"Ang damot ah! Ayaw man lang ipakita sakin." Reklamo ko dahil hanggang ngayon hindi parin niya ipinapakita ang sketch niya.
"Hindi pa kasi tapos." Nakukulitan niyang sabi at napilitang tumayo dahil pilit ko siyang inaabot. Kaso ang kamay ko kasi ay may mga bahid ng acrylic paint malay ko bang hindi pala marunong makisama itong si mister.
"Maghugas ka nga ng kamay!" Nandidiri niyang sabi at umiwas sakin. Ang arte naman ng punyetang lalaking 'to.
Pagkatayo ko ay dumeretso agad ako sa sink sa loob ng bathroom at dun naghugas ng kamay. Naghilamos narin ako pagkatapos dahil may ilang mga talsik ng pinta sa mukha ko.
Pagkabalik ko sa sala ay ginagawa na niya ang 3d box para sa project namin. Sino ba ang nagsabing gawin niya yan.
Hindi muna ako nagparamdam na nakalabas na ako ng restroom at hinanap ang sketch niya. Nasaan na ba ang letseng sketch niyang iyon.
Nasasakim siyang ipakita ha?! Tignan nating kung gaano kaganda yang ginawa mo. Hah?! Oh baka naman yung babaeng nasa litrato ang skinetch niya.
Kala mo naman kung sinong maganda. Maputi lang 'yon. Hindi nga nangalahati kay ate Zah at Stormi eh.
Ganun ba ka-importante ang babaeng yun sa kanya at hanggang ngayon mahalaga parin sa kanya? Gra-graduate na nga kami atsaka sa highschool lang naman sila naging magkaibigan diba?
Parang napakababaw naman nun. Ang kababata ko ngang simula't sapol ay kaibigan ko na pero kinalimutan parin ako. Oh baka naman lagpas pa sa pagkakaibigan ang turing niya sa babaeng yun.
Nang nasa mismong likod na niya ako ay nakita kong nasa tabi niya lang sa sahig ang sketch pad ko na ginamit niya. Kukunin ko na sana ang sketch pad pero bigla nalang niyang isinubsob ang pagmumukha niya sa center table kaya lumikha iyon ng ilang ingay.
Ano bang problema ng lalaking 'to at nagiging bipolar nalang bigla. Kanina lang seryoso ay siya kung gumawa ng project namin tapos ngayon parang timang na nawawala sa sarili at bigla nalang isinubsob ang makinis niyang pagmumukha sa mesa'ng may nagkakalat pang mga acrylic paint. Kabobong bata nga naman!
Dahan-dahan kong kinuha ang sketch pad habang hindi pa siya nakatingin dahil abala pa siyang inusnos ang pagmumukha niyang makinis, sabi ko nga.
Nakasira pa naman ang sketch pad kaya paniguradong mahihirapan akong hanapin ang sketch niya. Sa hundred pages ba namang sketch pad. Sinong hindi mahihirapan?!
Marami pa naman akong sketch dito. Pero alam ko naman kung ano ang akin. Dinahan-dahan ko lang ang pagpakli ng mga pahina ng makita ko ang hindi pamilyar na sketch.
Isang batang lalaki na may hawak-hawak na sketch pad at nakahilata sa sahig ng garden at isang batang babae na nakatingin lang sa kalangitan habang nakahiga sa sahig ng garden kagaya ng batang lakaki.
"Ryry! I want to be painter someday like Leonardo da Vinci and I will make my own Mona Lisa too." The kid named Reirei said.
"Really? But isn't painting boring? You will just sit and your hands will be covered with paint." Nababagot na sabi ng batang babae at ipinikit ang mga mata. Ramdam niya ang makulimlim na kalangitan at mahanging kapaligiran.
"That's not true Ryry. Painting is fun, just like playing hide n' seek." Pagtatanggol ng batang lalaki sa paniniwala. Sa murang edad niya ay malawak na agad ang pagiintindi at pagiisip ng batang lalaki.
"Reirei, we're just kids we should have fun like how kids have fun the same age as ours." Sabi ng batang babae at kinusot-kusot pa ang mga mata dahil inaantok na siya.
"Honey, you should rest now." Sabi ng ina ng batang lalaki at tinulungang makatayo ang anak. Ang batang babae naman ay ganoon parin ang kalagayan dahil ayaw niyang ginugulo siya kung nakaidlip.
"Painting... Fun?Tss." The girl unbelievably said. If Reirei was there surely she would take it back because he wouldn't like it. But the boy already got inside their mansion with her mother.
Nagulantang naman ako ng biglang inagaw ni Martinelli sakin ang sketch pad.
"This sketch was inspired by your painting." Sabi niya at pinagmasdan ang sarili niyang sketch na parang hindi pa makapaniwala sa ganda ng sketch niya.
Sabagay maganda nga naman ang sketch niya. Malinaw at madaling maintindihan.
"Patingin nga ulit!" Paghahamon ko sa kanya at dinikwat ang sketch niya. Pero agad niya ring inagaw. Nagusot tuloy.
"Kasalanan mo 'to eh." Pangaakusa niya at itinuro ang gusot sa sketch niya.
"Ako! Ikaw kaya ang umagaw kaya yan nagusot eh." Ang sama ng kumag na 'to. Grabe kung makapag-akusa. Walang perpekto sa planetang 'to noh!
Damn! Ngayon ko lang napansin na puno na pala ng pinta ang pagmumukha niya. Hindi ko na mapigilang sumabog sa tawa.
"Anong nakakatawa ha?!" Nagulat ako
ng bigla niyang ilublob ang kamay niya sa pallete ng acrylic paints at ipinahid sa mukha.
"What the hell?!" Dali-dali akong naghanap ng salamin para makasigurado. Pero hindi pa man ako nakakatapat sa salamin ay may pumatak ng malapot na pinta sa damit ko. Punyeta!
Hindi na ako nagdalawang isip na lapitan at sabunutan siya sa gigil. Hindi siya makatakas dahil nasa ibabaw niya ako. Wala ka ng takas na demonyong kumag ka. Nakakapeste ka nga araw. Kakahilamos ko lang ng mukha tapos yun lang ang gagawin mo.
Kinuha ko ang pinta sa damit ko at ipinahid sa buong mukha niya pero sa kinamalas-malasang pagkakataon nga naman ay nagawa niyang makaharap sakin. Gusto ko sanang umiwas sa kamay niyang pilit inaabot ang mukha ko kaso nakaibabaw ako sa kanya kaya nahirap talaga akong iwasan iyon.
Bwesit na lalaking 'to! Hindi ko naman siya inano diba?!
Tatayo na sana ako pero bigla niya nalang hinila ang kamay ko kaya wala sa oras na literal na napaibabaw ako sa kanya. Nararamdaman ko na ang mabango niyang hininga sa labi ko. Ang lapit-lapit ng mga pagmumukha namin sa isa't isa.
Para naman akong naestatwa at hindi makagalaw sa pagkakaibabaw sa kanya. Ewan ko pero naramdaman ko ang kamay niya sa baywang ko.
Damn! Bakit biglang uminit ang buong kwarto, malakas naman ang air-con ah!
"Ang init dito sa loob ng unit mo noh!" Sabi niya at itinayo ako gamit ang dalawa niyang kamay na nakahawak sa baywang ko. Yun nga din ang sasabihin ko.
"Siguro bukas nalang natin 'to ipagpatuloy." Suhestiyon ko dahil masyado nang mailang ang sitwasyon.
"Oo nga, pero tutulungan na kitang magligpit ng mga gamit." Pagsang-ayon niya sa suhestiyon kong walang kakwenta-kwenta.
BINABASA MO ANG
The Scattered Dream
General FictionAeryll Kieth was one week late for class because she was involved in an accident and got hospitalized for almost two weeks. While Nikkolo Grei was nowhere to be found for one week on their morning classes. And then, after a week later they both show...
