Buong gabi akong umiyak. Sobra akong nanghina. Mentally. Physically. Emotionally. I was drained. What did I do to deserve the pain?
I tried to pull myself together and summoned all the will to continue breathing and working as if nothing happened.
Pumasok pa rin ako. Pumunta pa rin ako sa condo ni Drax kinabukasan dahil may hindi sila naintindihan sa design ko.
Nakatitig lang ako sa wall habang ginagawa ng team ang trabaho nila. They're talking but I just heard them like bees, they're just buzzing to my ears.
"Ganito po ba?"
Maganda na rin 'yong ganito na napapalibutan ako ng mga tao. Para hindi ako umiyak. But imagine? Your heart was suffering and aching. And that someone who was the reason for your pain was oblivious about your sorrow.
"Hari?" Muntik na akong umiyak kung hindi lang ako kinalabit ng kung sino.
"Huh? What are you saying?" Nag-aalalang tumitig si Drax sakin kaya nagbaba ako ng tingin.
"Break muna kayo."
"Huh?" I lifted my eyes on him.
"Break muna. Kahit saglit lang. Baka gutom ka." Hinila niya ako papuntang kusina at pinaupo. "'Know what? I hate to ask this, but... Is your fiancé taking care of you well?"
"Oo naman. Inaalagaan niya ako." Last year. I scoffed at myself. Last year.
"Pero bakit hindi iyon ang nakikita ko? Look at you. Have you seen yourself in the mirror?" Hinagod niya ng tingin ang mukha ko. "You thinned. Paler than usual. And that eyebags. Nabebenta ba ang pinagpupuyatan mo?" sarkastiko niyang tanong. "Noong unang kita natin ay akala ko puyat ka lang at pagod. But now, you're worst than the last time." That answered why he stared at me seriously when I checked the condo.
"I'm fine. Busy lang talaga ako sa preparation ng kasal namin," kaila ko. But the truth was, everything was all set and I was only trying to vent and kill time into something. 'Yong gown nalang ang kulang dahil may ginagawa pa si Duress.
"Clear all your schedules. Huwag kang tumanggap ng order hangga't hindi natapos ang kasal niyo. Mamaya niyan ay makahanap si Hashim ng iba at hindi ka siputin sa kasal." Blangko ang mga mata kong tumitig sa kaniya. Damn it! Bakit ang sakit ng totoo?
"CR lang ako." Padarag akong tumayo.
"Hey, I'm just kidding."
Hindi ko kayang tingnan ang sarili ko sa salamin. I'd only pity myself. Shit! Kailangan okay ako pagdating ni Hash. Bukas na ang uwi niya.
Maaga akong nagising kinabukasan. Kahit na wala akong gana sa lahat ay bumangon pa rin ako para paghandaan ang araw na 'to. Pero para lang din umiyak sa nabungaran.
"Ma'am, delivery po."
Isang malaking blue box ang dumating. Pagkatapos kong pirmahan ay sinarado ko ang pintuan saka nilapag ang box sa mesa.
I burst into tears when I saw what's inside. Shit! Ni hindi ko kayang hawakan ang laman. Tumunog ang cellphone ko at parang ayokong sagutin dahil alam kong masakit ang expectation remarks niya. Pero sinagot ko pa rin. I cleared my throat first before I spoke.
"D-Duress..."
"Hello, bride-to-be! How was it? Maganda 'di ba? Pumayat ka ba or tumaba? Let me guess. Tumaba ka 'no? Hiyang ka d'yan kay Hash!" Napapikit ako at parang may bumara sa lalamunan ko upang hindi makapagsalita. Shit! Ba't ang sakit? Bakit ayaw mawala ng sakit? Ilang baldeng luha pa ba ang ilabas ko para mabawasan ang sakit?
"M-maganda. Tama lang sa katawan ko." Hinagod ko ang dibdib ko dahil hindi na naman ako makahinga sa sobrang paninikip.
"OMG! Let me see it! Take a picture of yourself wearing it!"
BINABASA MO ANG
BDSM SOCIETY: Convicted To You
Romance"Go on, whip me...until you came." "I won't be gentle, Hari." "Be harsh to me, then." When giving your everything for the one you loved, Hari was downright wrong for thinking that it will be enough to make her loved one stay. After all the sacrifice...