CHAPTER 38

2.8K 64 28
                                    

Mahigpit ang hawak niya sa mga kamay ko. Na parang doon siya kumukuha ng lakas.

"If Zorina gave you everything a man needs. I also made you into a man a woman needs. A woman deserved. And unluckily, I am not the woman. Consolation nalang siguro na ang babaing 'yon ay ang kapatid ko."

Manhid na ako. Hindi ko na alam kung may mas sasakit pa ba sa nararamdaman ko.

"Hari, I'm sorry. I didn't intend to hurt you like this." Humagulgol siya. Ramdam ko ang bawat patak ng luha niya sa mga kamay ko.

"It's okay, Hash," alo ko habang umiiyak. How could I dare say it when I was hurt? When I was in pain. "It will be alright. It will be fine. If not today, maybe tomorrow. That's life. That's love. I was only among those women who traded and bargained their best of luck to be chosen and loved by someone she loved all her life. And among those women, I was also the unlucky one. You were my first heartbreak. Moments with you were a roller coaster rides. But I was happy. I was truly bliss." I held his cheeks, through the moonlight, I saw him.

"Hadn't I told you before? I just want to make you happy. At kung hindi ako 'yon, malaya ka na. Thank you. Salamat dahil naramdaman ko ang pagmamahal ng isang Hashim. At masakit pala..."

Suminghap ako upang makalanghap ng hangin dahil naninikip ang dibdib ko. Nalulunod ako sa sobrang sakit. Pakiramdam ko hindi na ako makaahon pa. Pero kailangan. Kailangan kong umahon at mabuhay.

"Sumugal ako, pero hindi mo ako pinanalo. I just only wish today na sana sa susunod kong pagsugal ay ipapanalo ako ng taong itataya ko."

"Gusto kitang ipanalo, Hari. Kahit sa maliit na tyansa. Gusto kita na maging akin. Kahit na hindi kapareho ang intensidad ng pagmamahal ko katulad ng binigay ko sa kapatid mo. I wanna keep you with me. Enclosed you with my arms. And it was so selfish to say that I also want her. And you don't deserve it. Ano ang kaya kong ibigay sa'yo na matatawag mong sa'yo lang? Wala. Ang parte ng katawan ko, dito sa puso ko. May kahati ka. And you don't deserve a half-love."

"Gusto kitang ipaglaban, alam mo ba 'yon? Gusto kitang ipagkait at ipagdamot ka sa iba. Handa akong ipaglaban ka sa lahat...pero hindi sa sarili kong kapatid. Katulad mo, hindi ko rin siya kayang masaktan. Katulad mo, mas gusto kong makita ang sarili kong masaktan kaysa sa kaniya. Ayokong putulin ang pagiging magkapatid namin dahil lang sa nagmahal kami ng iisang lalaki. Marami pa namang lalaki at nag-iisa lang ang kapatid ko."

"I'm sorry, Hari. I'm sorry I failed you. I hurt you. I'm so sorry... I failed to keep my promise."

"Don't be sorry, Hash. Don't be sorry for choosing the happiness I couldn't give you. You don't deserve to settle for less. I'm sorry for being not enough it made you feel getting less." Iyong pagmamahal ko kay Hashim, hindi selfish. Mapagpalaya. May kalayaan siyang mamili. I wouldn't chain him into a melody that had no rhyme.

"Bakit nagawa kitang saktan?" sising-sisi niyang tanong kung sakin ba o sa sarili niya ay hindi ko alam. Dinig na dinig ang lungkot sa bawat paghinga namin.

I'm sorry for myself. I lost myself when I was busy building him. Gusto ko nalang lumayo. Gusto ko nalang huminga.

"Go home now, Hash. You won't be happy by sticking up with me. Malaya ka na." I sobbed habang unti-unti siyang nilalayo ng dilim sakin. "Tanggalin mo na ang singsing. Please, nand'yan ang lahat ng rason para hindi na kita balikan. I just wanna tell you, once I let go, wala ka nang babalikan." Isang beses lang akong magmahal sa isang taong. Kaya ginagawa ko ang lahat para hindi mawala ang pagmamahal na 'yon. Dahil kapag ako na ang sumuko, hindi na ako lalaban pa ulit sa parehong rason.

Parang lahat ng sakit ay napunta sa singsing nang tanggalin niya iyon. Gumaan ang pakiramdam ko pero namanhid ang buong pagkatao ko.

This time around, siya ang umalis. My heart slowly broke and scattered as I watched him walking away. Alin ba ang mas masakit at mahirap gawin? Ang umalis? O ang maiwan?

BDSM SOCIETY: Convicted To YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon