywang ni Nikkolo at nagkunwaring nakikipag-biruan sa kanya.


"Honey, don't say such thing." Kunwaring saway ko sa kanya at pinalo pa siya sa tiyan. Napalakas ata at napa-aray siya, "Bilisan mo na kasi ang paglalakad," bulong ko sa kanya.


Mabuti nalang at umalis na ang pamilya, dali-dali akong kumawala sa pagkaka-yakap kay Nikkolo at humabol kila Scarlett at kuya Sam na nasa loob na ng department store.


Dalawang palapag ang department store pero konektado lang. Naabutan kong nasa may mga damit na sina kuya Sam at pinipilian ng damit si Scarlett. I really can't believe this!


"Your style sucks kuya!" Sabi ko at pinilian ng damit si Scarlett.




The Scattered DreamTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon