May nagbago. Sa amin. Sa kaniya. Though he wanted to stay attached, there was already a wall that stumbled us to stay close. I could feel it. Something that barred us. Habang papalapit ang kasal namin ay unti-unti kaming nagkakalayo. Nagiging busy siya at ako naman ay pinili siyang intindihin. Baka tama si Salem. Naliligalig lang siya dahil malapit na ang kasal namin. He's nervous and his way to cope with it was to keep himself busy.
"Hari!" gulat siyang napatingin sakin.
"Why? What's wrong?" kunot noo kong tanong. I felt like I wasn't welcome here.
"You should've told me you're coming." I stiffened for a while for what he said. I was hurt from the way he remarked.
"Bakit? Dati naman akong pumupunta rito without telling you. Why now, Hash?" I wasn't able to hide my disappointment and the pain was evidently coated on my voice.
Natahimik naman siya at bumuga ng hangin. "No. It's not that. Paano kung nasa client meeting ako? E'di naghintay ka rito?"
I scoffed. "I don't mind waiting for you in an hour or even a day. Natiis ko ngang maghintay sa'yo for years." It's not my intention to be sounded bitter but I surmised, I sounded that I was because his eyes softened. He looked away when I tried to meet his eyes. Dahil hindi siya nakaimik ay binago ko ang usapan at sinabi ang intensyon ng pagpunta ko rito. "Anyway, I came here to ask for a favor. It's business, don't worry."
He frowned hearing me sounded formal. "What is it?"
"May client kasi ako. Gusto niyang mag-renovate ng condo at kinuha ang service ko para sa pag-design pero gusto niyang kami na rin ang gumawa. Can I rent your construction service?"
"Condo, you said. Hindi ba dapat ay admin ang nagtatrabaho niyan?"
I shrugged my shoulder. "Hindi naman daw major ang renovation. And nakausap na daw ang admin kaya walang problema."
He nodded. "I see. Ipapadala ko nalang ang mga tauhan ko. Ilang tao ba ang kailangan mo?"
"Tingin mo? For two-floored condo."
"Ipapadala ko nalang ang isang team. When will it be?"
"I'll contact the client. Hindi pa ako nag-commit dahil hindi naman ako sure kung okay lang sayo."
"And what made you think na hindi ako papayag?"
"Baka kasi busy ang mga tauhan mo at maabala kita," I replied, chewing my lips.
"No. Hindi ka abala, Hari." He smiled at me and I reciprocated it. Bakit parang magkaibigan lang kami kung magturingan? Parang nawala ang sweetness sa pagitan namin.
"Thank you." Tumayo na ako at hinalikan siya sa pisngi bago naglakad palabas pero nang nasa pintuan na ako ay lumingon ako. "Ah, Hash," I called him.
"Yes?"
I sighed. Umiling ako. "Nothing. Saka nalang." Tinulak ko na ang pintuan saka lumabas. Hindi ko siya kayang tingnan nang matagal. Nasasaktan ako. I wanted to ask him about the house and the wedding pero baka lalo lang siyang ma-pressure.
Kinabukasan ay pinuntahan ko ang address ng client na sinasabi ni Jersey. I knew this place! Baka naman ay umalis na siya at iba na ang tumira?
Nag-doorbell ako at hinintay na pagbuksan ako, expecting someone foreign. Pero nagkamali ako ng inakala dahil ang una kong naisip ang nangyari.
"Hi," nakangiti niyang bati saka nilawakan ang pagkakabukas ng pintuan. "Come in."
Naiilang naman akong pumasok. Nilibot ko ang paningin sa condo niya. The last and first time that I'd been here, I hadn't had the opportunity to tour myself around.
BINABASA MO ANG
BDSM SOCIETY: Convicted To You
Romance"Go on, whip me...until you came." "I won't be gentle, Hari." "Be harsh to me, then." When giving your everything for the one you loved, Hari was downright wrong for thinking that it will be enough to make her loved one stay. After all the sacrifice...