"Alam niyo, Ma'am. Dapat magkasundo tayo. Tayong dalawa lang dito tapos nag-aaway pa.""Paano, wala kang kwenta kausap!" asik niya.
"Nagsalita ang laging galit," pang-aasar pa nito dahilan upang mainis siya lalo. "Dapat maging mabait ka sa nurse mo. Hindi mo alam kung ano ang pinapainom sa'yo. Mamaya niyan may lason pala, sige ka."
She scoffed and smirked cynically. "Mas magpapasalamat pa ako sa'yo kung ganoon! Hindi na ako nagdurusa, hindi pa ako nagkakasala sa Diyos!"
"Hindi po kayo mapupunta sa langit kapag namatay kayo."
"And why is that?!" Huli na para bawiin ang curiosity niya. Bakit niya ba pinapatulan ang lalaking 'to? Layunin nito na inisin siya.
RD chuckled. "Kailangan niyo po ng nurse roon. Hindi kayo aalagaan ni San Pedro. Tsaka hindi mapapakali ang kaluluwa niyo. Hindi niyo pa ako nakikita."
"Bwisit!" Humalakhak ang binata sa naiinis niyang itsura. Ang sarap pakinggan ng tawa nito.
"RD?" tawag pansin niya sa male nurse niya. "Nasaan ako ngayon?" Kanina niya pa gustong itanong ito pero lagi silang nagtatalo. She's curious at what place her parents brought her into.
"Nasa bahay, Ma'am." She pursed her lips and sighed. Ano pa nga ba ang mapapala niya sa lalaking 'to?
"I mean, saang lugar ako? Iyong bayan. Something like that!" inis na turan niya. Nilagay nito ang bagong balat na kahil sa kamay niya saka tumabi sa kaniya sa pag-upo sa bench sa labas ng beach house.
"Nasa lugar ka namin."
"I knew! Sinabi na 'yan ni mommy sakin!" Galit na talaga siya. "What name is your place? What region? I just wanna know where I am."
Noong nagdesisyon siyang i-declare na patay na siya ay sinabi niya sa mga magulang niyang ayaw niya sa Cebu tumira. Marami silang alaala roon ni Hashim. Mas lalo lang siyang masasaktan. Pero hindi sinabi ng mommy niya kung nasaan siya ngayon. At noong mga panahong 'yon ay labis pa ang pamimighati niya sa pagkawala ng anak.
"Nasa Mangagoy ka, Ma'am," tipid nitong tugon, halatang nag-iingat sa sagot.
"Mangagoy?" she reiterated, her forehead wrinkled. Hindi pamilyar sa kaniya ang pangalan ng lugar. "Saan sa Pilipinas ito? Anong rehiyon?" dagdag na tanong niya.
"Basta hindi NCR."
"Nang-aasar ka ba? Kumpletuhin mo nga ang sagot at huwag mo akong pinilipilosopo!" Narinig niya ang mabigat na buntong hininga ng binata. May rason ba para ilihim nito sa kaniya ang lugar?
"Wala namang silbi kahit malaman mo pa. Hindi ka naman nakakakita. Basta maganda at ligtas ang lugar na ito."
"Nasa Mindanao ako, hindi ba? Caraga Region, Bislig City, Surigao Del Sur. Sa rancho ng mga Artiza. Sa rancho niyo. Am I right, Drax?"
A long silence filled between them. Mas lalo lang siyang naintriga at lumakas ang kutob na si Drax nga ang kasama niya. Nag-alis ng bara sa lalamunan ang binata bago nagsalita.
"Hindi ko alam kung sino si Drax at lagi niyo akong napagkakamalang siya. But I am RD. Magka-ibang tao po kami," mariin nitong tugon. Hindi siya naniniwala. Hindi siya pwedeng magkamali. Si Drax ang lalaking kasama niya ngayon. Sa araw-araw na magkasama sila ay naramdaman niya ang pag-aalala at pangangalaga ni Drax. Masaya ang puso niya kahit na lagi siyang inaasar nito. Pansamantala niyang nakalimutang malungkot siya at nagdurusa. Pero bakit kailangan nitong magsinungaling at magpanggap na ibang tao? "Mahalaga siguro sa inyo ang lalaking iyon at kahit ako ay napagkamalan niyong siya."
"Tama ka. Mahalaga siya sakin. He's special to me. At kung hindi lang nangyari ang aksidente ay pakakasalan ko siya." She smiled faintly at the thought. It would be unfair to him, pero handa siyang mahalin pabalik ang lalaki kapag ikinasal sila. Hindi mahirap mahalin si Drax. Iyon ang plano niya noon. Para bigyan ng kumpletong pamilya ang magiging anak niya ay handa siyang magpakasal sa ibang tao. Hindi niya kayang pakasalan si Hashim. Magiging miserable ang buhay nila. Kapag sakit at hindi pagmamahal ang bumubuhay sa isang tao, magdurusa lang ito.
BINABASA MO ANG
BDSM SOCIETY: Convicted To You
Romance"Go on, whip me...until you came." "I won't be gentle, Hari." "Be harsh to me, then." When giving your everything for the one you loved, Hari was downright wrong for thinking that it will be enough to make her loved one stay. After all the sacrifice...