CHAPTER 23

2.8K 61 4
                                    

"WHEREFORE, in view of the foregoing, the Decision of the Court of Appeals, finding appellant Hashim Zhan Nezcuda y Gaspil guilty beyond reasonable doubt of rape, is REVERSED and SET ASIDE. Hashim Zhan Nezcuda y Gaspil is ACQUITTED on the ground of reasonable doubt. His immediate release from confinement is hereby ordered unless he is being detained for some other charge. SO ORDERED."

Napatayo ako sa kinauupuan ko at patakbong nilapitan si Hashim. Walang paglagyan ang tuwa ko kaya naman ay mahigpit ko siyang niyakap.

"Congrats!" Naiiyak ngunit nakangiti akong tumitig sa umuulap niyang mga mata.

Hinapit niya ako at mahigpit na niyakap. "Thank you," he whispered. To my surprise, he pressed his lips to mine when he unraveled our embrace. I balled my palms. He stuck our heads together, eyes meeting mine. Pati ang mga mata ni Hashim ay nakangiti.

Masaya lang siya. Kaya nagawa niya akong halikan. Out of gratefulness.

Ang tikhim ni Salem ang tuluyang nagpahiwalay sa amin. Nakangiti kaming tatlo. Sa mga mata ay nagpalitan kami ng pangungusap ni Salem. All credits to him.

"Congratulations, dude." Tinapik ni Salem ang balikat ni Hash saka ako tinanguan.

Sinundo namin ni Salem si Hash pagka-discharge niya. Naglabas ng arrest warrant ang judge para kay Zorina. Kahit yata hindi magsampa ng kaso si Roisin ay may ibang tao na gagawa no'n.

Dumiretso kami sa compound kung saan nagkaroon ng welcome party ang mga Herodes para kay Hashim. Lahat ng gastos ay sagot ng leader nila sa frat. Ang taong isang beses ko lang nakita at ayaw ko na ulit siyang makita. Nakakangatog ng tuhod ang lamig ng mga mata. Ang taong leader nila kung palamigan lang ng mga mata ang pag-uusapan ay wala na yatang papantay kay Azreed.

The barbecue party was so heartwarming. Nakakataba ng puso na nakikita siyang nakikipagtawanan sa mga kaibigan niyang hindi man laging dumadalaw at hindi nakapunta sa trial ay naroon ang full support. Nalaman kong tinulungan ni Azreed si Salem sa paghahanap ng doktor at bartender. Habang ang mga miyembro ay siyang tumulong upang ipitin ang dalawa.

"Feeling fulfilled?" Nilingon ko si Playe. She handed me a glass of cocktail.

"Just happy." I smiled at her and accepted the punch. "Thank you."

"It's good to see him laugh again. Talk to us like nothing happened." Ramdam kong binalingan niya ako. "Mabuti nalang nandyan ka. Maid of honor ako." Sabay kaming tumawa. She patted my shoulder and walked to the crowd. Nawala ang ngiti kong sinundan siya ng tingin. Everyone in this compound was expecting something from us.

Inisang lagok ko ang hawak na alak. At kumuha ng whiskey sa kung saan. Bumaha ng alak sa buong compound habang nagsasaya at pinapalibutan ng mga Herodes si Hash. Hindi ko siya malapitan pero masaya akong masaya siya.

Tikhim ng kung sino ang nagpabaling sakin sa kaniya. "Kaushan," I uttered his name. We strode to the veranda and talked. "How's the feeling of being a husband and a father?"

"I couldn't name the feeling but I could say I am fulfilled." Halata sa boses niyang masaya at kuntento siya sa buhay niya ngayon.

"Good for you." I sipped my whiskey and sloped my arms on the long rail, enjoying the view.

"Ikaw? Kailan mo balak?" I let out a chuckle.

"Nagbabalak na," nakangiti kong tugon. Sa sagot na 'yon ay seryoso ako. "I just realized that life is too good for me to stay single." Sinalo ng labi ko ang bibig ng shotglass at nahinto sa akma kong pag-inom nang nakita siyang seryoso na nakatingin sakin.

"Ikaw ba talaga 'yon?" he skeptically asked at pailalim aking tiningnan. Naisang lagok ko ang whiskey at umiwas ng tingin.

"Bakit ka naman nagdududa?" balik na tanong ko saka nilapag ang empty glass sa top rail. "Masama bang ako iyon?" I cocked my head to meet him.

BDSM SOCIETY: Convicted To YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon