CHAPTER 52

2K 101 1
                                    

"Kung may mahal kang isang tao wag kang matakot na mahalin sya bagkos gawin mo syang insperation sa buhay mo kung hindi man nya ibalik ang pag mamahal na katulad nang pag mamahal mo sa kanya, hindi ikaw ang nawalan kung hindi sya dahil sinayang ka nya."
-Author Rectzle 2020

THIRD PERSON P.O.V.

Lumipas ang mga ilang buwan dumating na ang Buwan kung kailan na makikita ang Anak Ni Nikki kay Jeon at hindi mapinta ang sayang nararamdaman nila Nikki at Ace dahil sa mga lilipas na mga araw ay pwede na lumabas si Baby at sobrang saya ni Ace na kahit hindi sya ang Ama nang pinag dadala ni Nikki ay naging mabuti syang ama hindi lang sa magiging bagong baby kundi narin sa mga anak nila ni Nikki. Na kahit anong sabihin ni Nikki kay Ace ay susundin nya ito ng walang pag kakaila.

Sa mga lumipas na buwan ay pinag sasabay ni Ace ang pag pasok sa school at pag aalaga ng mga anak nila ni Nikki. Kahit buntis si Nikki ay nag tutuloy parin ito ng pag aaral dahil hindi pumayag si Ace na ihinto ni Nikki ang pag aaral nya kaya nanguha sila nang mag tuturo kay Nikki sa Home School. Tungkol naman sa mga kaibigan ni Nikki ay humingi si Mark nang sorry sa mga sinabi nya kay Nikki at nag thank you sya na kahit buhay nya ilalaan nya basta mailigtas lang yung mga taong mahahalaga sa kanya at doon lang nila na patulayan na kahit anong problema ang dumaan sa kanila o kahit pag baligtarin baligtarin ang mundo ay mag kakaibigan parin sila hanggang sa dulo.

Dahil sa nangyari kanila Reynaldo at Jeon ay hindi napigilan nang mga media na makiepal dahil alam nilang sikat sila Ace at Nikki kaya mabilis itong naging trending sa bansa at sa labas nito at nabunyag din ang sekrito nila Ace at Nikki na may anak silang dalawa at shempre maraming nagulat dahil unang una lalaki si Nikki, bakit daw sya nag ka anak at buntis pa daw sya ngayon kaya pinaliwanag sa media ni Ace na may Case si Nikki na tinatawag na Hermaprodhite na may dalawang reproductive organ si Nikki at pag active ito ay pwede syang mabuntis once na may pumasok na Sperm Cell sa kanyang Puwet. Kaya mas lalong nag bunyi ang mga Fans nila Ace at Nikki dahil may anak na daw silang dalawa kaya mas lalo pang naging sikat ang kanilang love dito sa loob nang bansa at pati narin sa labas nito. At mas dumami ang gustong kumuha sa kanilang maging artista, model at marami pang iba.

NIKKI P.O.V.

"Ace! Nasaan sila Bright at Bryce!?" Sigaw ko kay Ace. Araw ngayon nang sabado kaya wala silang pasok.

"Nandito kami sa likod nag lalaro!" Sagot nya rin naman.

Kaya lumabas ako at pumunta sa kinalalagyan nilang tatlo. "Wag na wag mong tuturuan nang mga kalukuhan ang anak natin Ace malilintikan ka talaga sa akin." Sabi ko naman.

"Baby ko relaxe ka lang hindi naman kalukuhan ang tinuturo ko sa kanila." Sabi nya naman habang nakangiti at sobrang pogi nya doon at sobrang Hot nya rin gad.

"Baby ko wag mo akong titigan nang ganyan baka pag kalabas ni Baby masundan yan kaagad." Sabi nya habang nakangisi.

"Tumahimik ka nga dyan." Sabi ko sa kanya sabay tingin nang sobrang talim sa kanya. "Mga hari ko ano pa ang tinuturo ng Daddy nyo sa inyo." Tanong ko sa kambal.

"Ung elf depense pho dada." Sagot ni Bright.

"Ano!" Sigaw ko.

"Wag ikaw galit dada baka apatid amin iyak." Sabi naman ni Bryce.

"Wag kang mag alala baby ko hindi ko tuturuan ang mga anak natin para lang makasakit sila ng kapwa nila tinuruan ko sila para Self defence nila para magamit nila pag kinakailangan." Pag papaliwanag ni Ace sa akin.

"Pag yan nakita kung ginamit nyo sa hindi tamang pa---." Hindi ko natapos ang sasabihin ko dahil may sumabad na boses galing sa likod ko.

"Napaka sungit naman nitong Baklang yoh akala mo naman kagandahan." Sabi sa akin ni Lisa.

[COMPLETE]Angel's Gift [M2M] [MPREG]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon