CHAPTER 45

2K 105 3
                                    

”Loving you never was an option,
It was a necessity.”
 -Truth Devour

ACE P.O.V.

Nakauwi na kami sa bahay at inaayos na nila Manang yung Guest Room kung saan matutulog yung mga kaibigan namin. At may suprise kami sa kanila at alam namin ni Nikki may mapapasaya kami ngayong araw.

Hindi nag tagal nandito na silang lahat at yung mga kambal ang sasaya dahil nandito yung mga ninang at ninong nila at sobrang saya.

At kung tatanungin nyo si Nikki nandoon sa kusina nag luluto na kahit isinabi kuna sila Manang nalang ayaw nya parin.

KRING! KRING KRING!

~~ATE SOFIA CALLING~~

"Hello ate, nasaan na kayo!?" Tanong ko sa kanila.

"Malapit na kami at bumili narin kami ni Kuya Clyde ng Ice Cream at Cake." Sabi ni Ate Sofia.

Tama ang nabasa nyo. Mga kapatid ko lang naman ang dagdag sa bisita namin at alam kung sasaya si Lisa nito.

"Sege ate tuloy na lang kayo dito nandito na yung mga kaibigan namin." Sabi ko kay ate.

Masaya ngayon dahil 11 kami. Limang mga babae sila Cassie, Lisa, Arian, Ate Sofia at si Nikki ko. Kaming mga lalaki naman si Mark, Theo, Prince, Vincent, Kuya Clyde at ako shempre.

"Hi Guys!" Sabi ni Ate Sofia sa mga kaibigan namin at nakakatawa yung mukha ni Lisa ng makita si Kuya.

"Lisa yung laway mo." Sabi ni Nikki galing sa kusina.

Kaya pinunasan naman ni Lisa yung laway nya at tumingin ng masama kay Nikki dahil wala naman talaga.

NIKKI P.O.V.

"Ohh! Natatandaan kita. Diba ikaw si Lisa kung hindi ako nag kakamali!?" Sabi ni Kuya Clyde kay Lisa.

"O-opo." Utal na sabi nya.

"Mag kakilala kayo kuya." Tanong ni Ace sa kuya nya.

"Yup! Nakilala ko sya ospital." Sabi ni Kuya Clyde sa amin.

"My gad hindi mo naman sa amin sinabi Lisa na mamamatay kana." Sabi naman ni Cassie.

"Malapit kana pala mamatay kaya dapat malaman na ni Kuya Clyde na Crush mo sya." Sabi naman ni Arian.

"At alam mo ba Kuya Clyde. Crush na crush ka ng kaibigan namin kaya dapat sagutin muna sya bago sya mamatay." Sabi ko naman.

"Hoy! Buhay pa ako papatayin nyo na ako agad kaya nag kita kami sa ospital dahil dinala yung dad ko." Sabi naman ni Lisa.

"And alam ko rin na Crush ako ng kaibigan nyo." Sabi naman ni kuya Clyde.

"Edi kayo na!?" Sabi naman ni Ate Sofia.

"Hindi naman ako nililigawan ni Kuya Cl---." Hindi nya natapos ang sasabihin nya dahil sumingit si Kuya Clyde.

"Sabi ko wag mo akong ikuya at sinabi ko na din sayo kilalanin muna natin ang isa't isa bago kita ligawan." Grabe si Kuya Clyde straight to the point.

"My gad yung buhok ni Lisa baka maapakan nyo." Sabi naman ni Arian.

"Mga bata kumain muna kayo at baka lumamig ang pag kain." Sabi ni Manang kaya pumunta na kami sa lamesa at shempre napakasaya namin sobra.

Natapos kami sa kulitan at harutan at sobrang saya grabe ngayon parang walang problema.

"Balita ko kasali kayo sa Love Team of the Year ngayon!?" Sabi ni Kuya Clyde.

[COMPLETE]Angel's Gift [M2M] [MPREG]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon