CHAPTER 22

2.9K 57 0
                                    

"Kami po ni Hashim ang magkasama buong gabi nang mga panahong 'yon." Nangungusap ang mga mata kong tiningnan si Hash. "Before that night, I was with him. Nasa bahay kami ng parents ko to give him a surprise. Pagkatapos, niyaya ko ang mga kaibigan kong magpunta sa club dahil ang usapan namin ni Hash ay doon kami mag-cecelebrate sa engagement nila ng kapatid ko pero dahil nga may banda pa siya kaya nauna na ako." Masama ang tingin na pinukol sakin ni Zorina.

"Dumating nga si Hashim kasama ang mga kaibigan niya pero hindi ako nakalapit sa table nila dahil na rin sa mga kaibigan ko. Nakita ko pa nga sina Roisin at ang mga kaibigan niya roon. I got a chance to talk to Hashim when he went to the Island counter. Umiinom siya mag-isa kaya nilapitan ko siya at kinausap. Dala ng alak ay niyaya ko na siyang umuwi pero tumanggi siya. He invited me to go to his room instead. Sa itaas ng club na 'yon ay may sarili siyang kwarto." Nagyuko ako ng ulo dahil kunwari ay nahiya. It's really weird.

"What happened next after you two went inside his room?" Atty. Crisval asked. Grr! Nakakahiya pala kapag sinasalaysay mo ang isang pribadong bagay sa publiko.

"Something intimate happened between us." Sa sinabi kong 'yon ay siguradong namula ang buong mukha ko. "L-Lasing kami pareho pero hindi ganoon kalasing para makalimutan ang mga n-nangyari. Naalala ko pa, nilagyan niya pa ako ng tattoo sa likuran ng tainga katulad ng sa kaniya." Sadya kong hinaplos ang likod ng tainga ko kung saan ay pinalagay ko kay Salem ang code badge ni Hash last month. May binigay si Atty. Crisval sa judge to strengthen my testimony. Prosecutor Ynarez cross-examined me. Buong tapang kong sinagot ang mga tanong niya sakin.

I stared at Hashim and slightly nodded my head, assuring him everything would go according to what had been planned.

"Ako ang babaing 'yon, Hash."

Kumunot ang noo niya. "What are you saying?"

"Aminin mo sa korte na may ginawa ka nga, pero ako ang babaing kasama mo. Doon sa itaas ng club, sa kwarto mo." Tumiim ang bagang niya at hindi malaman ang gagawin. "Titestigo rin ako."

"Hari, that's absurd. It's a scandal. Don't you know that it will ruin your image?" medyo galit ang boses niyang sinabi.

"I don't care," taas-noo kong tugon. Wala akong pinapangalagaang reputasyon. "It's a scandal, so be it. Sabay tayong lumubog sa kahihiyan, wala akong pakialam. Pero sisiguraduhin ko, makakalaya ka rito. Makakaalis ka sa lugar na ito. Even if it will ruin me. I'm with you, Hashim."

He shook his head in disbelief. "And what about your family? You will totally sow the discord relationship with your parents."

"That's for me to say..." I beamed at him faintly.

"That's..." He washed his face frustratedly. Walang maapuhap na sasabihin.

"Sabihin mo na nilagyan mo ako ng tattoo sa likod ng kanang tainga ko nang gabing 'yon. I...I have a mole an inch after... my... my nipple, on the left side of my... chest. If ever na tatanungin ka..." hiyang-hiya kong sinabi.

Hindi ko alam kung saan titingin pero pihadong namumula na pati leeg ko ngayon. Naging awkward ang atmosphere dahil sa katahimikan pero ramdam ko ang intensidad ng titig niyang nanunuot hanggang buto ko.

"That's sexy..."

I gasped.

"Hashim...!" He chuckled. Nangangapal ang mukha ko sa kahihiyan. Hindi ko alam kung sarkastiko iyon o amusement sa tono ng pananalita niya.

"Ako? Hindi mo ba tatanungin?" Nang tingnan ko siya ay nakangisi na siya. Pati ang mga mata ay kumikinang. Pero sa likod niyon ay may nagbabagang apoy na pilit niyang tinatago. Desire. It was behind his playful sparkling eyes. "I have a birthmark on my..."

BDSM SOCIETY: Convicted To YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon