"Love doesn't need to be perfect,
It just needs TRUST."NIKKI P.O.V.
"Hi ako nga pala si Ni---. Ikaw!" Sabi ko. Pero sa oras na to hindi ko mapaliwanag yung nararamdaman ko dahil ang bilis ng tibok ng puso ko.
"Papalipat na lang ako ng kwarto." Sabi nya at lalabas na ng kwarto.
"Bakit ka mag papalipat ng kwarto." Tanong ko naman. "Kung dahil parin yan sa ginawa mo dati pinatawad na kita." Hindi ko alam kung bakit lumabas yung mga salita na yun sa bunganga ko.
Pero ang bugok hindi namansin tumuloy lang sa higaan nya at nag ayus ng mga gamit nya.
~~SEA SIDE~~
"Ang first Activity natin ay bawat partner pipila by your respective number at bubunot kayo dito sa box kung ano ang topic nyo na pag uusapan at dapat pag katiwalaan nyo ang bawat isa't isa." Sabi ng babae na nag sasalita sa harapan namin.
Nagulat ako dahil may 3 pair ang ipoposas dahil yung isa bubunot ng topic na pag uusapan nyo bawat isa tapos yung isa naman bubunot kung nakaposas o hindi.
At kung sweswertihin nga talaga kami ng kapartner ko dahil ang topic namin ay LOVE at nakaposas lang naman kaming dalawa.
Nag lalakad lang kaming dalawa dito sa Sea Side at mag nakita ako duyan sa hindi kalayuan kaya hinila ko sya para doon kaming dalawa mag usap.
"Uy! Hindi ka man lang ba mag sasalita." Sabi kusa kanya.
"Nag mahal kana ba!?" Tanong nya.
"Lahat naman seguro ng tao nag mahal na." Sagot ko naman.
"Bakit ako hindi ko alam kung nag mahal naba ako o hindi pa dahil parang may kulang sa akin pero hindi ko alam kung ano yun." Sabi nya sa akin.
"Bakit mo naman nasabi yan."
"Dahil iba ang nararamdaman kuna dapat pag gumising ako ng maga nasa tabi ko yung tao na yun na hindi mabubuo ang araw ko pag hindi ko sya nakita pero lahat ng yun hindi ko mapaliwanag dahil nakalimutan ko lahat nang alaala ko dahil sa accidient ko 3 years ako." Sabi nya naman at nagulat ako sa sinabi nya sa akin kaya iibahin ko naman ang tanong ko.
"Kamusta ba love life mo?" Tanong kuna sa kanya.
"Bakit ako nanaman dapat ikaw na." Sabi nya naman.
"Okay! May isang lalaking nang gulo ng tahimik kung buhay na ang sabi nya sa akin mahal nya daw ako pero hindi ko alam kung totoo ba yun o hindi dahil kilala sya ng maraming tao na panget ang ugali, mataas ang tingin sa sarili, at higit sa lahat babaero." Pag sisimula ko. "Dumating sa time na ginahasa nya ako kaya nag paka layo layo ako sa kanya pero lumipas ang ilang taon bumalik ako pero ang masakit hindi nya na ako matandaan hindi ko alam kung ano ang dahilan kung bakit nya ako nakalimutan. Sabi kusa sarili ko hindi ko sya kayang patawarin pero ng makita ko yung mukha nya nag bago lahat ng yun dahil mahal kuna seguro sya." Sabi ko naman.
"Pano kung bumalik sya bibigyan moba sya ng second chance!?"
"Hindi ko alam dahil seguro hindi nya na gagawin yun dahil masaya na sya sa buhay nya." Sagot ko naman.
"Pano kung lahat ng seguro mo mali!? Nakausap mo ba sya bago mo sya iwanan." Sabi nya nanaman pero hindi ako sumagot. "Malay mo yung nagawa nya sayo pinag sisihan nya at pano kung minahal ka nya naman talaga higit pasa buhay nya." Sabi nya nanaman pero hindi ako sumagot. "Tandaan mo hindi mahirap mag bigay ng second chance malay mo pag dumating sya tapos hindi mo binigyan ng Second chance tapos marerealize mong mahal mo naman pala talaga sya dahil natatakot ka lang na maulit yung ginawa nya sayo tapos ng bibigyan muna sya ng second chance may iba na syang mahal diba mas masakit yun dahil mahal mo naman talaga sya pero pinangunahan ka lang ng takot na dapat nilabanan mo dahil mahal mo sya at malay mo mahal ka naman pala talaga ng lalaki nayun higit pasa buhay nya." Sabi nya sa akin.
"Sana totoo na lang ng sinabi mo na sana ikaw na lang yung lalaki nayun." Sabi ko naman pero ngumiti lang sya sa akin. "Ikaw naman."
"Ako!? Wala naman akong nililigawan at wala rin akong jowa dahil mas inuuna ko yung pag aaral ko para pag nahanap kuna yung taong para sa akin maipag mamalaki nya ako." Sagot nya sa akin.
"Nag bago kana nga." Bulong ko sa sarili ko.
"May sinasabi ka." Tanong nya naman.
"Wala naman akong sinasabi ahh."
Pag katapos non ay may ginawa pa kaming activity natapos kami ng bandang 10 na nanggabi at gigising pa kami ng maaga dahil may activity nanaman na alam kung mahihirap na kaysa sa ginawa namin ngayon.
Nakatingin ako ngayon sa kisami at iniisip lahat ng sinabi ni Carter kanina na naakcidente daw sya 3 years ago hindi ko alam kung bakit may nararamdaman akong iba at napaisip ako na bakit ako umilis at iniwan sya kung pwede namang hintayin ko muna syang mag paliwanag sa akin kung bakit nya ginawa yun seguro nga natakot ako agad na hindi ko man lang inisip muna kung anong pwede ngayon dahil inisip ko agad ang future na parang mali.
Author Notes:
Nag sisimula na pong gumulo ang isip ng bida. Ano na kaya ang susunod na mangyayari sa DIAMOND CAMP hintay sa Next Chapter.
Maraming salamat sa patuloy na nag babasa ng story ko at walang sawang nag vovote at nag cocoment kung meron man. Thank you talaga guys.
BINABASA MO ANG
[COMPLETE]Angel's Gift [M2M] [MPREG]
RomancePano kung may isang tao na nag pagulo sa tahimik mong buhay na bigla na lang isasabing mahal kita na ang gagawin sayo na ihahatid ka pauwi sa bahay nyo, bibigyan ka ng Chocolate, Gift, Boquet Flower at Teady Bear na ikaw ang unang tao na ginawan ka...