CHAPTER 15

4K 239 1
                                    

"LOVE is for
EVERYBODY."


Author Notes:
I'm back! Kung meron mang nag hihintay sa akin at sa story ko. Sana magustuhan nyo guys!

NIKKI P.O.V.

Malapit na kami sa bahay namin ng may tumawag kay Vincent.

"Sino yun?" Tanong ko sa kanya.

"Kapatid ko yung tumawag dahil may emergency daw sa bahay." Sabi nya naman.

"Hala! Pano yan hindi ka makakapunta sa bahay namin." Sabi ko. Talagang patay na ako sa mga kambal ko.

"Sorry! Next time na lang." Sabi nya naman sa akin.

Pag kababa ko sa kotse nya ay nag paalam na sya sa akin at ako naman ay pumasok nasa bahay na may halong kaba dahil sa kambal ko.

"Sorry! Mga hari ko. Kung hindi nyo ako pansinin okay lang sa akin yun." Sabi ko sa kanila at inabot ang Ice Cream at pumunta nasa kwarto para makapag pahinga.

Pero bigla na lang pumasok sa isip ko ang lalaking nanggulo sa buhay ko at nag baboy sa pag katao ko at hindi ko namalayang tumutulo na pala ang mga luha kusa mukha ko.

"Bakit parang napakadali lang sayong kalimutan lahat ng ginawa mong kagaguhan sa akin." Pag kasabi ko ng mga salitang yun ay hindi na tumigil ang mga luhang tumutulo sa aking mukha.

"Dada!?" Sabi sa akin ng kambal ko.

"Bakit mga hari ko." Sabi ko naman sa kanila at sabay punas ng luha sa aking mga mata.

"Dada, shorry po!" Sabi sa akin ng kambal ko at bigla akong inakap ng mahigpit.

Sa mga oras na yun ay naramdaman ko yung pag mamahal ng mga anak ko sa akin na kahit may kasalanan ako sa kanila ay pinatawad nila ako agad.

Sana lumaki ang kambal kuna kahit anong ginawang kasalanan ng ibang tao sa kanila ay wag silang mag tatanim ng sama ng loob sa kanilang puso bagkus ay patawarin nila ito ng bukal sa kanilang puso dahil kung hindi sila marunong mag patawad ay sila ang talo sa dulo. Sana wag nyo akong gayahin dahil hanggang sa huli kung hininga ay hindi ko mapapatawad ang kanilang ama dahil sa ginawa nyang kababuyan sa akin.

"Tapos naba kayong kumain ng Ice Cream." Sabi ko sa kanilang dalawa.

"Hindi pa pho dada hintay pho namin ayo para shabay shabay tayo ain." Sabi naman ni Bright.

"Tara na garod para masimulan na nating kainin yung Ice Cream." Sabi ko sa kanila pero hindi man sila umalis sa kanilang pwesto.

"Dada buhat mo pho ami." Sabi ni Bryce.

Kaya wala akong nagawa binuhat ko si Bryce at salabay ko naman sa likod si Bright.

Pag katapos naming kumain ng Ice Cream pumasok na agad kami sa Kwarto namin at natulog na.

Maaga akong nagising ngayon dahil may Speacial Quiz kami sa First Subject kaya kaylangan kung pumasok ng maaga para makapag review pa ako lahit papaano.

~~SCHOOL~~

Pag karating kusa Classroom ay nag basa agad ako ng lecture namin para hindi naman kawawa ang score ko mamaya. Hindi nag tagal ay pumasok narin yung Profesor namin.

"Okay! Alam nyo naman na may Speacial Quiz kayo ngayong araw na to." Pag papaliwanag ng profesor namin.

"Yes Maam!" Sagot naman namin sa kanya.

"Okay! Get one and pass."

Pag kabigay sa amin ng test paper ay nag simula na akong sumagot at buti na lang ay alam ko ang isasagot ko dahil nabasa ko kanina ito ng biglang....

KRING! KRING! KRING!

"Kaninong Cellphone yun!" Sigaw ng Profesor namin.

"Diba sinabi na nga ni Maam na isilient ang Cellphone kanina." Sabi ko naman sa kanila.

"Bakla sayo ata!" Sabi naman sa akin ni Jean.

Hiyang hiya ako non grabe.

"Maam Exuce lang po!" Sabi ko kay maam at kung makita nyo lang yung tingin sa akin ng kaklase ko hindi ko alam kung natatawa ba sila o naiinis sa akin.

"Ikaw pa ang nag bawal tapos sayo naman pala!" Pag kasabi ni maam non najiya talaga ako. "Okay sagutin muna baka emergency." Sabi ni maam sa akin.

~~TITA ANNE CALLING!~~

"Hello tita anne nasa kalagitnaan kami ng Quiz namin." Sabi ko sa kanya.

"Nikki kaylangan mo pumunta dito sa Hospital si Bryce." Sabi sa akin ni Tita Anne at kinakabahan na ako ng sobra.

"Ano pong nangyari kay Bryce?" Sabi ko naman.

"Sabi ng Doctor kaylangan syang salinan ng dugo sa madaling panahon pero kasi yung dugo nya mahirap hanapin." Hindi na kuna napigilang tumulo ang luha ko at nanghima na yung mga tuhod ko sa sinabi ni tita Anne.

"Ano po ang pwedeng gawin Tita." Sabi ko naman.

"Nikki! Pumunta kana dito bilis!" Halata sa Boses ni tita na kinakabahan sya kaya pumasok ako sa Classroom at lumapit kay Maam ng umiiyak na ako nang sobra.

"Maam pwede ko po bang itake na lang sa ibang araw yung Quiz may emergency po sa bahay." Pag mamakaawa ko sa kanya.

"Pero Mr. Javier Speacial Quiz ito kaya hindi mo pwedeng itake sa ibang araw kung gusto mo ta---." Pag kasabi sa akin ni Maam non ay lumuhod na ako sa harapan nya at alam kung napatigil narin yung mga kaklase ko sa pag sagot.

"Please! Maam nag mamakaawa ako sainyo." Sabi ko kay maam habang nakaluhod. Gagawin ko lahat basta sa mga anak ko kayang kung lunukin lahat ng pride basta mapuntaham ko lang sya.

"Mr. Javier tumayo ka dya hindi mo kaylangan lumuhod basta bigyan mo ako ng explanation para payagan kita." Sabi nya sa akin.

"Nasa ospital po ang anak ko at nasa Critical Condition po ang lagay nya." Sabi ko kay maam at alam kung pati mga kaklase ko ay nagulat sa sinabi ko pero wala na akong pakealam sa mga sasabihin nila sa akin basta ang mahalaga ay mapuntahan ko ang anak ko.

"Maam payagan nyo napo sya." Sabi ng Class Prisedient namin.

"Kaya nga po Maam!" Sabi rin naman ng mga kaklase ko.

"Sege pinapayagan na kita basta iinform mo kami kung anong lagay ng anak mo." Sabi naman ni Maam.

"Salamat po talaga Maam at salamat din sa inyong lahat." Pag kasabi ko noon ay binigyan nya na ako ng Gate Pass para makalabas ako sa School.

Pag malapit na ako sa Gate ng school ay may nabangga ako pero hindi kuna pinansin dahil nag mamadali na ako ng Sobra.

Ilang sandali lang ay nakarating na ako sa Ospital at nakita ko agad sila Lola, Tita Anne at si Bright na umiiyak kasama habang akap akap ni Lola si Bright.

Author Notes:
Maraming salamat sa patuloy na nag babasa ng story ko at nag vovote at kung meron din nag cocoment. Thank you guys!
Kung may nag hihintay man ng Update ko o pag babalik ko maraming salamat sa tiwala sa aking mga likhang storya. Maraming salamat talaga sa inyong lahat. :)

[COMPLETE]Angel's Gift [M2M] [MPREG]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon