Chapter Twenty nine

2 1 0
                                        

Ilang oras pa ang lumipas at hindi pa rin tapos sa pamimili sina kuya at Scarlett, seryoso ba 'to?!

Nakaupo na ako sa sahig hindi ko na sila makita dahil kahit saan nalang sila pumupunta. Hindi ko na rin nakita si Nikkolo, pagod na ako. Gutom na rin ako, kanina pa. Kumakalam na ang punyetang tiyan ko sa gutom.

Nagulat ako ng may gumabay sa 'king makatayo, agad akong umayos ng tayo at lumayo sa taong nagtayo sa 'kin bago ko siya harapin.

"Ang dumi-dumi ng sahig tapo uupo-upo ka!" Pagalit na sabi ni Nikkolo. Para ko tuloy siyang tatay na nanenermon dahil naghalumpasay sa sahig ang pasaway niyang anak.

"Gutom na ako, atsaka ang sakit-sakit na ng mga paa ko." Reklamo ko at kumalambitin sa braso niya para magsilbing gabay ko. Hindi na ako makalakad ng maayos dahil sa matagal kong pagkaka-upo.

Imbis na tulungan akong makapaglakad ay pinatayo lang niya ako ng matuwid at pinatalikod sa direksyon niya.

Nakita kong parang may inilagay siya sa leeg ko galing sa likod, naramdaman ko ang lamig nun. Hinawakan ko ang bagay na nasa leeg ko at tinignan. Isang necglace na may infinite sign. Nagulat naman ako, bakit niya ibinigay sa 'kin.

"Para san 'to? Uy baka naman singilin mo ako, wala akong pang bayad nito, wala akong dalang pera." Sabi ko sa kanya, pero inilingan niya lang ako. "Napadaan lang ako sa jewelry shop sa tapat, ang ganda eh kado hindi ko naman maiso-suot yan." Pagdadahilan niya, jewelry sa tapat? Ibig bang sabihin nun ay ang Sheen Jewelries?! Damn! Paniguradong mahal ang kwentas na 'to!

Ang nagmamay-ari ng Sheen Jewelries ay isang European national na pinagpasahan na ng maraming henerasyon. Ang mga gems na hawak ng Sheen Jewelries ay inu-auction pa sa europa na nagkakahalaga ng ilang milyones. Ang Sheen Jewelries ay ang pinaka-kilalang jewelry based business sa europa at ganun na rin dito sa asya.

Aside from Candescent Jewelries na siyang kakum-petensiya ng Sheen Jewelries. Kung iisipin ko ay ang kwentas na 'to ay nagkaka-halaga ng mga ilang thousands, taking the fact that it has no gem with it but still this is an original silver. Siguro ay mga hundred thousanths.

Damn! Ang mahal. "Ano ba yan! Pano kung mawala ko 'to? Ang mahal mahal kaya nito." Sabi ko at tatanggalin na sana ay kwentas pero pinigilan niya ako. "Kung mawawala man ang kwentas na yan, problema mo na yun dahil sa 'yo naman ang kwentas na yan." Sabi niya na ikinagulat ko. Walang hiya naman ang isang 'to, paa-akuhin pa talaga ako ng responsibilidad.

"Edi thank you nalang po nang marami po sa inyo po." Tinadnad ko naman siya ng po, tinawanan niya lang ako pagkatapos ay inakbayan. Tatanggalin ko na sana ang kamay niya sa balikat ko pero mas hinigpitan niya pa ang pagkaka-akbay sa 'kin. Hinayaan ko nalang at baka mamaya ay masakal na talaga ako ng isang 'to.

Hindi pa kami nakaka-ilang hakbang ay natunton agad namin ang kinaroroonan nina kuya Sam at Scarlett. At salamat kay kuya Sam dahil kung hindi siya masyadong maingay ay malamang hindi pa namin sila nahanap.

Pagkadating namin sa kinaroroonan nila ay agad naming nadatnan na nilalandi ng sale's lady ang pinsan ko habang si Scarlett naman ay nababagot lang na nakatingin sa kanila habang nakaupo.

"Kuya? Seriously?" Sabi ko nang hindi makapaniwala sa nakikita, kinalagan naman ako ni Nikkolo sa pagkaka-akbay at kinarga si Scarlett.

"C'mon, I was just asking for sizes of this dress." Pagpapaliwanag niya, hindi na talaga mawawala ang pagiging wais niya kahit kailan kaya hindi na ako magtataka kung dumoble ang profit ng kompanya ni tito ngayong taon.

Maga-alas sais na nang gabi pero nandito pa rin kami sa mall, grabe naman 'to. Ito na ata ang pinaka-mahabang time span ko dito sa mall.

"Let's go guys, it's time for dinner." Sabi ni kuya Sam at pumasok sa loob ng restaurant, damn! Isang tingin palang sa menu ay natatakam na ako.

Humanap muna kami ng mau-upuan dahil marami-rami rin ang mga tao dahil anong oras na, ng makahanap kami ng mau-upuan ay agad akong tumabi kay kuya na kanina pa naka-upo, ayokong katabi ang mukong na Nikkolo'ng yun at baka hindi pa ako makakain ng maayos.

"Uy, si Scarlett dyan. Dun ka nalang tumabi sa boyfriend mo." Saway ni kuya sa 'kin at tinapik pa ako sa balikat, si kuya naman eh! Parang tanga! Napilitan nalang akong lumipat ng mau-upuan at tumabi kay Nikkolo. Apatan lang kasi ang mga upuan sa bawat lamesa dito pwera nalang kung pinagdugtong-dutong.

Nang dumating ang order namin ay agad kong nilantakan ang akin. Naramdaman ko namang nakatingin silang lahat sa akin, pero inuna ko muna ang pagkain at hindi nalang muna sila pinansin. Napatigil nalang ako ng halos nang maloblub ang pagmumukha ko sa soup na kinakain ko nang dahil sa may bumatok sa 'kin.

"Lumalabas na naman ang pagiging matakaw mo ano?" Sabi pa ni kuya Sam na siyang bumatok sa 'kin. Napasimangot nalang ako at ipinagpatuloy ang pagkain.

Ganito naman ako kumain ah! Nakaka-walang gana tuloy, pero kahit nawawalan na ako ng gana ay ipinagpatuloy ko pa rin ang pagkain dahil masasayang ang pagkain kapag hindi maubos.

"Aeryll, can you do me a favor?" sabi ni kuya Sam nang matapos kaming kumain. Sinamahan naman ni Nikkolo si Scarlett sa restroom para maghugas ng kamay.


"Kung...kaya ko," Sabi ko habang nilalantakan ang halo-halo ko para sa desert, actually kay Nikkolo talaga 'to pero hindi niya kasi kayang ubusin kaya ako nalamg ang uubos.

"Can you take care of Scarlett for weeks? Or maybe months? I have a business trip to Europe. I don't know how long it takes," sabi ni kuya Sam na ikinagulat ko, eh paano ko ma-aalagaan si Scarlett kung kailangan kong pumasok nang paaralan tuwing weekdays?



"Eh kuya, may pasok ako atsaka pwede namang si tita nalang diba?" Naiilang kong tanong, baka kasi masabing ayaw kong alagaan si Scarlett. I mean, c'mon I like Scarlett ang punto ko lang ay hindi ko siya maa-alagahang mabuti.



"Mom doesn't know, and also Scarlett is already in nursery in TCIS." Nagulat talaga ako sa sinabi ni Kuya, seryoso?! Hindi talaga slam ni tita ang tungkol kay Scarlett?! At naga-aral sa TCIS?! sabagay, hindi ko naman nadadaanan ang kindergarten kapag lumalabas at pumapasok ako ng paaralan.



"Wa..why? How?" Wala sa sarili kong tanong kay kuya, hindi nagtagal ay bumalik na ang dalawa galing sa restroom, para silang mag-ama kung titignan mo. Tinalo pa nga ata ni Nikkolo itong si kuya Sam sa pagiging tatay.



"Daddy, my hands are clean na oh," sabi ni Scarlett at inabot ang mukha ni Kuya Sam at pinahid ang kamay niya sa mukha ng daddy niya habang humahagikhik pa.



What a cute kid, nagmana nga sa mga Enrícoso. Mga mestizo at mestiza, too bad hindi ako nagmana kay nanay dahil kung mana ako kaya nanay at tatay ay paniguradong nagka-world war III na dahil sa pinag-aagawan ang kagandahan ko ng buong mundo.




The Scattered DreamTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon